Kiyukki's Point of View
"Impressive. Hindi nga kataka-taka na ikaw ang pumalit sa iyong ama. Turning that toy gun into a weapon was a good- no great idea." Wait, he's not the guy that I was looking for. He's more intimidating and he look's stronger than the last goon. And the strange here is, how did he know my identity?
"Pakawalan mo siya." Malamig kong sambit sa kanya ngunit tila hindi siya natitinag.
"Na-uh. This young man belongs to us, Silent Death." So I think he's from Hawk Eyed too but he got a higher position than those goons. I only have one needle left. My eyes roamed around and searching for something that I might use as a weapon.
Then I saw the gun from the goon that I attacked.
Hahablutin ko na sana ang baril ng bigla niyang paputukan ang kamay ko. Buti nalang at mabilis ko itong naiiwas.
"One wrong move and you're dead. Sito! Bantayan mo siya!" Maya maya pa ay nakaramdam ako ng malamig na bagay sa ulo ko. What the! Dahan dahan kong nilinga ang kung sino mang hangal ang nagtangkang tumutok sa akin ng baril.
Hmm, the last goon that I was searching for.
Dahan dahang naglakad palayo yung lalaki bitbit si Kenshin. I should do something. But first kailangan kong makatakas mula dito kay Siko, Sipo basta the last goon!
"Hey, kilala mo ba kung sino ang tinutukan mo ng baril?" Malamig kung banggit dito ngunit parang hindi siya natinag.
"O-oo! At hindi ako t-takot sayo! Kung nagawa mong patumbahin ang mga nauna kong kasama pwes ako hindi!" Matapang na sabi nito.
Tsk. Acting like he's not afraid huh?
Akma ko na sana siyang papatumbahin sa pamamagitan ng pagbalibag sa kanya ngunit bago pa yun mangyari ay bigla nalang siyang nagsuka ng dugo at unti-unting tumumba. Then there I saw Daeyan and some of our reapers.
Wait si Kenshin!
"L-love are you okay?" Bigla naman akong napalingon sa likod ko and I saw him na naglalakad papalapit habang bitbit ang malaki kong penguin na may kaunti nang bakas ng dumi.
Thanks God he's fine. Nakita ko din naman si Elliot na bitbit ang walang malay na lalaking tumutok kay Kenshin. Naka poses ang mga kamay nito sa likod at maging ang paa nito ay ikinadena. Mahirap na baka magising pa eh. We need to interrogate him. And then bumaling ako muli kay Kenshin.
"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?!" Nag-aalalang tanong ko sa kanya saka siya nilapitan at doon hinawakan ang mga braso niya at chineck kung may mga galos ba ito.
"A-aww. Hehe may sugat ako dyan sa part na hinahawakan mo." Agad ko namang inalis ang pagkakahawak sa kanya. Aish, engot ko talaga! Nakita ko naman na may maliit siyang hiwa sa braso pero malalim ang pagkakahiwa niya at nagdudugo pa ito maging kamay ko ay may dugo din.
"Sinaksak ka ba niya sa braso?!" Gulat kong sabi sa kanya. Bahagya naman siyang napailing.
"Hehe h-hindi Love. Nadulas kasi ako doon sa pinagtataguan natin ayun di ko alam nahiwa na pala ako sa isa sa mga sanga dun. Eh matilos pa naman." Pagpapaliwanag niya sa akin at napailing naman ako. Aish.
"Tsk. Mag iingat ka kasi! Halika na gagamutin na kita-Ay teka!" Ibinaling ko ang paningin ko kay Daeyan na nagmamando pa sa mga reapers namin.
"Hey Daeyan. Salamat. Paano nga pala kayo nakapunta dito ng mabilis?" Tanong ko dito. Lumapit naman siya sa akin.
"We use our helicopter. Doon kami nag land sa may parking lot and we searched for the both of you. We can't track your phone kaya yung kay Kenshin nalang and natrack namin yun sa parking lot and may nakabantay din pala sa kotse ni Shin. Anong klaseng security ba ang meron sa amusement park na 'yon?! Teka okay ka lang ba?" I just nod. Ganon pala. Hay thankfully he came.
"Tara na? Papadala ko nalang yung kotse ni Shin sa isa nating reaper then sumakay na tayo sa helicopter." Sabi muli ni Daeyan kaya tumango at nag umpisa na kaming maglakad ni Shin at sumunod kay Daeyan.
Kiyukki's POV
"MANG AAGAW KA! YOU'RE SUCH A FLIRT! MY FIANCEE NA ANG TAO INAAGAW MO PA!" Sigaw ni Ariella sa akin. Bago pa man ako makapasok sa loob ng classroom ay hinarang muli ako ni Ariella katulad kahapon. Nagtataka nga ako eh. Security Guard ba siya ng classroom namin? Palagi kasi siyang nakatambay sa pintuan ng room namin para bantayan ako. Psh.
