Chapter 62-Final Wave Part 2

2.2K 46 20
                                    

Third Person's POV

(King! Floor 1 was already invaded!)
Natatarantang sabi nang nasa kabilang linya na siyang lalong nagpagalit sa King.

'He's now boiling in anger, everything was going according to what I expected.'

Sa kabilang banda naman ay isang tao ang natutuwa na nakikitang nahihirapan at nagagalit ang King. Kung ang iba ay natatakot kapag nagagalit ito, siya naman ay halos magdiwang kapag nakikitang nagagalit at namomomroblema ang kinikilala nilang King.

"Mitsuko and Ariella, dalhin nyo ang mga 'yan sa top floor! Hurry up! Flex, lead the second division on the 3rd floor." The King said while pertaining to Kenshin and the others.

Mabilis naman sumunod ang dalawa. Agad na nilapitan ni Ariella ang gising na si Kenshin, ngunit nang hawakan nito ang binata ay halos tumalsik siya dahil sa pag pupumiglas nito.

"Why are you making this hard for me Babe?" Naka-pout na sabi ni Ariella dito ngunit isang masamang tingin lamang ang kanyang natanggap mula kay Kenshin. "Ano ka ba naman Babe! H'wag ka ngang pa-hard to get!" Inis na sabi ni Ariella dito. Paniguradong kung mawawala lamang ang nakabusal sa kanyang bibig ay pauulanan niya ito ng mga mura dahil sa ginawa sa kanya nito nang nakaraan.

"Hey b*tch, I'll take this one. You should go and lead the way." Agad namang sumama ang mukha ni Ariella dahil sa sinabi ni Mitsuko o ni Kiyukki, habang si Kenshin naman ay nakaramdam ng ginhawa dahil malalayo na rin sa kanya ang nakakainis na babae.

"H-How dare you call me like tha-" Ngunit bago pa man makapag umpisa ng argumento si Ariella ay napagalitan na agad siya ng King.

Katulad ng iniutos ng King ay dinala nila ang mga bihag sa top floor. Sa kabilang banda naman ay nakarating sa head quarters ng kalaban sina Kysler at Kenshin kasama ang ilan pa nilang kakampi, agad nilang nilabas ang kani-kanila nilang armas.

Mabilis namang dinukot ni Elliot ang kanyang samurai at walang sabi-sabing sumugod, nabigla naman si Kysler sa ginawa nito kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito at sumugod rin. Nang makapasok sila sa loob ay nadatnan nila ang mga walang buhay na katawan at mangilan-ngilan dito ay ang kanilang mga kakampi, kaya lalong nakaramdam ng pag-init ng ulo sina Elliot.

"Ano ka ba Elliot! Huwag ka ngang magpadalos-dalos! Paano kung puro kalaban pala ang naririyan?!" Singhal sa kanya ni Kysler habang tumatakbo sila ng mabilis.

"I don't care! I can risk my life for her and for my sister! Bakit kasi sa'yo pa siya napunta?!" Inis namang singhal nito pabalik. Nakaramdam naman ng inis si Kysler nang maunawaan nito ang ibig niyang sabihin.

"I'll give you a good beating after this man! But for now, let's just save them and finish this battle." Wala sa sariling tumango si Elliot at mabilis na sinugod ang nakitang kalaban.

-

"King, may mga dumadating pa, umuunti na ang ating mga tauhan. Kailangan na po natin ng back-up kung hindi ay matatalo na tayo." Dahil sa inis ng King ay kanyang kinuwelyuhan ang nagbalita sa kanya na ngayo'y nanginginig na sa takot.

"Call Henson now! He's the one who's responsible for this! Kung hindi niya sana hinayaang makawala sina Sheena ay hindi sana naisalin sa anak-anakan niya ang huling Dragon's blood. Call him now!" Nang bitawan naman ng King ang kanyang alagad ay dali-dali itong tumakbo palabas upang gawin ang iniutos nito.

"I need to drain his blood now, or I think it's much better kung gawin ko din siya bilang isa sa mga puppet ko. What do you think?" Hinubad nito ang kanyang maskara at mataman na tiningnan sa salamin ang sarili. Yes he's talking to his self.

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon