Kabanata 13

16.2K 320 13
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na iba parang malambot ang hinihigaan ko. Unti unti kong idinilat ang mata ko at iginala ang paningin ko, doon ko lang nakita nandito pala ako sa kwarto ni Damon. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang alastres palang ng madaling araw.

Iginala ko pa ang paningin ko hanggang sa dumapo ang mata ko sa lalaking katabi ko sa kama na ngayon ay mahimbing na natutulog. Ang lalaking minahal ko noon, ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa din. Napakaperpekto niya kung titignan, mahabang pilik mata, magagandang labi, matangad, magandang pangangatawan, matangos na ilong, makinis na mukha. Kung titignan mo siya, iisipin mong anghel siya na nalaglag mula sa langit. Pero kung sno ang kinaganda ng panlabas na anyo niya, iyon naman ang ikinapanget ng panloob niya. Walang awa, nananakit. Noon hindi siya ganyan, napakabait niya sa kahit sinong makikilala niya at may mabuti siyang puso. Dahil doon ay natutunan ko din siyang mahalin at nagsama kami ng masaya, pero hindi din naman nagtagal iyon dahil kinailangan kong pumunta ng US at iwan siya.

Pero kahit noong nasa US na ako ay ni minsan, hindi siya nawala sa isip ko. Mula pag gising hanggang sa pagtulog, siya at siya lang ang tumatakbo sa isip ko, wala nang iba. Gabi gabi ko noon pinapanalangin na sana ay panaginip lang ang ito, na sana pag gising ko nasa tabi ko pa din siya at nasa pilipinas pa din ako kasama siya.

Hanggang sa nakahanap ako nga tiyempo at nagawa kong tumakas mula sa akamay ng mga magulang ko. Masayang masya ako noon habang papunta sa airport dahil sa wakas ay makakabalik na ako ng pilipinas at makikita ko na siya, siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako umuwi dito. Pero mukhang pinanganak talaga akong malas dahil hindi na siya ang Damon na minahal ko noon dahil ianngkin na ng demonyo ang pagkatao niya.

Umiling ako ng ilang beses para mawala ang tumatakbo sa isip ko. Bumabaa ang tingin ko sa katawan ko at doon ko lang napansin na nakasuot pala ako ng t shirt, malamang ay kay Damon ito. Sinilip ko ang loob ng t shirt at hindi na ako nagulat ng makitang wala akong bra at panty. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga pero agad din akong napaupo dahil sa sakit ng ulo ko at katawan ko.

"Ahhh..." Daing ko habang nakahawak sa sentido ko, ano ba nag ginawa niy sa akin at sumakit ng ganito ang ulo ko?

Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay pinili ko pa din tumayo para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit ako. Nang makapasok sa banyo ay napadaan ako sa malaking salamin doon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Ako ba ito?" Tanong ko sa aking sarili. May malaki akong pasa sa mukha at sa iba't ibang parte ng katawan. Nangingitim ang pasa ko sa mukha at halatang sariwang sariwa pa ito, ito siguro ang sampal sa akin ni Damon kagabi. Napabuntong hininga ako sa nakita ko, gaano pa ba katagal akong magtitiis? Hindi ko nalang pinansin ito at naglinis na ng katawan.

Nang matapos akong maglinis ng katawan ay nagsuot ako ng t shirt na kulay itim at ang pinakamaliit na boxer brief na nakita ko sa cabinet ni Damon. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto para hindi makagawa ng ingay, nang makalabas na ako ng cr ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang tulog na tulog pa din sa kama si Damon. Lumapit ako sa gilid ng kama para mas matignan ng mabuti ang kanyang napakaamong mukha.

How could someone looked so innocent be so incorrigible?

Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at bumuhos nanaman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang ito. Dahil ba ito sa sakit na nararamdaman ko? O dahil sa lungkot?

Hindi ko mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon. Kung hindi ko sana siya iniwan noon, malaki ang posibilidad na hindi sana siya nagkakaganito ngayon. Palagi niyang pinapaalala sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito, dahil iniwan ko siya at hindi niya nakayanan ang lungkot. Dahil doon, lalo akong nakakaramdam ng lungkot para sa kanya at galit sa sarili ko. Galit dahil hindi ko man lang siya pinaglaban sa magulang ko, galit dahil basta basta nalang akong sumunod sa kanila na makipaghiwalay sa lalaking mahal ko.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon