Kabanata 16

13.7K 267 14
                                    

"Welcome to my parents' resthouse." Sabi ni Matt at tsaka binuksan ang pinto ng malaking bahay.

Literal na napanganga ako sa nakita ng mga mata ko, kung maganda ang bahay na nito sa labas ay mas lalong maganda ito sa loob. Modern ang style ng bahay na ito, simple lang siya pero malinis naman at maayos. Ang tipo ng bahay na masarap mamalagi, idagdag mo pa ang malaking sliding door sa dulo ng sala na makikita ang magandang karagatan.

"Like what you see?" Rinig kong tanong ni Matt sa likuran ko, nang humarap ako sa kanya ay nakahalukipkip ito habang nakangiti.

"Ang ganda naman dito." Kumento ko sa kanya.

"Yep, I know." Lumapit ito ng isang hakbang. "Anyway, your room is upstairs. Wanna check it out?" Agad naman akong tumango. Umakyat na kami sa ikalawang palapag ng bahay, at katulad sa baba ay ganon din kaganda ang nasa itaas. May mga ilang picture frames na nakasabit sa pader, sa tingin ko ay picture iyong nga pamilya niya. Nasa harapan si Matt habang ako naman ay nasa likod niya at nakasunod sa kanya.

Ilang sandali lang ay tumigil na siya sa paglalakad at huminto sa tapat ng isang kulay beige na pinto at humarap sa akin. Binuksan niya ang pinto at napasinghap naman ako sa nakita ko. Puro gulat nalang ang ibinibigay sa akin ng bahay na ito.

"This will be your room." Sabi nito sa akin, tumango lang ako dahil masyadong okupado ang atensyon ko dahil sa magiging pansamantalang kwarto ko. Humarap ako sa kanya at siya naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa akin. Bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha.

"Oh? Bakit mukhang ikaw pa ata itong namangha?" Pabiro kong tanong sa kanya, ngumiti lang ito sa akin at yumuko sandali.

"You always amuse me even when you're not doing anything." Bulong nito sa kanyang sarili pero hindi ko naintindihan.

"Ano iyon?" Muli kong tanong sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin, bahagya naman itong umiling. Napansin ko pang medyo lumaki ang kanyang mata na para bang hindi niya sinasadyang iparinig sa akin kung ano man ang sasabihin niya. Pero siguro ay wala lang iyon, kung ano man ang sinabi niya.

"Wala." Sagot nito at ngumiti ng tipid.

"Kaninong kwarto ito dati? Ang ganda." Umalis siya sa pagkakasandal niya sa hamba ng pinto at lumapit sa kinaroroonan ko, inilagay niya ang dalawang kamy niya sa magkabilang bulsa ng pantalon.

"This used to be my little sister's room. Pero maaga siyang nag asawa kaya hindi na niya nagagamit ito."

"Close siguro kayo ng kapatid mo."

May isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha nito.

"Yeah, we are. Infact, she's the only person who knew me so well. Pero ngayon, hindi na kami gaano nagkakausap dahil nasa ibang bansa na siya kasama ang pamilya niya. I miss her." Malungkot na sabi nito, kahit nakangiti ito ay mahahalata mo pa din ang lungkot sa mata niya. Kitang kita na mahal niya talaga ang kapatid niya.

Hinagod ko ang kanyang likod, bumuntong hininga siya.

"So much for being dramatic." Tumawa ito ng maliit at tsaka humarap sa akin. "Get some rest, alam kong pagod ka. If you need to take a shower, there are some clothes in that cabinet," tinuro niya ang cabinet na malapit sa isang pintuan. "You can use those, they are my sister's but she doesn't use them anymore so you are more than free to wear them."

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat, pagkatapos non ay lumabas na siya. Pabagsak akong humiga sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa biyahe, pero kahit ilang oras akong nakaupo sa sasakyan ay hindi naman ako nainip dahil sa nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa magagandang tanawin na nadadaanan namin.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon