Chapter 33-Ariella

3.2K 75 10
                                    

Kenshin's POV

I am so damn confused right now. Sana manlang sinagot niya yung tanong ko kahapon, if it was a yes or a no, I will accept it even though she used me. I will forget the fact that she used me. And I was curious about her reasons. Anong klaseng impormasyon ba ang kailangan niya sa akin? Bakit kailangang umabot sa ganito?

Naupo ako sa side ng pool sa bahay namin at nilubog ang magkabila kong paa sa pool. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa aking kinatatayuan.

"Hey Babe! I'm looking for you kanina pa. You were here lang pala." Tsk. She's here again, para lang siyang si Angelica eh. Lagi siyang nakadikit sa akin, and now I hate my dad dahil naging fiancee ko ang babaeng 'to, but I do have no choice but to stick with her. Yun kasi ang sabi ni Mommy eh, and I don't know why. Sa pagkakaalam ko kasi ay tutol din si Mommy sa arrange marriage na ginawa ni Dad, pero ngayon gusto niyang lagi akong sumama kay Ariella.

"Please leave me alone Ariella. Just for today, Ariella. I need to think, sana pagbigyan mo 'ko." Pakiusap ko dito, but she was hard to please.

" At sino naman ang iniisip mo? Yun na naman bang Kiyukki na 'yon? Diba nga ayaw naman niya talaga sayo, at wala siyang balak makipag kaibigan sa'yo pero napilitan lang siya dahil may kailangan siya sayo." Mapang-asar na sabi nito sa akin. Argh! She was so annoying kung hindi lang ako pinakiusapan ni Mommy maya't maya ko siyang ipagtatabuyan.

"Just shut up." Malamig kong banggit dito, wala akong ganang makipag usap sa kanya. Lagi namang ganun eh. Napipilitan lang akong kausapin siya ng normal at tawagin siyang Babe kapag nandiyan si Yukki. I want to see her reaction. Although hindi pa man ako umaamin sa kanya na mahal ko siya, pero sa tingin ko naman naipapakita ko iyon sa kanya through action. Sabi nga kasi nila action speaks louder than words, and I hope napapansin niya 'yon. But I guess she doesn't. Diba nga kasi ginamit niya lang ako, at nakikita ko namang masaya siya kapag kasama niya si Lance. May gusto ba siya doon?

"Bahala ka nga diyan! Ginamit ka na nga't lahat siya pa din ang iniisip mo! Urgh!" singhal sa akin ni Ariella saka nag walk out at pumasok na sa bahay namin. Well she's always here, at iyon ang isa pa sa mga bagay na kinakainis ko.

Well, kung nagtataka kayo kung bakit alam ni Ariella ang tungkol sa panggagamit sa akin ni Yukki. Pwes siya lang naman ang nagsabi niyon sa akin. At first ayaw kong maniwala, pero ang mga sinasabi niya ay parang totoo.

(Flashback)

"A-Ariella. Nakauwi ka na pala."  Nauutal na banggit ko dito ng bigla nalang siyang dumating habang nagyayakapan kami ni Mommy.

"Yes Babe! I miss you na eh! By the way, Hi future mommy."  Ngising bati nito sa amin ni Mommy. Tsk, bakit pa ba siya umuwi. Masaya na ako eh. Argh! Nakakainis, wala akong magawa para matigil ang fixed marriage na yan.

"Hello Ariella. Welcome back. Sige doon muna kayo sa labas magkamustahan, kailangan ko nang magpahinga eh."  sabi ni Mommy sa amin, I kissed Mom's cheeks.

"Sige future Mommy. Tara na Babe." sabi nito sabay yakap sa aking mga braso. Nang makalabas kami ng kwarto ni Mommy ay agad kong inalis ang mga kamay nitong nakapulupot sa akin at binigyan siya ng masamang tingin.

"Pwede ba Ariella, wag kang kumapit kapit sa akin. And you have to knock first, hindi bigla-bigla ka nalang papasok! You're so annoying!"  Singhal ko dito pero ngumisi lamang ito sa akin. Ugh! This girl!

"Kararating ko lang Babe, ganyan ang isasalubong mo sa akin, well I heard that you and that Kiyukki are getting closer. Well, I just wanna remind you that you already have a very beautiful and sexy fiancee and that's me." Tsk, Soon you will be no longer my fiancee, well I don't her as one.

"You don't care. Alam nating lahat na hindi ako pabor sa fixed marriage na 'yan." tugon ko dito, at bakas sa boses ko ang pagkainis. Ngunit binigyan niya lang ako ng isang mapang asar na ngiti.

"So nagpaniwala ka naman sa pinapakita sayo ng Kiyukki na yun? If you only knew, she's just using you." Agad naman akong napalingon dito. Anong pinagsasabi niya?!

"What the heck are you talking about. Don't fool me around Ariella!" sigaw ko dito, Ugh! How dare her para siraan si Yukki!

"Well, to be honest with you Babe. I pity you. Why? Kasi nagpagamit ka sa kanya. Oo ginamit ka lang niya. You wan't some proof?" What's her problem! Me and Yukki was getting closer! Tapos makikigulo siya?! I will confess to Yukki na sana eh kaso dumatiing pa siya!

"Then show me! Go, show me! At kapag wala kang naipakita, you will cancel this arrangement!" Hamon ko dito, kasi alam ko namang hindi totoo ang sinasabi niya.

"Then it's a deal. And kapag may naipakita akong proof, then you will treat me as your fiancee."  Sang-ayon nito sa akin. I will win, I know that because Yukki can't do it. Hindi niya ako magagawang gamitin.



Maya maya pa ay nilabas niya ang phone niya form her red pouch. Maya maya pa ay may pinlay siyang isang voice record.



( I will make her fall inlove with me. At i close mo nalang yang si Kenshin na yan.)  Wait, Is that Daeyan? Hindi ako nagkakamali. Boses nga ni Daeyan 'yan. Then sino ang tinutukoy niya?

(What was the purpose of Kenshin?)  T-that's Yukki. I was really shock, nang oras na marinig ko ang boses niya. Ano nga ba ang purpose ko? Ano bang sinasabi nila. I can't understand it.

(Aish. Patay na patay kasi yang si Angelica dun at nabalitaan ko na na ang papa niya ang kanang *toooooot*)  si Daeyan ulit, so si Angelica ang tinutukoy niya. Kaya ba ganun nalang niay patulan si Angelica. And anong sinasabi nilang si Dad ang kanang what? Hindi kasi naituloy kasi biglang nag censored ang kadugtong. Ugh! What was that? Anong meron kay Dad?!

(Then ang plano ay gamitin ang anak nila panlaban sa kanila?) I heard Yukki's voice again. I don't know what should I feel right now/ My heart was tearing into pieces. Yukki why? Bakit kailangang ganito?

(Woah you got it right my princess!)  That was Daeyan again. My princess?! Mag pinsan ba talaga sila o ano? Sino ba talaga sila?! Yukki. B-bakit? B-bakit mo ko ginamit? So all this time ang pinakita niya sa akin ay hindi totoo? URGH!

"So I won the deal! Ano naniniwala kana ba Babe?"  rinig kong sabi ni Ariella nang may mapang asar na boses. Urgh! I can't take it anymore! Walang ano-ano ay bigla kong iniwan si Ariella sa tapat ng kwarto ni Mom.

(End of Flashback)

That's the reason kung bakit nalang ako naging ganon kina Yukki. I became distant to anyone. Maski kina Kysler at Lance. It really hurt me big time!

And one more thing, sino nga ba si Ariella? Bigla nalang siya pinakilala sa akin ni Dad na fiancee ko daw siya. I don't even know her family. Ni isang beses hindi ko pa sila namemeet. Ni isang beses hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila and I don't even know where she lives. Basta pagkagising ko nalang ng umaga sinabi ni Dad na fiancee ko na daw siya and I have nothing to do with it dahil pinagbantaan ni Daddy ang buhay ng babaeng gusto ko and that's Kiyukki.


The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon