Chapter 42-Date or Disaster?

3.2K 75 5
                                    

Kiyukki's Point of View

"Where are we going Ken?" I ask him for the 9th time. Kanina pa ako tumanong ng tumanong dito pero parang may kausap lang akong hangin. He's just smiling like an idiot. Yes! An idiot! He looks like one. Whenever I ask him that question, he will start smiling and he never answered me.

"Urgh! May kausap ba ako?! Isa pang ngiti sasakalin talaga kita! Kahit mabangga na tayo dito!" Inis kong tugon dito. Pero ayun ngitian lang ulit ako. Akma ko siyang sasakalin ng bigla na siyang umimik. Good!

"Aish! Tumahimik ka na nga lang love! Behave okay! Baka mapagod ka at hindi na tayo makapag date!" Singhal nito sa akin. Ayan na naman siya sa corny niyang endearment! Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na Kiyukki ang itawag sa akin o kaya Yukki.

"Yukki nga kasi!" Sigaw ko dito. Ngumisi naman siya. Aish!

"Okay Yukki love." Sagot nito habang nakangiting aso. Mukha siyang aso!

"Ewan ko sa-" naputol ang sasabihin ko ng itigil niya ang kotse.

"We're here. Tara na love." Bumaba siya ng kotse atsaka umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Good! Be gentlemen.

Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong nasa isa kaming amusement park. I don't know kung saan ito but I think nasa NCR pa din kami.

"T-teka!" Bigla niya kasi akong hinigit at saka tumakbo papasok sa loob, kaya wala na akong nagawa kundi makitakbo kasama niya ng magkahawak ang kamay.

Ngayon palang ako nakarating sa ganitong lugar. Punong-puno ng tao. Mga may magkakapamilya, may mga turista pa nga e, may magkasintahan, may mga estudyanteng sa palagay ko ay nag fifieldtrip. Nang ilibot ko ang paningin ko sa lugar ay namangha ako dahil sobrang daming rides and napakaliwanag at lawak ng lugar. From here maririnig mo ang tawa, ang iritan ng mga taong nakasakay sa mga rides.

"Ano love? Tara?" Napalingon ako kay Kenshin, hawak niya ang kamay ko at nakangiti sa akin. Hindi ko mapigiling hindi mapangiti dahil bakas sa mukha niya ang excitement at saya. He looks like an angel.

"S-sige." Aish! Why are you stuttering Yukki!  Sa totoo lang kinakabahan ako. I never experience na sumakay sa mga ganyan dahil nga ang buhay namin ay hindi normal katulad ng sa iba. Ang childhood life ko ay puro pag eensayo, lumaki nga ako na puro nagbabarilan ang nasa paligid ko eh. Atsaka nang mamamatay si Daddy, kinalimutan ko na ang pagkakaroon ng normal na buhay dahil ang itinatak ko lang sa isip ko ay paghihiganti. Wala akong ginawa kundi magsanay at magpakalakas.

"Hey, stop thinking anything. Let's just enjoy our date love. Tara doon tayo!" Sabi niya sabay turo sa isang rides na mayroong mahabang pila. Aish.

(A/N: Hindi ko na po babanggitin kung anong klaseng mga rides yun. Haha mangmang po si Author eh dinaig pa ni Yukki at nakarating na sa amusement park. At wala din namang balak magpunta sa ganyan. May fear of heights kasi 'yan e!)

---

Madami na kaming nasakyang rides and I can say that I enjoyed it. Lalo na at mas mukhang takot pa sa akin si Kenshin. At heto siya nakapout kasi kanina ko pa tinatawanan dahil dinaig pa niya akong babae sa kakatili.

"Love naman eh!" Reklamo niya sa akin na parang bata. Napabungisngis naman ako at saka ginulo ang buhok nito kaya lalong napanguso. Cute!

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon