Chapter 7-Headquarters

8.9K 234 16
                                    

Kiyukki's Point of View


Kwintas? Oo kwintas. Yung kwintas na binigay sa akin ni Suju. Paano nya nalaman na akin to kung palagi itong nakatago sa loob ng shirt ko? Naninilip ba sya?


"Paano mo naman nasabi na akin to?" Nagtatakang tanong ko dito ngunit tiningnan niya lamang ako. Ilang minuto niya din akong tiningnan bago siya muling magsalita.


"Ako. Ako ang nagpagawa niyan."Patukoy niya sa kwintas ko.


Ano bang sinasabi niya? Eh si Suju naman ang may bigay ng kwintas at sabi ni Suju siya ang bumili at pumili ng disenyong babagay sa akin. Sabagay kung nagawa nga akong lokohin ni Suju, ang pagsisinungaling pa kaya ang di niya magawa?


"Inutusan ako ni Suju na ibili ka ng kwintas. Ayaw ko namang basta bastang kwintas lang ang ibigay sayo. Kaya pinagawa ko yan. Kahit hindi mo alam na ako ang nagbigay atleast sa akin galing diba? Kaya Kiyu, Ikaw ba ang babaeng yun?"Pagpapaliwanag nito sa akin. Balak ko pa naman sanang di na isuot pero ng malaman kong galing sa kanya ay isusuot kopa din ito.


Paano ko naman kaya makukumbinsi ang isang 'to na di ako ang kumuha kay Angelica kahit ako naman talaga? Aish! Paano ko naman kaya maiiwasan ang gusot na'to di niya maaring malaman kung sino talaga ako kung hindi mapapahamak siya.


"Wag mo nga ako pag dudahan Lance Jung. Hindi ako ang babaeng yon! okay? Pwede na ba ako umalis?" Madiin kong tugon dito. Tatalikod na sana ako ngunit bigla na naman siyang nagsalita.


"Eh paano yang kwintas?"Aish! Paano ko ba malulusutan ang makulit na 'to? Di pa naman ako magaling magpalusot dahil palagi namang malinis ang aking trabaho at walang nakakapansin kapag ako na ang nakilos pero ngayon nagkaroon ng gusot! Tsk napaka observant talaga ng isang 'to.


"Nasabit noong nag lilinis ako ng classroom. Nalimutan kong kunin. Okay na ba?" Ay ang engot ko talaga! Aish! Bakit naman paglilinis pa ang naipalusot ko eh may janitor nga pala ang school! Ay bahala na nga siya! Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat.


"Oh sige, sabi mo eh. May mahalaga pa akong kailangan sabihin. Sana naman pagbigyan mo na ako sa pagkakataong ito please." Palagi nalang akong pinipigil nito. Ano ba ang sasabihin nya?


"Okay." maikling sagot ko dito. Sa totoo lang kinakabahan na ako sa kung ano mang maari niyang itanong tungkol sa pagkuha kay Angelica.


Nabalot kami ng katahimikan at ilang minuto na ang nakakalipas di pa rin siya nagsasalita at nag uumpisa na ding maubos ang pasensya ko.


"Now what?!" Kanina pa kasi yan di naimik eh. 5 mins after niya akong pigilan at magmakaawang manatili muna ako.


"Ah ano kasi eh. Uhm ano-" Urgh! Ano ba talaga ang problema ng isang 'to?!


"IMPORTANTE BA YAN?!" naiinis na tanong ko dito. Tiningnan lang niya ako saka umiwas ulit ng tingin tapos titingin ulit. Kanina pa sya ganyan ng ganyan. At konting konti nalang mauubos na ang pasensya ko!

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon