Tracy's POV
"I'm home." I greeted. They didn't respond. Tiningnan lang nila ako at bumalik na sa kani kanilang ginagawa.
"Acy iha! Nako magmeryenda ka muna. "
Salubong sa akin ni Manang. Ang nagpalaki sa akin. She was there for me always. While my parents? Ayun busy sila sa kanilang business."Sige po manang. Salamat. Aakyat muna po ako para magpalit." Ngunit bago pa man ako makatapak sa unang baitang mg hagdan tinawag ako ni dad na nasa sala habang nakaharap sa laptop.
"Tracy" they're so strict. Kung anong dinaldal ko sa labas ng bahay ay siyang ikinatahimik ko sa bahay at kapag kaharap sina Mom and Dad.
"Yes Dad?" Hindi nya ako hinarap at patuloy sa pagtatype ng kung ano.
"Your training will be tomorrow. Be ready. You may go."
"Yes Dad." Atsaka ako umakyat sa kwarto ko.
Tomorrow is the day. Ang araw kung kailan magsisimula ang traning ko.
Ang training ko bilang protector ng isang mafia boss.
Yes, that was my future. My parents was a protector of a mafia clan. And how pitiful I am na magiging isa din ako sa kanila.
That's the reality that I should accept.
Lance's POV
"Sumugod sila kanina." Banggit ko sa mga kasama ko.
"Kailangan mong magdoble ingat Lance. Kailangan ka pa niya. Kailangan ka niya." Sabi ni Azi, he's pertaining to some one who's very special to me.
"Yes I will. And no matter what, babantayan ko siya." sagot ko dito.
Sino ang mga kausap ko? Malalaman nyo din soon.
"Sige mag-iingat ka. Sa muli nating pagkikita. Paalam."
Tracy's POV
"Miss Tracy nandito na po tayo." Napalingon ako kay Mang Jules. Ang aming driver but member din siya ng mafia.
"Thanks Mang Jules." Bumaba na ako sa kotse dala ang gamit ko.
"Miss Lopez, this way." Salubong sa akin ng isang babae na mukhang nasa mataas na pwesto.
Pumasok kami sa isang napakalaking mansion. Nasa training camp 1 kami, at di pa ito ang pinaka main head quarters ng mafia.
Sa pagpasok namin ay sumalubong sa akin ang mga taong nag eensayo sa pag gamit ng pana. Archery, one of the things I want to learn.
Nang makapasok na kami sa mismong hall ay nakita ko ang ilan pang taong sa tingin ko ay mag eensayo din. Marami sila, at sa pangangatawan palang ay mukhang may ibubuga na.
"Sila ang makakasama mo sa pag eensayo Ms. Lopez. So I will left you here. Darating na ang inyong trainor." Banggit nito sa ako iniwan.
"Thanks Miss." Nagbow pa ako dito.
"Pssst! Ate!" Nilingon ko ang isang babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng dalawang taon.
"Uhm Hello?" I said.
"Magtatrain ka din ba bilang reaper?" Tanong nito sa akin. Nginitian ko naman siya.
"I will train to be a protector of a mafia boss." Sagot ko dito.
"Wow. That was great! By the way, I am Elli Sylvia. And you are?" Sabay abot ng kamay upang makipag kamay.
"I am Tracy Lopez. Nice to meet you Elli." Sabay abot ko sa kamay nito. She was skinny at hindi halata sa katawan nito na magiging isa siya mafia reaper.
"Hey Elli! I said don't go anywhere?!" Napalingon kami parehas sa lalaking papalapit sa amin na tumawag kay Elli. Wait, they look the same.
"I'm big already! Look, i will train na diba?!" Sagot ni Elli sa lalaki. "Oh by the way, ate Tracy meet Elliot Sylvia. My twin brother." He just glared at me. Oh I'm scared. Psh.
"Don't be like that Kuya! She was soon to be Mafia Boss protector okay?" Bigla namang kumunot ang noo ni Elliot daw and he smiled na halata namang peke. Nako itong batang ito ang sarap kutusan.
"Psh! Fine. I am Elliot. So bye Tracy. Tara na Elli. Magsisimula na ang training natin!" Saka nito hinigit ang kakambal.
Maya maya pa ay dumating nadin ang aming trainer at saka nag pulong ang lahat.
"Welcome to the Camp 1 trainees. I am Miss A. So, I just want to remind you all. Kaya kayo mag tatrain upang protektahan ang ating mafia mula sa kanino man. And all you need is strength, knowledge, skills and determination. Sa mga mahihina ang loob ngayon palang sinasabi ko na sa inyo. Bumalik na kayo sa pinanggalingan nyo. Dahil araw araw kailangan ibuwis ang buhay. Dahil kayo ay magiging tagapag lingkod ng ating mafia at ang ilan ay taga protekta ng mafia bosses. So ngayong araw na ito ay sisimulan natin ang pag eensayo. Hahatiin ko kayo sa grupo."pagpapaliwanag sa amin ni Miss A.
Nagsimula na siyang mag grupo. At napabilang ako sa Group a. Hinati kami sa anim. At ang bawat isa ay may lima hanggang anim na myembro.
And oh. Kagrupo ko lang naman ang kambal.
" Woah. Ate Tracy! Waaah! I'm so lucky, buti nalang kagroup kita." Bati sa akin ni Elli. Nginitian ko naman ito.
"Psh. Malas." Rinig kong banggit ni Elliot.
"Sinong malas?" Tanong ko dito habang nakataas ang kilay. Psh!
"Tinatamaan ka ba tanda?" Tugon nito and I was like... What the heck?!
"Sinong tinatawag mong tanda ha?! Di mo ba ako kilala ha?" Nakakainis na bata 'to ah! Kala mo kung sino! Sarap kutusan. Mas mukha pa nga akong bata sa kanya eh! Aish!
"Bahala ka nga diyan! Psh crazy old lady" sabi nito at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
"AAAAARGGGH!" Sigaw ko at di ko namalayan na nag tinginan na pala silang lahat maging si Miss A.
"Any problem Miss Lopez?" Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Bwiset kasing bata yun eh!
"Uhm. None Miss A. I'm sorry. Hehe" I just smiled awkwardly. Ay! Bahala na!
This day will be a tiring day! Aish!
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess (EDITING)
ActionShe's the outcast girl, that they usually call weird. She's not sociable, she hates attention and she hates everyone. But there's this one guy who entered her life, and changed it. But unexpectedly, 'that' guy was her key to succeed with her plans...