Chapter 56-Reborn

2.1K 44 3
                                    

Third Person's Point of View

"Check her vitals!" Sigaw ng isang scientist sa kanyang kasamahan habang unti-unti nawawalan ng buhay ang kanyang pinag eeksperimentuhan na tila naging isa itong human guinea pig ng isang baliw na scientist. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito at iba't-ibang klase ng likido ang itinuturok nila dito na nagiging dahilan ng lalong paghina ng kanyang katawan.

"Hindi na tumitibok ang puso niya. Sorry Mr. Ann but our experiment is failed." Bakas sa mga mukha nila ang pagkadismaya dahil sa maling kinalabasan ng kanilang experiment.

"No! It can't be! Malalagot tayo kay King! We can't let her die! Revive her!" Natatarantang sigaw ng scientist na nag ngangalang Mr. Ann ngunit kahit ginawa na nila ang lahat ay hindi ito umepekto at nanatiling hindi tumitibok ang puso nito.

"What's happening?!" Galit na sigaw ng tinatawag nilang King at padabog na kinalampag ang pinto at nabakas naman ang takot sa loob ng laboratory.

"K-King... I am v-very s-sorry, w-we did our best but..." Nauutal na sabi nito ngunit hindi na siya pinatapos ni King at mabilis hinugot ang baril at itinutok kay Mr. Ann.

"You failed? Huh?! You failed?!" Halos magwala na ang lalaking tinatawag nilang King. Kahit na nakasuot ito ng puting maskara ay mababakas pa rin dito ang galit.

"I'm sorry King! Don't kill me King! Plea-" Pagsusumamo ni Mr. Ann kay King bago pa man nito matapos ang kanyang sasabihin ay duguan siyang bumagsak sa sahig ng laboratory.

"I don't need a failure in my organization." Sambit ng King saka isinuksok sa bulsa ng kanyang coat ang kanyang baril na umuusok pa ang bunganga dahil sa mabilis na paglabas ng bala nag deretso sa bungo ni Mr. Ann.

"K-King, s-she's responding!" Agad namang napalingon si King sa gawi ng babaeng nakahiga na halos puno ng tubo ang katawan.

"Then it was not a failure tho, instead its a success." And an evil grin was formed behind the mask of the so called King.

The girl lying inside the tube opened her eyes. It was dull and dark and her eyes shows one thing. Death.

Daeyan's POV

"Just f*ckin tell me! Where is Yukki?!" Galit na tanong sa amin ni Kenshin. He's awake now and from this moment, the real plan has begun. Kanina pa sya nagmumura at tinatanong sa amin kung nasaan si Princess but no one answered.

"You need to calm first bago namin sabihin sayo ang totoo." I said. Maging sina Dad, Tita Sheena, Tracy and Elliot ay kapwa nag aalala kay Princess dahil hindi rin nila alam kung nasaan siya.

He sighed as a sign of defeat. Unti-unting kumalma ang mukha niya saka ako hinarap.

"Fine. I am calm now, so please. Tell me where she is." Nag mamakaawa nitong sabi. I sighed. Hinarap ko silang lahat.

"She was caught. Noong sinundan namin siya ni Elli, huli na ang lahat. Nahuli siya ni Claud o ang tinatawag nilang Flex. Because of the chaos she have caused madali naming nahanap at naitakas si Kenshin." Tugon ko sa kanila at bagsak ang balikat silang napatingin sa akin.

"But she is strong enough! Bakit hindi nyo sya iniligtas?!" Naiiyak na sigaw sa akin ni Tracy. I can't blame her, but I do have reasons kung bakit hindi ko sya niligtas. But if I don't have, I will risk my life just to save her.

"Because it will bring more trouble! Kapag nahuli nila kami ay paniguradong hindi namin maililigtas si Kenshin. I have trust on Princess. She will survive. I know, basta magtiwala lang tayo sa kanya." Pagkabanggit ko ng mga salitang yun ay umalis na ako sa office ni Dad para makaiwas sa mga tanong nila. They have so many questions in their mind that I can't even answer because even myself, is also seeking for an answer.

Third Person's Point of View

"King! S-she's awake!" Hingal na sabi ng isang lalaking nakasuot ng lab coat sa isang lalaking nakamaskara na tinatawag nilang King.

'Hmm, the war has begun.' 

Sa kabila ng suot na maskara ay mararamdaman sa aura ng King ang malademonyo niyang ngiti. Mabilis nitong tinungo ang lugar kung saan naroroon ang babaeng magdadala sa kanya ng tagumpay.

Rivalry. Yan ang puno't dulo ng lahat ng labanan. Walang katapusang inggitan at paghangad sa kapangyarihan na nagdulot ng isang digmaan. Digmaan sa pagitan ng dalawang grupo. Digmaan ng magkakadugo at labanan ng isip at puso. Who will win?

"Who am I?" Sambit ng babaeng nakasuot ng isang hospital gown. Wala na sa katawan nito ang mga tubong matagal na nakakabit sa kanya. Ang kanyang mga mata ay sinlamig ng nyebe at mararamdaman sa kanya ang kakaibang aura na magdudulot ng kilabot sa kung sino mang malapit sa kanya at tila sumisigaw ng isang salita...

'Kapahamakan'

"I am your Master and you are Mitsuko Arima, my strongest assassin."

A/N:

First of all, Sorry sa sobraaaaaang tagal na update. Sabay sabay ang gawain sa school. Sorry for the lame ud, but please vote and comment guys!

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon