Chapter 63-Battle Between Heart and Mind

2.2K 39 25
                                    

Unknown's POV

I didn't see that coming, tila ba nabulilyaso bigla lahat ng pinaghirapan ko. My plan was ruined to the point, na hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang planong nasimulan ko. Sabi nga nila the hardest battle happens inside our heart. Now, I don't know how to beat them, lalo na at ginamit nilang panlaban sa akin ang aking puso.

Ugh! I don't know what to do! My mind is telling me to continue my plans but my heart is telling me that I shouldn't hurt him, pero hindi maiiwasan na masaktan siya kapag pinagpatuloy ko ang plano ko. But my plan is on its 90% of winning pero mukhang hindi ito magiging 100% just because of him. How? What should I choose? My heart or my mind?

Daeyan's POV

I'm just waiting for her signal and then we will proceed to our final plan. The plan was near to its climax. Sana lang ay wala ng maging hadlang ang plano namin. We took so much risk para lang mag work ang planong ito. 

Dahan-dahan akong naglakad palabas sa lugar na pinagtataguan ko nang masigurado kong walang kalaban sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan sina Tracy. Nang magpasabog ng smoke bomb si Claud ay humiwalay ako ng daan sa kanila. Siguro nag-aalala na sila sa akin, pero si Elli na ang bahala sa kanilang magpalusot. I need to find Yukki for now.

Kanina pa nga ako nagpapaikot-ikot sa bawat floor pero hindi ko pa rin siya makita. I tried contacting her for the nth time, but it seems like we lost our connection.

Nasaan ka na ba Kiyukki? Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likuran kaya dali-dali kong itinaas ang hawak kong baril na nakuha ko lang sa namatay na kalaban. Naging alerto ako sa aking paligid at tinalasan ang aking pandinig at paningin.

Nag umpisa akong mag-ikot, paliko na ako sa pinakahuling silid sa palapag na ito. Walang katao-tao rito. Marahil ay narating na ng aming kakampi ang palapag na ito o kaya naman ay kaya walang tao rito dahil lahat ng kalaban ay nakikipaglaban sa baba. Kakaunti palang rin naman ang bakas ng dugo rito.

Patalikod akong naglalakad kung minsan dahil baka may biglang sumulpot na kalaban sa aking likuran. Nakarinig muli ako ng pagkalabog mula sa aking likuran. Palingon na dapat ako upang tingnan kung ano ito nang makaramdam ako ng malamig na bagay na nakatutok sa akin. Sh*t! Nalintikan na.

Hindi ako makalingon, baka kasi bigla nalang niya iputok.

"Teka, Daeyan?" Kilala niya ko? Parang kaboses siya ni ano ah-

"Elli?" Tanong ko, naramdaman kong nawala na ang nakatutok ba baril sa akin. Nilingon ko na siya agad.

"Anong ginagawa mo dito mag-isa Elli?!" Gulat na tanong ko rito nang makumpirma ko na siya nga iyon. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagpula ng kanyang pisngi. Okay. What was that?

"Nawala ka kasi bigla kaya nag-alala ako." I felt relieved and worried at the same time. Magiging delikado para sa kanya ang pagsama sa akin dahil kami lang dalawa at mas malaki ang tyansa na mapahamak siya, kapag kasama niya sina Claud o Tracy, mas panatag ang loob ko dahil alam kong proprotektahan siya ng mga ito.



"Nasaan sila? Alam ba nila na humiwalay ka?" Nag-aalala kong tanong dito. Napayuko ito, at sa tingin ko ay alam ko na ang kasagutan. 


"Kailangan nating hanapin si Yukki upang maipagpatuloy natin ang huling plano. Just stick with our plans Elli. Pagkatapos nito ay hahanapin natin ang iba pa nating mga kasamahan. Just do our last job and Yukki will do the rest. Hayaan mo muna silang ubusin ang kalaban bago natin sila ihulog sa ating patibong and the play will begin." Paliwanag ko sa kanya. Tumango ito bago namin inumpisahang muli ang paghahanap kay Kiyukki, pero iba ang aming nahanap. Isang bagay na maaaring makapigil sa aming plano. Walang iba kung hindi si Kenshin na tila wala sa sarili at nang makita niya kami ay nagdere-deretso lamang siya ng lakad habang patuloy na binibigkas ang mga katagang ikinagulat naming dalawa ni Elli. Ang mga katagang..."I will kill her. I will kill Kiyukki."

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon