Chapter 32-Confrontation

3.5K 83 9
                                    

Kiyukki's POV


"Yukki, hindi ko talaga inakala na ikaw ang-" agad ko itong sinamaan ng tingin bago pa man nito maituloy ang kanyang sasabihin. Nakalimutan niya atang nasa classroom kami eh.


"Eh hehe, Sorry Princess." She whispered, I just sighed at saka napalingon sa likod ko. Wala pa din siya. Tatlong araw na ang nakakalipas at hindi pa rin makaget over si Acy nang malaman niya na ako ang Mafia Princess. I'm glad that she make it until the end. Ngayon, nagtatrabaho na siya bilang protector ko kasama ni Elliot ang kakambal nitong si Elli, habang ang dalawa naman nilang kasamahan na taga Team A ay napunta sa pangangalaga ni Daeyan.


I checked my watch, hmm it's already 6:30 am. Dati naman kung pumasok ito 6:00-6:20 am.


"May inaantay ka ba Princ-"


"It's Yukki Acy, Yukki. Understood?" pagtatama ko dito, agad naman siyang napakamot dahil nalimutan na naman niya. Sa tingin ko sa halip na protektahan ako ni Acy ay siya pa mismo ang magdadala sa akin sa kapahamakan dahil sa kaingayan eh. Hays.



"Sorry Yukki! Pero sino ba ang inaantay mo? Si Lance ba o si Shin?" hindi ko siya sinagot at nanahimik nalang baka kasi kung ano na naman ang isipin nito at maging tampulan na naman kami ng tukso ng mga kaklase namin.



"Panget huwag mo ngang kulitin si Yukki! Agang aga eh!" Alam nyo na ang sunod na mangyayari. Magbabangayan na uli sila.


"Huwag kang epal Panget! Aish! Claud at Daeyan kwentuhan na nga lang tayo. Huwag niyong papansinin ang Panget na 'yan palibhasa wala pa ang katabi." Singhal sa kanya ni Acy, saka humarap sa katabi nitong si Daeyan at Claud.


Wala pa kasi ang mga katabi ni Kysler, wala pa sina Ariella at Ken..shin. Maging si Lance wala pa din.


Bakit ko ba siya hinahanap? Eh siya nga yung bigla nalang hindi namansin? Porque bumalik na yung fiancee niya hindi na niya ako naalala? Urgh! Eh bakit ko ba siya iniisip! Bwisit na Kenshin yun eh! Kaasar! Bakit ba ako nalulungkot dahil sa ikinikilos niya ngayon. Bakit ko ba nararamdaman 'to!


Siguro dahil nahihirapan lang ako magbantay sa kanya dahil hindi niya ako pinapansin. Buti nalang nadyan palagi si Ransu upang patawanin ako. But I'm not that happy.


"URGH!" napasigaw nalang ako ng 'di ko namamalayan kaya naman nagtinginan ang mga kaklase ko.



"Yukki? Nababaliw ka na ba? O nagseselos ka sa kanila?" What? Anong sinasabi ni Kysler. Sinong sila? Agad naman akong napalingon sa pinto ng aming classroom at nakita kong kapapasok lang nina Kenshin habang nakasabit na naman na parang tuko sa kanya si Ariella. Nakatingin din sila sa kinatatayuan ko. Ariella was raising her left eye brows while Kenshin is looking at me coldly. Ugh! I'm so stupid!



"No! I'm not jealous with that Kenshin at nang tukong 'yan!" Mahinang tugon ko kay Kysler atsaka ko ito sinamaan ng tingin ngunit ginantihan lamang niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon