Kanina pa ako nandito sa kwarto at hindi ako bumababa kahit kanina pa ako gising, bumababa lang ako tuwing kakain o may kailangan ako. Wala akong ibang ginawa dito kundi ang magmuni muni dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Yung lalaking nakita ko kagabi, yung lalaking nakatayo sa tabi ng gilid ng kalsada, posible kaya na siya din yung lalaki na nakita ko noon nung gabi na nakakita ako ng tao na nakatingin sa akin nung nakatingin ako noon sa bintana? Kung siya man iyon, sino siya at ano ang kailangan niya sa akin?
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi sa akin, kung bakit para akong hinihila papalapit sa kanya. Kung bakit gusto kong makalapit sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili kong katawan kagabi na akala mo'y may sarili itong pagiisip.
Hindi ko man gustong aminin, pero may hinala ako na kilala ko ang tao na iyon. Dahil iisa lang naman ang taong kilala kong magagawa na sumunod sa akin ng ganon, iisa lang.
Damon.
Kung posibleng siya nga iyon, bakit siya nandito at paano niya ako natagpuan? Tahimik na ang buhay ko kaya bakit kailangan pa niya akong guluhin? Ano ba ang pakay niya?
Umakyat ang kamay ko pataas sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, nang ilapat ko ang palad ko sa dibdib ko ay ramdam ko ang malalakas na pagtibok ng puso ko. Ano ba ang nanyayari sa akin? Napapadalas na ata ang pagkakaroon ng kaba, baka makasama pa ito sa anak ko.
Kahit nahihirapan ay lumabas na ako ng kwarto ko at tahimik na nagtungo sa baba. Kung maaari ay ayoko muna sanang makita si Matt, nahihiya ako dito dahil sa nangyari kagabi. Salamat naman sa diyos at nang makababa ako ay wala siya doon. Parang hindi ko pa kasi siya kayang harapin, nahihiya ako sa nangyari kagabi.
Nagtungo ako sa kusina para maghanap ng makakakain hanggang sa nakakita ako ng tinapay kaya naman ito nalang ang kinain ko. Naupo ako sa isa sa mga upuan at hinayaan na tangayin ako ng pagiisip ko.
Paano nga kaya kung si Damon iyon? Nalaman na ba niya ang tungkol sa pagbubuntis ko? Kung oo, ano naman ang binabalak niya? Na kukunin niya sa akin ang anak ko oras na mailabas ko na ito mula saa sinapupunan ko, ganon ba ang gusto niya? Dahil hindi ako papayag, akin itong anak ko na ito. Ako ang magpapakahirap na dalhin ito.
Pero bakit may parte sa akin na nanghihinayang dahil hindi ko siya nalapitan kagabi kung siya man iyon, dahil malakas talaga ang kutob ko na siya iyon.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, ang gulo gulo na. Kasi mahal ko pa din siya at iyan ang totoo, pero bakit tuwing inaalala ko ang mga karahasan na ginawa niya sa akin ay palaging nasasawalang bahala ang pagmamahal ko sa kanya at natatabunan ito ng galit?
"What happened last night?" Rinig kong tanong ng kung sino sa gilid ko kaya naman nabaling ang atensyon ko dito.
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang makita ko si Matt na nakatayo sa kanilang dulo ng mesa.
Ganon ba kalalim ang iniisip na hindi ko man lang naramdaman na nandito na pala siya?
Hindi ako nakasagot agad, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"I want to know what exactly happened last night." Kalmado pero maawtoridad na sabi nito sa akin. Hindi pa din ako makapagsalita dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang sagot.
"H-hindi ko alam." Mahinang tugon ko dito, kumunot ang noo nito.
"Hindi mo alam?" Ulit nito sa sinabi ko. "Magkakaganyan ka ba kung walang dahilan?"
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dito.
"Simula kaninang umaga ay wala ka na sa sarili mo. Kanina ka pa ganyan. Dahil ba iyan sa nakita mo kagabi?"