chapter 11 Smile

15.2K 469 33
                                    

Araw-araw akong nagpupunta sa site.
Nais ko kasing makita palagi ang development sa paggawa ng Hotel. Gusto ko na itong matapos.

At sa dalawang linggo kong pagpupunta dito. Halos araw-araw ko ring nakikita si Tristan.

Napagisipan ko na itutuloy ito. Wala rin naman siyang sinasabi at ginagawa. Tanging mga mariin ng tingin lang ang ibinibigay niya.

Ginagawa ko ang lahat para hindi magkasalubong ang landas namin. Iniiwasan ko na mag-kausap kami. Kapag kasama ko naman si Inigo doon lang may time na mapapalapit ako sa lugar niya. Unfortunately madalang si Iñigo pumunta sa site sa ngayon, marami kasi siyang inaasikaso sa business niya na kailangan ng personal niya appearance.

Katulad ngayon wala si Iñigo, pumasok ako sa loob ng ginagawang gusali at nag-suot ng safety gear. Hindi naman talaga kelangan pang pumasok ako pero, gusto kung umiwas sa mga matang tagos kung tumingin sa akin. Matang animo'y sinusuri ang aking buong pag-katao. He's always here. Observing!


" Magandang tanghali po Maam." bati ng mga trabahador.

" Magandang tanghali rin po. Lunch na pwede na kayong managhalian." tumango ang mga ito at nagsimula ng magligpit ng mga gamit.

"Kayo po Maam? di pa po kayo manananghalian?" tanong ni Mang Tonyo.

" Naku okay lang po ako, lalabas narin ako para mag-lunch." nginitian ko ito, matagal na si Mang tonyo sa Constraction ng Sandoval, halos twenty years na siya dito. Isa siya sa mga foreman at Loyal ng kompanya. " Sige po Maam."

Tumango ako at lumakad. Sinisilip ang bawat gawa. Iniisip ko saan kaya ako mananghalian ngayong wala si Iñigo. Madalas kasi ay magkasama kami. Bahala na babaybayin ko nalang ang kalsada para makahanap ng kainan. O pwede din ako doon sa kapehan.

" Saan ka galing?!" Halos mapatalon ako sa gulat mula sa baritonong boses na nagmula sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita ko si Tristan na magkasalubong ang mga kilay habang mariin ang pagkakatingin sa akin. Nagpalinga-linga pa ako, kung ako ba talaga ang kinakausap niya. Malamang ako nga, wala namang ibang tao malapit sa kinatatayuan namin. Kundi kami lang dalawa. Shit!

" A-aah ako ba ang tinatanung niyo Mr. Sandoval?"

He smirked. " Sino pa ba sa tingin mo?"

" I-im chinecking the work, kung namimeet nila yung building requirements!" A stupid tounge of mine is stuttering again. Bakit niya ko hinahanap, and why is he so grumpy.

" Iniiwasan mo ba ako?"

" What?!H-hindi! Bakit ko naman yung gagawin Mr. Sandoval?" medyo tumaas ang boses ko dito. And here goes my heart again thumping hard whenever He's around.

Tumaas ang kilay nito. " Come on, Lets eat!" Its not an invite but an order.

" N-naku hindi na Mr. Sandoval, busog pa naman ako. I had my breakfast earlier" Pagsisinungaling ko.

Umangat ang gilid ng labi nito, at nagsalubong ang kilay. Alam sigurong nagsisinungaling ako. " Cut the formality Myiel! When i said where going to eat, we will eat, understand! Wala si Iñigo at matatagalan kung kelan pa siya babalik, for now ako ang makakasama mo!"

Hindi ko alam pero napatango ako. Sakabila nito ay tumatanggi ang isipan ko.

Kailangan kong tumangi, kailangan kong dumistansya sa kanya. Proteksyon ito para sa akin, para kay Carlo. Humugot ako ng malalim na pag-hinga.

Ibinuka ko ang bibig ko para mag-salita muli. "Mr. Sandoval-" He cut me before i finished my word.

" Its Tristan!" Tumalikod na ito at naglakad. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko, kumokontra ang utak ko. Pero sa huli ay pinili pa din ng mga paa kung sumunod dito.

I don't have a choice, i followed him.
This will be for now. Hindi na to masusundan pa YM. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan habang nasa byahe. Kaya naman dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib ko. Para itong drum na patuloy ang dagundong. I've never been this affected before. Hindi ko alam kung saan kami kakain. Ramdam ko na din ang gutom ko. Paminsan-minsan akong tumitingin sa kanya.

Malaya ko ngayong naobobserbahan ang perpekto niyang mukha. Fine stubborn chiseled jaw, pointed nose na animoy iginuhit ng isang magaling na pintor, greyish color eyes with a matching thick brow, kissable red tiny lips. This man looks like a greek who came from other dimension. May mga tao talagang biniyayaan ng ganito ka perpekto. Pero ginagamit para makapang loko lang.

Five years ago, nagising akong katabi ito sa isang kama. Mahimbing na natutulog. Sa pagmamadali ko ay hindi ko naobserbahan kung gaano kaperpekto ang kanyang mukha. Ang tanging nasa isipan ko ay makaalis na sa lugar na iyon. And now I can freely see how gorgeous he is. Minus the grumpy attitude. Laging salubong ang kilay nito at parang galit.

Ang puso ko ay sige parin sa pagtibok ng malakas pero hinayaan ko nalang. Masasanay din ako and eventually magiging normal na siguro ito.

" Did you enjoy it?" basag nito sa katahimikan.

" What?" gulat kong tanong. Nahuli ba ako nito?

" Your looking at me intently" tumaas ang sulok ng labi nito at ngumuso.

" What!" nahuli nga ako. Pero parang hindi naman ito lumilingon sa direksyon ko. My cheeks turn red in realization. Naupo ako ng deretso at itinuon ang pansin sa daan. I try to look professional.

Lumingon siya at tumingin sa akin, hindi ko maiwasan ganoon din ang ginawa ko.

And for the first time He gave me he's most gorgeous smile.

Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon