Chapter 38-Accomplish or Failed?

2.7K 79 6
                                    

Third Person

"Where are we?! It's not John's house! Where are we?!" Nagpapanic kunong akto ni Elli. Mukhang kumagat naman ang mga ito sa inakto ng dalaga dahil bigla silang nakaramdam ng tuwa. Dinala kasi siya ng mga ito sa isang bodega na medyo may kalayuan sa bahay nina Kenshin.

"Do not worried. We will went to heaven! You will saw John's house on....on.. Basta makikita mo kung sino mang John na yon!" Pabalang na sagot ng lalaking bantay na si Haime at agad namang sumang-ayon ang iba pa. Sabay sabay naman silang lumalapit kay Elli at si Elli naman ay nagpanggap na natatakot.

"Elli, just call my name if you need some back up. Be safe."  Nag aalala namang sambit ni Claud dito.

Habang palapit ng palapit ang limang lalaki ay unti unti namang umuurong si Elli ngunit ang kanang kamay nito ay nakasuot sa prada niyang bag at nakahawak sa baril na may silencer.

"May dala ba silang armas Claud?" Pabulong na sabi ni Elli. Agad namang ichineck ni Claud ang cctv.

"Naiwan nila iyon sa bahay nina Henson. Tsk stupids. Nakakita lang ng babae naiwan na ang armas. Kill them now. Make sure that it will be clean." Utos ni Claud dito. Nagdalawang isip naman si Elli dahil unang beses palang niya itong gagawin.

"ANONG BINUBULONG MO DIYAN?!" Sita naman ng isa sa mga lalaki. Agad naman silang tiningnan ng masama.

"Hindi ka niya naiintindihan Pepe. English dapat. Ganito! Why you... Teka ano nga ba ang english sa bulong? AH BASTA! YOU NOT TALK! YOU CAN'T WENT ANYWHERE! YOU BE VICTIM!" Sigaw naman ni Haime dito. Sa loob loob ni Elli ay nagpipigil ito ng tawa.

What the! Hahahaha. What the heck is he talking about?!

"Tagalugin mo na Haime. Nag nonose blooding kami! Ako na nga!" Sabat naman ng isa pa sa mga ito. Lahat sila ay mayroong bigote, matataba at malalaki ang tiyan at sabihin na nating may hindi kaaya ayang itsura.

"Ikaw ang magiging ika labing walo naming biktima miss. Natutuwa kami kapag naririnig namin silang nag mamakaawa. Ngayon, bakit 'di natin pakinggan ang pag mamakaawa mo? Hawakan nyo yan!" Utos nito sa mga kasamahan. Akma naman silang lalapit ngunit agad namang inilabas ni Elli ang dalawa niyang baril na may silencer at itinutok sa mga ito kaya napatigil sila sa paglapit.

"Bringing me to heaven huh? Well, I will bring all of you to hell! Nag dadalawang isip pa naman akong tapusin kayo ngunit ng marinig ko ang mga sinabi niyo. I won't hesitate to kill all of you now." Matapos itong sabihin ni Elli ay pinaputukan niya ang mga ito na tumama sakto sa ulo ng apat at ang tanging natira ay si Haime.

"Keep 1 person alive. Kailangan natin siya upang malaman ang hide out ng Hawk eyed!" Utos ni Claud dito. Kaya sa halip na patamaan niya ito sa ulo ay binaril niya ito sa kanang binti kaya napahiga si Haime.

"Matanda ka na, ngunit sa tingin ko kailangan mo pa ng disiplina." Malamig na sambit ni Elli bago niya ito patulugin sa pamamagitan ng paghampas ng baril sa ulo nito.

"Papapuntahin ko diyan ang ibang members ng DCM upang dalhin ang lalaking yan at para linisin ang kalat mo."

"Fyi Claud, I didn't mess up." Nakangising sambit nito bago itinago ang baril sa kanyang bag.

Sa kabilang banda naman kina Tracy at Elliot.

"SINO KAYO?!" Sigaw ni Sheena ng makita niya ang dalawang taong nakasuit na pumasok sa kwarto niya.

"Sheena! Kailangan mong sumama sa amin." Sambit ng isa sa mga ito.

"T-teka, sino kayo?! Paano ninyo ako nakilala?!" Bakas naman sa boses ni Sheena ang takot. Sa loob loob nito ay nag iisip siya ng paraan kung paano dedepensahan ang sarili kung sakali mang sumugod ang dalawang taong nasa harap niya.

"Huwag kang matakot sa amin Sheena. Kakampi kami. Nandito kami upang iligtas kayo ng anak mo sa kamay ni Henson at upang ibalik ka sa DCM." Kalmadong sabi ni Elliot. Hinubad naman ni Tracy ang kanyang mask.

"Maniwala ka sa kanya Sheena. Anak ako ni Iverson. Alam kong kilala mo siya. Ipinag utos ni Master Towo na bawiin ka na namin dahil nangangamba siyang mapahamak kayo." Paliwanag ni Tracy dito, bahagya namang nawalan ng pangamba si Sheena.

"S-si Towo? Parang awa niyo na! Iligtas niyo kami ng anak ko! Kailangan kong makausap si Towo." At doon ay napaiyak na si Sheena habang binabanggit ang mga katagang iyan.

"Guys! Pabalik si Henson! Mukhang may nakalimutan ata!"  Sabi ni Daeyan kaya agad namang nataranta si Acy at nanatiling kalmado si Elliot.

"We don't have any time. Pabalik na si Henson. Kailangan na nating umalis. Sheena, please write some notes na magbabakasyon ka muna at kasama mo si Kenshin maging ang ibang bantay." Utos ni Elliot dito at agad naman itong ginawa ni Sheena.

"Daeyan, ilang minuto bago silang makarating dito?" Tanong ni Elliot dito.

"In my estimation there are 20 minutes left." Sagot naman ni Daeyan dito.

"Kailangan na nating bilisan. Maybe in 20 minutes, nandito na siya. Old lady, pumunta na kayo sa sasakyan! I will bring the weapons of those men in blacks! Ppali!" Utos ni Elliot at dali dali naman niyang ginawa ang utos nito. At nagmadali sila sa pagpunta. Ngunit ng nasa labas na sila ay narinig nila ang pagdating ng isang sasakyan.

Kiyukki's Point of View

"Ano bang pag-uusapan natin Kiyukki?" Malamig nitong tugon sa akin. Galit pa rin siguro siya.

"First of all, I just want to apologize kung iniisip mo man na ginamit kita."

"Kaya mo ba ako pinapunta para lang doon?" Pagpuputol nito sa sinabi ko. Halata sa mukha niya ang pagkainis. I just sighed.

"No Kenshin, there's so many things that we need to talk about. But it's confidential, so we need to talk privately." Pagpapaliwanag ko dito. I heard him sighed.

"Is it important Kiyukki? Kasi kung hindi? Hindi na ako mag aaksaya ng oras na kausapin ka." That hurt me big time. It looks like ayaw niya talaga ako makita o makausap manlang. Ganyan ba kalalim ang galit niya sa akin?

"Hey listen. I understand kung magagalit ka sa akin pero huwag mo naman akong ganituhin S-shin. Hindi lang ikaw ang n-nasasaktan." My vouce was cracking while I'm saying that. I can't help it! I really miss him but he's avoiding me.

"Tch. Fine! Let's go somewhere private!" Tugon nito sa akin. Ghad! I want to hug him right now but I can't. Bakit ba ako nagkakaganito in the first place? Argh!

I look at him bago tumayo mula sa pagkaka upo but he's avoiding my gaze.

"Salamat Kenshin. At sana mapatawad mo na ako. Tara na!" Tugon ko dito and I smiled genuinely.

Author's Note:

Hi, I want to dedicate this chapter to kimwoon_365 and ShaineGabRielle09. Thank you po sa patuloy na support at pag-iintay. Gomawo😊

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon