Chapter 40-Dragon's Blood

3.1K 75 4
                                    

Third Person

"Sheena nasaan ba ang natitirang Dragon's blood?" Tanong ni Towo kay Sheena. Magmula ng magkasagutan sina Yukki at Kenshin ay umalis na din ang iba kaya ang tangin naiwan ay si Sheena at Towo.

"A-ang h-huling dragon's blood ay naiturok ko sa aking anak." Nang matapos niya itong sambitin ay doon siya naiyak. Bakas ang pagsisisi sa kanyang mukha.

"Si Kenshin?! Umeepekto na ba sa kanya? Hindi ba iyon makakaapekto sa kanya? Hindi naman siya magagaya kay Yukira 'diba?" Mababakas sa tono ng pananalita ni Towo ang pangamba at pag-aalala. Natrauma kasi ito dahil sa dinanas ng matalik niyang kaibigan.

Matalik niyang kaibigan ang mga magulang ni Yukki maging si Sheena at Kenson, maging si Henson na trinaydor sila ay itinuring na din niyang kaibigan kaya di niya akalain na kaya silang traydorin nito dahil halos tunay na magkakapatid na ang turingan nila. Kaya ng naman ng masaksihan ni Towo ang paghihirap ni Yukira dahil sa Dragon's blood ay nakaramdam siya ng takot para kay Kenshin.

"Hindi kasi ako nag-iisip ng maayos eh! H-hindi ko manlang naisip ang anak ko! Ang tanga tanga ko. Wala na kasi akong mapagtaguan ng Dragon's blood. Kakaunti lang din ang naisalin ko kay Kenshin dahil halos kalahati ng Dragon's Blood ay naisalin kay Yukira." Nagiging basag na ang boses ni Sheena dahil naluluha ito kapag naiisip niya na nasa anak niya ang Dragon's blood. Ito ang dahilan kung bakit madaming nagtatangkang kumuha sa anak niya noon.

Sa kabilang banda naman ay nanatiling nasa garden si Kenshin at si Kiyukki. Nakahiga silang dalawa sa damuhan sa ilalim ng isang puno nang biglaang napabangon si Kenshin habang nakahawak sa kanyang ulo atsaka nagsimulang mag sisigaw.

"ARRRRRRRRGHHH!" Impit na sigaw ni Kenshin kaya agad din namang bumangon si Kiyukki upang alamin ang kalagayan nito.

"Anong nangyayari sayo Kenshin?!" Pasigaw ngunit nag aalalang tanong ni Kiyukki.

Hinarap naman siya ni Kenshin at bakas sa mukha nito ang paghihirap at sakit. Nagiging malamlam din ang kanyang mata.

"Y-yukki a-ang u-ulo k-ko ang s-saki-" Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla itong natumba, kaya agad naman siyang nilapitan ni Kiyukki.

"SHIN! SHIN! GUMISING KA! TULONG! TULONG!"Sigaw ni Kiyukki habang tinatapik tapik ang pisngi ng binata. Maya maya pa ay nagdatingan ang dalawang reaper ng kanilang mafia at doon ay dinala nila si Kenshin sa Medical Department ng kanilang Head Quarters.

Ang medical department ay isang facility na tulad ng isang ospital. Kumpleto ito sa gamit na pang ospital kaya kapag may nasasaktan sa kanilang myembro ay hindi na nila kailangan pang magpunta sa tunay na Hospital dahil ang mga doktor dito ay higit na mas magaling sa doktor sa mga pampribado man o pampublikong Hospital. Ang medical department din ang nagsasagawa ng research at mga lunas sa mga malalang sakit at saka nila ito ibinebenta sa black market at sa gobyerno. Ngunit minsan ay ipinapamigay nila ng libre ang mga gamot sa mga mahihirap kapag nagsasagawa sila ng medical mission.

Balik tayo sa kasalukuyan. Habang nasa medical department si Kenshin at nakahiga sa isang hospital bed ay nakabantay naman sa tabi nito ang nag aalalang si Kiyukki at maging si Towo at Sheena ay nandoon din. Halos dalawang oras ng tulog si Kenshin.

"Master Towo, ano ang kalagayan ni Kenshin bakit siya nawalan ng malay?" Hindi likas kay Kiyukki ang pagiging magalang at nakasanayan na din naman ito ng mga tao sa paligid niya.

"Kiyukki, s-si Kenshin...s-si Kenshin" nauutal at putol putol namang banggit ni Sheena kaya naman agad na napakunot ang noo ni Kiyukki.

"B-bakit? Anong meron kay Kenshin?" Tanong naman ni Kiyukki sa kanila. Bahagya namang nagkatinginan si Towo at Sheena.

"Taglay ni Kenshin ang Dragon's blood magmula bata pa. At sa tingin ko ay umeepekto na iyon ngayon sa kanya." Sagot ni Sheena dito. Sandaling napatulala si Kiyukki.

"Hindi ko pa rin naiintindihan kung ano ang dragon's blood na iyan. Makakaapekto ba 'yan sa kalusugan niya?" Nag aalalang tanong ni Kiyukki.


"Hindi natin masasabi. Ang Dragon's blood ay isang liquid na nilikha ko na maaaring mag bigay ng kakaibang kakayahan, bilis, talas ng pag iisip at lakas sa isang taong mayroong Dragon's Blood. Kaya nitong gawing superhuman ang isang normal na tao. Isang bote lang ng likidong ito ang nagawa ko at ang halos lahat ng laman ng bote ay napunta sa ina mo at ang natitira ay inilagay ko kay Kenshin. Ito ay humahalo sa dugo hanggang sa ang Dragon's blood ay magiging bahagi na ng iyong dugo. Sa lagay ni Kenshin, kakaunti lang ang naisalin sa kanya kaya ngayon palang umeepekto amg Dragon's blood kaya sa lalo't mabilis na panahon ay kailangan niyang magsanay kung paano kokontrolin ang kanyang sarili, dahil noong wala pa akong mga ala-ala ay pinapainom siya ni Hensom ng isang gamot na makakapagpabilis ng pagdaloy ng Dragon's blood sa kanyang katawan hanggang sa 'di na niya ito makontrol." Mahabang paliwanag ni Sheena may Kiyukki kaya lalong nadagdagan ang alalahanin niya

"Alam na ba niya ito?" Tanong muli nito.

"H-hindi pa. At sa oras na magising siya ay sasabihin na namin ito sa kanya." Sagot muli ni Sheena dito. Napahinga nalang ng malalim si Kiyukki at muling tinitigan ang mahimbingna natutulog na si Kenshin.


Kenshin's Point of View

Madilim ang paligid kung saan ako naroroon. Wala akong makita kundi ang tanging naririnig ko lang ay kaluskos ng mga dahon, malakas na hangin at huni ng mga ibon.


Hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan hanggang sa magliwanag ang kapaligiran. Liwanag na mula sa sinag ng buwan. Naaninag ko ang aking paligid at doon ko lang napansin na nasa isang gubat pala ako dahil may nagtatayugang puno at mga halaman. Nasaan ako? Bakit ako naririto? Nasaan si Kiyukki?

"Kenshin"

T-teka kay Kiyukking boses 'yun ah?!  Nasaan siya?! Agad kong inilibot ang aking paningin ngunit hindi ko siya nakita. Doon ay nag umpisa na akong maglakad. Patuloy lang ako sa paglalakad at 'di ko alam kung nasaan na ako, 'di ko na alam kung saan na ako dinala ng panyapak ko. Basta patuloy ko lang pinapakinggan ang paulit ulit na pagtawag ni Kiyukki sa akin.



Palakas ng palakas ang boses ni Kiyukki, nakakarinig din ako ng ragasa ng tubig kaya't hinanap ko ang pinanggalingan ng tunog na iyon at doon ko natagpuan si Kiyukki. Nakatalikod siya sa akin ngunit kahit hindi siya nakaharap ay alam ko pa din na siya ito.

"K-kiyukki." Pagtawag ko sa kanya, at doon ay dahan dahan siyang humarap sa akin ngunit ikinagulat ko ang kanyang pagharap.

"Kenshin." Muling tawag nito sa akin habang nakangisi ng nakakatakot habang ang kanyang mata ay pulang pula at may mumunting ugat na mababakas sa kanyang mukha. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin habang may hawak siya sa kanyang kamay at doon ako nakaramdam ng takot.

"K-kiyuk-"



"Kenshin gising!"

Agad akong napabalikwas ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Kiyukki. Panaginip lang ang lahat ngunit nagdadala ito sa akin ng pangamba at takot. Naghahabol ako ng hininga nang hinarap ko si Kiyukki na halatang nag aalala sa akin.


"Hey what happened? Are you oka-" hindi na niya natapos ang kung ano mang sasabihin niya ng bigla ko siyang hinigit at saka maigting na niyakap.


"Ken, okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Nag aalala niyang tanong sa akin habang hindi ko parin siya binibitawan.


"Shhh." Pagpapatahimik ko dito at doon ay niyakap niya din ako ng mahigpit.

What is that dream? It's weird.


Very weird dahil hawak mismo ni Kiyukki ang sarili niyang puso habang ang kanyang dibdib ay butas at dumudugo.

Author's note:

Hi guys. Sorry for the lame update. Oo nga po pala, baka every week nalang ako makapag update pero kung kakayanin pa din po ay itatry kong mag update lagi. Please do votes and comments. Let's all find out what will happen next. Ano sa tingin niyo yung panaginip ni Shin? ㅋㅋㅋ

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon