Chapter 54-Captured

2.2K 49 11
                                    

Daeyan's POV


Everyone was worried for the both of them. Magmula ng mabasa ni Kiyukki ang sulat ay hindi pa rin siya bumabalik.


"I can't just sit here anymore without doing nothing!" Nag-aalalang sabi ni Tracy. I understand her, but we can't make a move without plans. Hindi kami pwedeng magpadalos dalos katulad ng ginawa ni Kiyukki.

"Wait for the signal of Master Towo. I know he's already thinking for a plan." I said, before she could burst out.


Maya maya pa ay pumasok na muli sa office si Master Towo kasama si Tita Sheena.


"Daeyan, track her down." Utos nito sa akin. I nod saka ko kinuha ang laptop ko and I started tracking her location. Mabuti nalang at nilagyan namin ng tracking device ang lahat ng sasakyan ng bawat myembro ng Dragon Crest Mafia without them even knowing. Para madali naming matrack ang kung sino mang magtatraydor.




Later on ay lumabas din ang blinking red dot sa screen ng laptop ko. It was her location. Every tracker have different color code at ang kulay na red ay para sa mga may matataas na pwesto sa Mafia katulad namin. Since sya lang naman ang wala dito ay sigurado akong sa kanya yun.


"I already tracked her. Hindi pa siya nakakalayo---" I was stopped by a phone call. "It's her. Wait a minute!" Sabi ko saka mabilis na sinagot ang tawag.

(Daeyan, track Claud's location and send his location in 3 minutes.)  And then she hung up. Tsk! Hindi manlang ako pinaimik.


"What did she say? Nasaan na siya? Is she okay?" Natatarantang tanong ni Tracy.


"Hey Old Lady, calm down." Sabi dito ni Elliot and he tapped her shoulders that make her sighed.

"She asked me to track Claud's location." I said then I opened a new window and I started to track Claud's location. It's almost 3 minutes since she called kaya agad agad kong sinend kay Kiyukki ang location ni Claud na naka stand by lang sa isang place.


Kiyukki's POV


I already receive Claud's location. Ang sumugod doon nang mag isa lamang ay matatawag na suicide but I am the Mafia Princess, I am unpredictable. Mas dinoble ko ang bilis ng takbo ng aking sasakyan. Maghanda handa ka na Claud. I already predicted that Claud was the traitor, since he is the only one who's not around and he's acting strange magmula ng malaman niya na pati ako ay Dragon's Blood holder.



I have arrived after 10 minutes, masyadong malayo ang lugar na binigay sa akin ni Daeyan, but I managed to came faster because of my full speed. Malayo layo ako sa lugar na kinaroroonan ni Claud, ngunit tanaw na tanaw ko ang luma at abandonadong building kung saan nakaparada sa tapat non ang kotse ni Claud. Tsk! He's too reckless, gagawa na nga lang siya ng kabalbalan eh mag iiwan pa siya ng clue. He should atleast hid his car first bago niya gawin ang katraydoran niya.


Kinuha ko sa compartment ng kotse ang dalawang hand gun at nagdala rin ako ng dalawang dagger  at shuriken. Wala akong balak na patayin sila sa ngayon, instead I have a deeper plan. Isang plano na makakapagpatumba sa kanila and once na masimulan ko ang plano ko ay saka magsisimula ang digmaan. 


Bago ako umalis ng kotse ay kinuha ko muna ang isang syringe at itinurok ang asul na likido na nakalagay dito sa aking braso. This liquid is my ace to win this game. It was my secret weapon to execute my plan. Ano nga ba ang plano ko? Then you'll know it soon. Bago ako lumabas ay isinuot ko muna ang isang mask na lagi kong gamit sa mission at ang palatandaan na ako si Silent Death. The Mafia Princess.

I dialed Daeyan's number and after few minutes, he answered.

(What are you planning to do Princess?!)  Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Tch! Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Vault number 5, 01010000. Just keep it to yourself. Daeyan, save him." Matapos kong sabihin sa kanya kung saan nakatago ang tunay kong plano ay pinatay ko na ang tawag at mabilis na bumaba sa kotse at dahan-dahang lumapit papalapit sa lumang building. 

Nang makalapit na ako dito ay doon ko naramdaman ang bawat kilos ng mga tao sa loob, one of the skills that I gained from Dragon's Blood. My senses was really active to the point that  I felt like I have super powers.

"Jan, ano bang plano ni Flex dun kay Tisoy? Kanina pa 'yun nagwawala eh." Mabilis kong hinanap ang pinang galingan ng boses. They are just near from my location. Hindi ko muna sila hinarap kundi hinayaan ko muna silang mag-usap para maarinig ko ang plano ng kung sino man ang may pakana nito and who's that Flex?!

"Hindi ko nga alam kay Flex, kinuha niya lang ata si Tisoy dahil sa kailangan na niya ng pampagamot kay Sharpay." And now, I have a conclusion that, that Flex is Claud. And now the question is, who's Sharpay?

"Alam mo naman si Flex, basta para sa kapatid nun, gagawin niya lahat. At sa pagkakaalam ko nobyo ni Silent Death si Tisoy kaya na din niya kinuha yun. Alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ni Flex kay Silent Death at Death Slayer." Duh, I know that ang tinutukoy nilang Tisoy ay walang iba kundi si Kenshin. And what did we do to that Flex, Claud or whoever he is para magalit sya samin, as far as I remember, hindi ko kilala si Claud noon. I don't even know him or who he really is.

Well, tapos na ang story telling ng dalawa, masyado silang chismoso sa isang sanggano. Tsk! Palihim akong lumapit sa kanila.


"Hi? I heard my name kaya lumapit ako sa inyo." Malamig kong banggit sa kanila agad naman silang napalingon sa akin at mabilis na kinuha ang mga baril nila pero bago pa man nila maitutok ang mga iyon sa akin ay mabilis kong hinagisan ng tig-isang shuriken ang mga kamay nila kaya agad silang napadaing at binitawan ang baril. Bago pa man sila makabalik sa wisyo ay agad ko silang binigyan ng tig-isang sipa na ikinatumba nila at saka ko sila tinutukan ng dagger sa kanilang mga leeg.

"P-Please Silent Death. Huwag mo kaming patayin! Kailangan pa kami ng pamilya namin! Gagawin namin ang lahat, huwag mo lang kaming patayin. Parang awa mo na!" Pag mamakaawa sa akin ng isa habang ramdam ko naman ang panginginig ng isang katabi nito. Good! Everything was going according to my plan. Mabilis ko silang nginitian.

"Are you sure that you will do everything kapalit ng iyong buhay?" Nakangisi kong sabi sa kanya. I love to see them beg. It was like a music to my ears.

"O-Opo! Pangako! Parang awa mo na." Pag mamakaawa nito sa akin, nilingon ko naman ang isa pa nitong kasamahan. 

"How about you? Wala ka bang balak mag makaawa para buhayin kita?"

"P-Patayin mo na ako! H-Hindi mo ako mapapasunod sa kung ano man ang gusto mo!" Matapang ang isang 'to. Sad to say mas matapang ako.

"Then, your wish is my command." Humarap ako sa isa pa nitong kasamahan bago ko gilitan ang katabi nito at kitang kita ko ang pamumutla niya.

I grinned. "And you, well listen carefully and don't you dare, huwag mong subukan na traydorin ako kung hindi, hindi lang ikaw ang mamatay kung hindi pati ang pamilya mo, I already warned you Jan." and after that, saka ko sinabi sa kanya ang ipapagawa ko. Wow! This is really exciting!

---

"So we have a visitor here. Got you Silent Death. Hindi ko alam na madali kalang palang hulihin. Isang Kenshin lang pala ang katapat mo. Get ready Silent death."


Author's Note:

Sorry po sa matagal na update, medyo busy po eh! Sorry for the lame update. May nagbabasa pa po ba? Please do votes and comment guys! I want to see your comments at the comment box. Nakakainspire po kasi. Thanks sa mga patuloy na nagbabasa. Salamat!

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon