Tracy's POV
"Good luck old woman." Sabi sa akin ni Elliot asungot habang naglalakad na papunta building.
Napangiti naman ako. Para lang siyang si Panget, pero etong si Elliot masungit.
"Goodluck din sa 'yo Elliot Asungot!" Sigaw ko dito. Tinaas naman nito ang kanang kamay nito at winagayway habang patuloy pa din sa paglalakad.
Si Elli, nauna na siya. And now mag iisip ako ng paraan kung paano ko mahahanap ang Princess. Ang building na ito ay hanggang fifth floor at alam kong bawat floor na ito ay puno ng bantay, kaya mahihirapan kaming hanapin ang Princess.
Ngayon ang kailangan ko munang isipin ay kung nasaang floor ba ang Princess.
Siguro nasa fifth floor ito. Yun kasi ang sinasabi ng instinct ko. Ang problema ngayon ay paano ako makakarating ng fifth floor? Mauunahan nila ako kung kailangan ko pang talunin lahat ng bantay. Mauunahan ako ni Elliot. I'm sure pasugod na yun ngayon.
Hmmm, paano nga kaya?
Yaaaa! Alam ko na! Tracy! You're so great! Sana mag work ang plan ko.
Dahan dahan akong nagtungo sa loob ng building, at naghanap ako ng bantay na pinaka malapit sa tayo ko. Ang bantay dito ay puro naka mask, kaya naman magwowork ang plan ko.
Dali dali akong nagtungo sa sulok kung saan malapit ang isang kwarto. Dahan dahan ko itong pinasok. Hmm Bodega pala 'to. Hmm pwede na dito!
Lumabas ako ng bodega, atsaka nagtago sa likod ng isang kabinet na nakita ko.
"Pssst!" Sit sit ko sa isang bantay na malapit. Nakita ko naman na nagpalinga linga ito. Nakatalikod siya sa akin at di pa napapadako ang tingin niya sa banda ko. Buti nalang walang ibang bantay sa pinagtataguan ko.
Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. At dahan dahan lumapit sa likod ng bantay. Buti nalang di nya ako napapansin.
"May multo kaya dito? May nasitsit eh?" Rinig kong banggit nito kaya naman natatawa ako pero syempre pinigil ko. Baka mahuli ako e.
"Dito sa likod mo!" Mahinang bulong ko dito. At bago pa siya lumingon ay sinalubong ko ito ng isang malakas na suntok kaya naman nawalan ito ng malay.
"Good. Sana lang di ka mabigat." Mahinang tugon ko, saka ko kinaladkad ang bantay na walang malay papuntang storage room. Doon ay sinimulan kong hubadin ang suot nitong suit at mask. At shet lang ang gwapo! Yas ang gwapo, kaso may black eye e. Sayang dapat pala di ko sinapak. Sayang ang mukha e.
Nang mahubad ko na ang suot nitong suit ay saka ko siya itinabi sa gilid.
Hoy di ko siya ire rape ha! Good girl ako! Pero ang gwapo talaga eh! Hahaha kidding. Nasa test nga pala ako. Kaya saka ka na kuyang poging bantay.
Hinubad ko ang suot ko. Tulog naman siya e. Kaya di niya ako masisilipan. Sinuot ko yung suit ni Kuyang Poging bantay. Maging ang mask nito sinuot ko din. Yun jacket ko naman ay itinalukbong ko kay kuyang pogi. Baka kasi lamigin e.
Nang ayos na ang lahat ay saka ako lumabas dala ang baril ni kuyang poging bantay, yung baril ko naman tinago ko sa suit ko. Uy wag kayo, ang bango ng suit ni Kuyang poging bantay.
Naglakad na ako sa buong first floor. Buti nalang di nakakahalata ang ibang bantay, kailangan ko nalang pumunta sa second floor.
Pag may nakakasalubong ako, at kinakausap nila ako iniiba ko ang boses ko, sana lang di nila halata yun.
Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin ang daan paakyat, or kung may elevator man. Hmm nasan kaya? Ba't ba ang hirap hanapin ng daan pataas?
Siguro para mahirapan lalo kami.
Hmm. Mauubos ang oras ko sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess (EDITING)
ActionShe's the outcast girl, that they usually call weird. She's not sociable, she hates attention and she hates everyone. But there's this one guy who entered her life, and changed it. But unexpectedly, 'that' guy was her key to succeed with her plans...