"Wala akong inaagaw sayo. Pwede ba Ariella? Let me enter." I said coldly. 10 minutes nalang mag start na ang first class but there she is. Nagawa pa ng eksena. Like usual naririyan ang mga usisera at uhaw sa chismis. Tsk.
"SINUNGALING! INAGAW MO SA AKIN ANG BABE KO! HINDI AKO PAPAYAG! PAPATAYIN KITANG BABAE KA!" Napapapoker face nalang ako sa pinagsasabi ng babae na 'to. Lumapit ako sa kanya at kaunti nalang ang natitirang agwat sa pagitan namin at dahan dahan kong inilapat ang aking mukha sa kanyang tenga.
"I'm not stealing him from you Ariella, because from the very start? He's mine and he will never be yours. You want me dead Ariella? Well sad to say I'm not afraid dahil ako mismo ang kamatayan. Kaya kung ako sayo tumabi ka na." She became stiff. Hindi ko na siya pinansin at bahagyang itinulak paalis sa pinto. Ang harang kasi eh. Tsk. Magkapatid nga sila. Parehas silang attention seeker.
"Woah! Burn baby burn! Anong ginawa mo dun Yukki?! You're so cool!" Salubong sa akin ni Lian at Miki.
I never thought they will became one of my friends. Matagal na pala nila akong gustong maging kaibigan ngunit napaka distant ko sa kanila noon. Naging close kami ni Lian magmula ng iligtas ko siya sa kamay ng Snake Head Mafia. The remaining members of Snake Head continued their business. At muntikan ng maging biktima ng prostitution si Lian kaya ng sumugod ako sa Snake Head upang iligtas ang mga nakidnap nilang babae ay nakilala ako ni Lian. Nalaman niyang ako ay isang Mafia Princess.
"Oh Yukki! Anong nangyari? Bakit tulala sa pinto yung si Ariella?" Nandito na pala si Tracy. Kasunod nito sa likod niya si Kysler. Inakbayan ni Kysler si Tracy at ginulo ang buhok nito. Ano naman kayang meron sa dalawang 'to? Nagkadevelopan na siguro.
"Ano ka ba naman panget! Agang aga eh chismis agad ang inaasikaso mo!" Pang aasar sa kanya ni Kysler kaya agad namang sumama ang mukha ni Tracy. I miss this kind of scenery. Noong mga nakaraang araw kasi ay napakabusy namin sa mafia.
"Hindi ako chismosa panget! Agang aga din ang lakas mong mang asar! Eh khng bustedin kaya kit-" Unti-unting nanlaki ang kanyang mata na akala mo ay may nasabi siyang hindi dapat namin malaman. Tsk.
"Uyyyy! Nagliligawan na pala kayo ah!" Pangtutukso naman sa kanila ni Miki. At ayun kinantyawan naman sila ng iba naming mga kaklase. Napangiti nalang ako at napailing.
"Maiba tayo. 'Di ba papasok ngayon si Kenshin?" Tanong sa akin ni Kysler. Bakit naman sa akin nito tinatanong?
"I don't know. Don't ask me." Malamig na sagot ko sa kanya. 'Di na siya nakapagsalita pa dahil dumating na ang instructor namin.
Tsk. That Kenshin! Ang tigas tigas ng ulo! Yes magkaaway kami ngayon. Ang kulit kasi pinagpipilitan niyang sumama sa akin sa pagpasok pero bawal nga kasi baka mangyari na naman yung nangyari kahapon at may sugat pa kaya siya! Aish. Kainis.
Someone's POV
"HINDI AKO PAPAYAG HENSON! IBALIK NIYO SA AKIN SI KENSHIN! ARGH!"
"SHUT UP ARIELLA! YOU'RE NOT HELPING!"
"Henson and Ariella. Shut your mouth or else papatahimikin ko kayong dalawa habang buhay." Banta ko sa dalawang maingay na ito. Tsk.
Kiyukki. Kiyukki. Kiyukki.
Isa ka talagang malaking sagabal. At ang mga sagabal sa plano ko?
Pinapatay
Author's Note: Hi guys! Sorry for the lame update. Every week nalang po ako mag u- update. Mag papasukan na din eh. Please vote and comment guys.
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess (EDITING)
ActionShe's the outcast girl, that they usually call weird. She's not sociable, she hates attention and she hates everyone. But there's this one guy who entered her life, and changed it. But unexpectedly, 'that' guy was her key to succeed with her plans...