Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana, dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko. Sandali kong iginala ang tingin ko sa buong kwarto at pinakiramdaman ang paligid. Nakakailang minuto na akong tahimik at nakikiramdam sa paligid ay wala naman akong naramdaman na iba.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad patungo sa bintana kung saan pumasok ang hangin kagabi bago ako matulog. Binuksan ko ito at idinungaw ko ang ulo ko dito, wala naman na ang tao na nakita sa labas kagabi. Siguro nga ay guni guni ko lang iyon.
Hindi ko alam kung panaginip ba ang narinig ko kagabi o ano, pero kung ano man iyon, dapat ay kalimutan ko nalang iyon dahil siguro ay gawa lang iyon ng matinding pagod na nararamdaman ko kagabi kaya kung ano ano ang naiisip ko. Iwinaglit ko nalang ito sa isip ko.
Lumapit ako sa side table kung nasaan ang table clock, 10am na pala ng umaga. Pumasok ako ng banyo para makapaligo na nang matapos ay mabilis akong nagbihis at tumungo na sa baba.
Pagkababa ko ay wala akong naabutan na Matt doon. Siguro ay tulog pa iyon, kaya para makapagpalipas ng pagkainip ay naupo nalang ako sa pang isahang tao na upuan na nakaharap sa glassdoor kung saan tanaw na tanaw mo ang kulay asul na dagat.
Ilang sandali pa ay napako ang atensyon ko sa hagdan nang makarinig ako ng yabag ng paa na nanggagaling doon, at nakita ko na si Matt na halatang kagigising palang dahil sa gulo gulo nitong buhok at naniningkit na mga mata.
"Good morning, chef!" Pangaasar ko sa kanya at sinabayan ko pa ito ng mapangasar na ngiti.
"Aga aga pa, mangaasar ka agad. Oo na." Sabi niya at tsaka humikab.
Huminto siya sa gilid ko. Halatang halata na inaantok pa din ito, nakakunot ang noo at halos hindi pa din niya maidilat ng mabuti ang mga mata niya. Pakamot kamot pa ito sa ulo niya.
"Ano ba kasi gusto mong kainin?" Masungit na tanong nito, pero kahit nakakunot ang noo ay mukha pa din itong bata na hindi matunong gumawa ng kahit anong kasalanan.
Tumawa naman ako.
"Eggs and bacon, bread with nutella tapos may banana sa loob, tsaka gatas na may asukal." Masaya kong sabi sa kanya. Inirapan naman niya ako at tsaka umalis sa harap ko at nagtungo sa kusina.
Nakakatuwang magsungit si Matt. Kahit nagsusungit siya ay malalaman mo pa din na siya yung tipo ng nagsusungit na hindi naninigaw o nananakit.
Nitong mga nakaraang araw, ako na ang nagluluto ng kinakain namin, nung una ay ayaw pa niya dahil ako daw ang bisita dito. Pero siyempre ay hindi ako pumayag, gusto ko naman na may gawin din ako dito.
Masaya ko lang pinagmamasdan ang magandang tanawin nang marinig ko na tinawag ako ni Matt at sinabing nakahanda na ang pagkain. Pinatay ko na ang tv at nagtungo sa dining room kung saan nakahanda sa mesa ang mga requests ko. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa dining room ay agad akong napahinto sa paglalakad nang makaramdam ako ng kung ano na nagbabadyang lumabas mula sa bibig ko. Tatakbo pa sana ako sa pinakamalapit na cr pero hindi ko na nakayanan at nailabas ko na ito sa sahig ng sala.
Ilang sandali ay narinig ko ang mabibigat na hakbang ng paa ni Matt na para bang tumatakbo ito.
"Reese!"
Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at hinihimas ito. Nang matapos akong magsuka ay nanghihina akong napaupo sa upuan na malapit sa akin, at si Matt naman ay umupo sa tabi ko.
"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Inabutan niya ako ng tubig at ininom ko naman iyon.
"O-oo." Sabi ko sa kanya. Idinampi naman niya ang likod ng kamay niya noo ko upang tignan kung may lagnat ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/45757396-288-k797320.jpg)