Chapter 35-Files

3K 80 2
                                    

Kiyukki's Point of View

"Ano? May nahanap ka na ba?" Tanong ko kay Daeyan habang nagkakalkal siya ng files sa isang vault ni Daddy.

Nasa dating office kasi kami ni Daddy para humanap ng clues kung paano mabubuksan ang box na binigay sa akin ni Master Towo.

"Wala pa din eh. Try mo din kayang maghanap?" Sarkastikong sagot sa akin ni Daeyan. Siya lang kasi ang pinaghahanap ko. Kaya ayun reklamo ng reklamo kasi pawis na pawis na daw siya. Tsk. Parang bakla eh.

Dahil nakakaawa este nakakainis ang pag rereklamo ni Daeyan eh nag simula na din akong maghanap.

Lumapit ako sa table ni Dad. Bubuksan ko sana ang drawer ngunit nakalock ito. Aish!

"Daeyan! May nakikita ka bang susi? If ever na may makita ka. Give it to me. Okay?" Sigaw ko dito. Medyo malawak kasi yung office ni Dad halos kasing laki na ng isang classroom at kalahati at nasa kabilang side naman si Daeyan.

"Sig- Oh eto pala eh! Oh princess salo!" Sigaw nito pabalik sa akin sabay hagis ng isang susi na siya namang sinalo ko agad.

Sana ito na ang susi. Ipinasok ko sa keyhole ang susi at mabuti nalang at nagbukas ito. Maya maya pa ay bumungad sa akin ang napakaraming files and folders.

Ipinatong ko itong lahat sa desk ni Dad. Sa malakas na pagkabagsak ko ng files ni Dad ay nagtalsikan ang mga alikabok na nandirito. Hindi na kasi nagagalaw ang office ni Dad since mamatay siya. Pinapalinis nalang namin siya daily, syempre maliban nalang sa mga vaults and drawers ni Dad ay 'di nalilinis kasi nakalock 'yun. Mabuti nalang at nabuksan ni Daeyan ang vault ni Dad.

Hmm. Ano naman kayang mga files 'to? Importante siguro 'to kasi yung nilalagay ni Dad sa drawer niya na ito ay puro importanteng bagay kaya maski susi nito napakahirap hanapin. Hindi rin naman ito madaling buksan dahil matibay ang pagkakalock nito.

I check the files, at tumambad sa akin ang isang bio data ng isang babae. Her picture was familiar. Then I read the name.

Name: Shaireena Katsumi
Code Name: Sheena
Age: 23 years old
Position: Inventor and Scientist
Department: Chemical Department

Ilan lang 'yan sa infos na nabasa ko. And then the next papers in the file are blue prints. Blue print ng isang weapon, then may nakalagay sa taas nang blue print na, 'The Dragon's Crest' . I don't know what it is. Isang dagger? Sword? Or what? It looks weird. And ano yung Dragon's Crest na 'yun?

"Hey Daeyan! Come here! Look at this!" Sigaw ko dito. Agad naman siyang lumapit sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang blue prints na nakita ko.

"What's this? Dragon Crest? Huh? What's that?" I just shrugged my shoulders. I continued browsing the other papers, yung iba halos isang documentation lang kung paano ba magagawa yung nasa blue print and then sa last paper tumambad sa akin ang isang formula? Formula of what? Then sa taas uli nito ay may naka entitled na 'The Dragon's Blood'

Dugo ng Dragon? Huh?  Dragon doesn't exist at all. Paano naman magkakaroon ng dragon dito.

"Isa siguro itong invention. Let's ask dad later about this. Wait sino ba ang gumawa ng mga blue prints na ito?" Tanong sa akin ni Daeyan. Inabot ko naman sa kanya ang bio data ng isang babaeng nag ngangalang Shaireena.

"Nakita ko lang 'yan sa file na kasama ng bio data na 'yan. Some one they call as Sheena- Wait Shee-" Di ko na naituloy ang kung ano mang sasabihin ko dahil si Daeyan na ang tumapos.

"OH, LOOK! IT'S KENSHIN'S MOTHER!" Sabi niya, kaya dali dali kong hinablot ang papel sa kanya at nakita ko ang larawan nito. Kamukha nga niya si Kenshin. I saw once kaya sa tingin ko siya nga 'yon. So she invented that Dragon dragon thingy? Aish.

"Keep that file, Daeyan. I'll look at the other files. Help me. I think it was important files." Sabi ko dito kaya naman inihiwalay niya ang file ni Sheena at kumuha ng ibang file habang ako ay nagkakalkal ng kung ano man ang meron pa sa drawer ni Dad. Then tumambad sa akin ang isang picture frame.

Kinuha ko ang picture frame na ito atsaka ko pinunasan ang alikabok na nagtatakip sa larawan. Nang malinis ko ito ay tumambad sa akin ang larawan ni Dad kasama ako bago siya mamatay. Natatandaan ko pa noon ng kagagaling lang namin sa isang event at pag uwi namin may sumalubong sa aming napakaraming lalaki na may armas at doon nila pinatay si Daddy sa mismong harap ko. Hindi nila ako pinatay, ngunit parang pinatay na din nila ako dahil sa ginawa nila sa Daddy ko! Ugh!

W-wait, Right! Yun nga! Yun na nga ang hinahanap ko. Agad kong kinuha ang box na binigay ni Master Towo. I remember it already! I remember the code!

I think it was the code that Dad told me before he died. I entered the first number which is '5'.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang *click* mula sa box kaya naman agad na lumapit sa akin si Daeyan.

"Hey! You already found the code? The key?" I just nod while smiling. I entered the next number which is '3'. I heard a *click* again. Then I entered two '4' and the last number. The number '6'.

Maya maya pa ay nag produce ng malakas na tunog ang box. I loud *click* and after that binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang necklace.

Huh? Necklace? Ito lang pala ang laman nito. But para saan ang necklace na 'to? Isang necklace na gawa sa gold. At ang pendant nito ay isang golden key na halos kasing laki na ng tunay na susi. What's this? Anong meron sa kwintas na ito?

"Necklace lang pala eh! Hays napagod ako kakahanap ng susi para lang mabuksan ang box na 'yan tapos necklace lang pala?" Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin bago ko ibalik ang kwintas sa kahon.

"Huwag kang magreklamo dyan kung ayaw mong ma flying kick kita!" Singhal ko dito at bigla namang umamo ang mukha niya na parang isang aso. Inangilan ko lang ito kaya nag pout ito.

"Tsk! Tara na nga! Bring those files! Pupunta tayo kay Master Towo." Utos ko dito at nag patiuna ng maglakad.

I want to know the purpose of this necklace and those files.

Author's Note:

Hi guys! Kamusta po ang update na 'to? Please vote and comment. I want to read your comments po. It gives me so much eager to update po. Thanks. And pafollow na din po sa twitter hehe. Jheykelle is my username. Followback ko kayo. By the way, Daeyan at the top.

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon