Chapter 13-Plan

6.4K 184 8
                                    

Kiyukki's Point Of View


"On position." Sabi ni Ayan gamit ang ear piece na halata namang nakalagay sa tenga. Tss

Lumayo muna ako kina Lance, nagpaalam ako saglit na mag ccr lang. Agad kong hinanap si Watson. Ganito kasi ang plano namin.



(Flashback)

"Pupunta kami sa Burial ni Angelica kasama sina Kenshin" sabi ko kay Ayan. Nandito kami ngayon ni Ayan sa Head quarters. Nagpaplano kami kung paano namin tatapusin si Watson. Balak kasi naming tapusin ang Snake Head ngayon dahil nakakuha na kami ng lead tungkol sa Hawk Eyed.




"Eto nga pala ang blueprint kung saan gaganapin ang burial ni Angelica at ito ang blue print ng kanilang head quarters" sabay abot ng mga blue prints at tiningnan ko ito ng mabuti at pinag aralan ko muna ito.


" Ako na ang bahala sa kanya. Gusto kong sa headquarters natin sila patayin. Ayaw kong guluhin ang burol ni Angelica" sumang ayon naman si Ayan. Alam kong naging mahalaga na sa kanya ang aming mga kaklase kaya ayaw nya itong madamay. Since ngayon na namin tatapusin sina Watson. No use nadin ang pag gamit namin sa kanila. Ang kailangan nalang naming siguraduhin ay mauubos lahat ng Snake heads.



"O sige, Ano pa ang plano?"  tanong sa akin ni Ayan.

Nag umpisa na akong isalaysay ang naisip kong plano at sa tingin ko ay sumang ayon naman ito sa naiisip ko.



"Sige naiintindihan ko. Simulan na natin ang laro"

(End of flashback)

"Hi binibini, Isa ka ba sa kaibigan ng aking anak?" Watson watson. Nice it looks like the prey is talking on the predator.


"Hindi, At wala akong balak kaibiganin ang anak mong asal hayop katulad ng ama nito" nakangiti kong sabi. Kita ko naman sa mukha nito ang pagkagulat ngunit binigyan ng isang pekeng ngiti. Psh. Fake as always.


"Masyado kang matapang binibini kamangha mangha. Nais pa kitang makilala." Tss. Talaga! At ito na ang huling araw na mamangha ka. At ibibigay ko talaga ang gusto mong pagkamangha kapag pinatay na kita.



I gave him my evil grin na ipinagtaka nya.


"Boss" sabi ng isa sa kanyang tauhan saka ito lumapit at may ibinulong kay Watson. So nagsisimula na pala ang plano.


"Mauuna na ako binibini. Nais kong makita kita muli at maimbitahan sa isang pagsasalo" sabi nya at muli ay nginitian na naman ako nito.



"Ikagagalak ko WATSON" sabi ko. Tila nanlaki ang mga mata nito ngunit umalis din sya.


"Simula na Death" sabi ko ngunit mahina lamang. Hindi ko na sya inantay sumagot ata agad akong lumapit kina Lance. Nakita ko naman si Kysler at Tracy. Nandito na pala sila.


"Uyy Yukkkiiiii" excited na sabi ni Tracy.
I just nod at them.

"Huy panget wag ka maingay nasa burol tayo." sabi ni Kysler na ikanakunot naman ng noo ni Tracy. Nilibot nya ang ulo nya at nakita nyang nakatingin sa kanya ang mga tao.



"Hehehe Sorry" sabi nya saka nag peace sign. Tsss.


"Tsk Panget talaga" pang aasar na naman ni Kysler. Hayan na naman sila at magsisimula na naman ng bangayan.


"Wag ka nga panget!" sabi ni Tracy ngunit mahina  na lamang.

"I'm going" I said. Kung hindi ako magsasalita ay hindi pa sila matatapos nyan. Nakita ko si Ayan na umalis na.


"Yukki naman eh. Kararating palang namin eh." pagrereklamo ni Tracy.


"I'm not feeling well. So I will leave na." sabi ko saka nagpanggap na nahihilo at humawak sa aking ulo.



"Kiyu gusto mo ba ihatid na kita?" Alok ni Lance. Agad naman akong umiling dito.

"No I can handle myself" sabi ko saka tuluyang umalis. Naglakad ako patungo sa bakanteng lote kung saan nakaparada ang motor namin ni Ayan.


"Ready?" tanong sa akin ni Ayan.


"Always." sabi ko sabay kuha ng inabot nyang leather jacket. Sinuot ko ito Saka nilagay ang 2 hand gun at ang aking personalize dagger at ibang shuriken.


"Tara na" sabi ko kay Death na ayos na rin.


Sumakay na kami sa aming motor atsaka nagsimulang ipaharurot. Matapos ang ilang minuto ay nakarating kami. Pinark namin ang motor namin sa isang bakanteng lote na malapit sa headquarters ngunit tagong parte. May mga puno kasi dito.


"Tara na." Nilabas ko ang aking  samurai. Tanaw ko ang mga assasin na inutusan kong sumugod sa Snake Head. Sa ngayon ay nagkakagulo sila sa harapan. Nang pumasok na sila ay saka kami pumasok sa loob. Nakita kong malinis na ang harapan. Lahat kasi ng pinapatay nila ay tinatago nila sa isang kwarto.


Ang plano kasi namin ay papuntahin muna si Watson bago kami magpakita. Kaya lumapit ang isa sa mga tauhan ni Watson dahil nabalitaan nyang may nangyayaring kaguluhan sa harapan ng head quarters nila. Kapag pumunta na sya doon saka namin ipapalabas na walang nangyayari.



"Isuot mo ang suit na 'to death. Isama mo si Akin. Magpanggap kayong tagabantay. Palabasin nyo na napatay nyo na ang mga nanggugulo kanina. Got it? Sabihin nyo maayos na ang lahat." Sabi ko, they just nod. Inunahan namin sa pagpunta si Watson. Dumaan kami sa shortcut upang mas mapabilis ang pagdating namin.

Ang mga kasama kong assasin ay sinuot ang jacket na nakuha nila sa storage room. Yun ang jacket ng snake head.

Magpapanggap sila bilang Tauhan ni Watson.Habang ako naman. Sinout ko na ang mala spider man kong shoes at hand gloves. Gawa ito ng Experimental Section ng mafia namin. Dahan dahan akong umakyat ng pader pataas sa kisame. Buti nalang at walang kulay ang kanilang kisame at matataas ito.


Dahan dahan akong gumapang habang iniiwasang gumawa  ng ingay. Agad kong hinanap ang kwarto ni Watson. Doon kasi nakalagay ang cctv monitor. May nakita akong kakaibang pinto. Buti nalang at bukas ng kaunti ito kaya nakapasok ako.

Nilock ko muna pang samantala ang pinto. Dahan dahan akong bumaba sa kisame at lumapit sa cctv monitor. Kailangan ko itong maihacked sa lalo at mas mabilis na panahon. Buti nalang at marunong ako manghacked.

Agad kong hinacked yung mga scene na nakikita kami sa cctv. Sinubukan ko ding magahanap ng kung anong files sa table ni Watson. Binuksan ko bawat drawer. May nakita akong isang maliit na notebook na may nakalagay na journal. Agad ko itong tinago sa loob ng suit ko.

Napatingin ako sa cctv at nanlaki ang mata ko ng makita kong nandito na si Watson at malapit na sya sa kwarto. Dali dali akong umakyat sa pader papunta sa kisame ngunit nung paakyat palang ako ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Nako lagot.

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon