Chapter 27-Knowing the truth

3.5K 79 11
                                    

Kiyukki's PoV


"Yukki, buti naman at natakasan mo yung mga goons na yun?" patungkol ni Shin sa mga goons na humabol sa amin. Well they're buried 7 feet on the ground already. Pero syempre di ko sinabi yun.


"Uhm may narecieve kasi akong phone call galing sa tita ko, then I remembered na pauwi nga pala siya, then yun nagmadali ako sa pagtakas baka kasi magalit yung tita ko. Sorry kasi di na ako nakapag-paalam." tugon ko dito. Sana kumagat siya sa palusot ko.


"Ah ganun ba. Buti at ligtas ka. I was really worried." Sabi niya, nandito na kami sa clinic at napainom na siya ng gamot ng nurse. And now kami nalang ang natitira dito.


"Halata nga. You've said that for many times. At kamusta naman yung 98 times na missed calls mo?" pang-aasar ko dito. Agad naman siyang napangiwi at napakamot sa ulo.


"Sorry na. Nag-aalala lang ako hehe."


Siguro ito na ang tamang oras para makakuha ako ng impormasyon sa kanya.


"By the way, bakit ka tulala kanina?" tanong ko dito. Mukha namang napaisip siya. Matagal tagal din bago siya nakasagot.


"Ah yun ba? Hahaha wala, part of the plan yun ng pagskip ng klase" napapoker face naman ako sa naging sagot niya.


"May problema ka ba Shin? Pwede mo namang sabihin sa akin. Maaari mo akong pagkatiwalaan. Malay mo matulungan kita." pangungumbinsi ko sa kanya.


"Ah wala talaga. Hehehe" pilit niyang tawa. Aish mukhang mahihirapan ako sa pagkumbinsi sa kanya.


"Ah sige ganun ba? Ngayon ko lang napansin na kaibigan na nga kita kaso tanging pangalan mo lang alam ko." malungkot kunong tugon ko sa kanya. I'm sorry Kenshin. I lied, I know you already, your father, mother, your business and your other family backgrounds.


Sorry for lying but I really have to do that.


Kenshin's POV


Ang lungkot ng pagkakasabi niya nun. I know that she's worried, but pano kapag nalaman niya yung tunay na pagkatao ng pamilya ko? Paano kung layuan niya ako? What if mapahamak siya at mapadamay sa gulo ng aming pamilya.


"Ako din naman walang alam sayo. Sino ka nga ba Kiyukki Kohane?" seryosong tanong ko dito at kita ko sa mukha niya ang pagkabigla. I mean sino nga ba si Kiyukki? Maliban sa pinsan niya si Daeyan wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.


"Anong ibig sabihin mong sino ako?" sagot nito.


"I mean parehas lang tayo di pa din natin kilala ang isa't isa." I heard her sigh.


"Ah tama ka nga. Alam ko na. Let's have a game. Each of us can ask 20 questions then you have to answer it honestly. Okay?"Aish, I know uungkatin niya kung bakit ako ganoon kanina. Papayag ba ako? But it's so hard to reject her game kasi may malalaman din ako sa kanya. Bahala na nga!

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon