Chapter 62-Final Wave Part 1

2K 53 16
                                    

Kenshin's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo at kaunting pananakit ng aking batok.

'What happened?'

I was about to speak nang mapansin kong may nakatakip sa aking bibig. Inilibot ko ang aking paningin sa silid na aking kinaroroonan at nakita kong nakahandusay din sa sahig sina Lance, Tracy, at Elli habang nakatali ang kanilang mga kamay at binti, at katulad ko may busal din ang kanilang mga bibig. Wala silang malay. I tried reaching them pero hindi ko maikilos ang aking mga kamay na nakatali sa aking likuran.

'Dahil ba kay Daeyan kung bakit kami naririto? Is he really a traitor?!'

Nasagot ang mga katanungan ko nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto at sa pagbukas nito ay awtomatikong nanlaki ang aking mga mata.

Hila-hila ng isang babaeng naka itim na maskara si Daeyan na walang malay. Unti-unti akong nakaramdam ng malakas na pagkalabog sa aking dibdib. Hindi dahil sa kaba o takot kaya ako nagkakaganito, kundi dahil sa babaeng may buhat kay Daeyan. I know her scent, I know her figure and foremost my heart knows her a lot.

My heart identified her as my love, pero bakit? Bakit niya ito ginagawa?

"Oh you're already awake, just stay still and the King is yet to come." Nakumpirma ang hinala ko nang marinig ko ang boses niya. It's already confirmed that's she's really her. She's my love.

Pinipilit kong umimik pero isang impit na ungol lamang ang tangi kong naririnig. Maya-maya pa ay dumating ang isang armadong lalaki, nang makita niya si Kiyukki ay nag bow ito.

"Lady Mitsuko, the king has arrived. Kasama niya po si Flex at Lady Ariella." Why are they calling her Mitsuko?! Agad nanlisik ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Ariella at maging ni Flex o mas kilala bilang Claud. Siya ang nagpasimula ng lahat, siya ang dahilan kung bakit nawala sa amin si Kiyukki. Narinig namin ang mga yapak na paniguradong sa paparating na hari.

"Woah! You did a great job Mitsuko, well I would like you to meet the key to my success Mitsuko." 

Third Person's POV

Sa likod ni King ay lumabas ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng maskara na katulad ng suot ni Kiyukki. Lumapit ang lalaki kay Kiyukki na siya namang ikinagigil ni Kenshin. 

Inalahad nito ang kanyang kamay sa dalaga, "Nice meeting you again, Yukki." kasabay ng pagtagtag nito ng suot niyang maskara ay ang pagkagulat ni Kiyukki, ngunit hindi ito pansin dahil sa suot niyang itim na maskara.

"Surprise?" Nakangising sabi ng lalaki dito. Inalis ni Kiyukki ang kanyang itim na maskara at mataman na tiningnan ang lalaki sa kanyang mga mata. 

"Nice to meet you too, Mister who you are." Nakangising sambit din ni Kiyukki rito. Saglit na natigilan ang binata sa sinabi ni Kiyukki kaya mabilis nitong nilingon ang King.

"What did you do?!" May diin na sabi nito kay King. Bahagya namang napatawa si King sa naging tanong nito.

"What did I do to her? Well, I just injected some drugs that can erase her memories and she will be my puppet. Yes, a puppet with no feelings and she's going to follow all my orders, Right Mitsuko?" Sabay baling nito kay Kiyukko na mas kilala niya sa tawag na Mitsuko, ang new born legendary assassin na kinilala ng Underground Society sa mabilis na panahon dahil sa walang palya nitong mga mission. 

Tumango si Kiyukki sa kinikilala nitong Master. Nakangisi namang nilingon ni King ang lalaki. 

"Why Suju? Do you still love her? You almost failed on your mission back then." Bahagyang nanlaki naman ang mga mata ni Kenshin at nakaramdam siya ng matinding galit nang maklala niya ang binatang kasa-kasama ng King. 

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon