Chapter 24 Magazine

12.8K 377 27
                                    

Short lang po ito. And my mga typos.

******

Napabalikwas ako ng tumunog ang wall clock ng opisina ko. Tanghali na at heto marami parin akong inaasikaso. Nakikisali pa ang pagiisip ko sa sinabi ng kaibigan ni Iñigo.
Hindi ko maiwasang magisip kong sino ay tinutukoy nito.

Si Tristan ay out of the country padin. Naextend daw ito balita ng secretarya niya sa akin. Hindi ko naman tinatanong, pero parte nadin siguro ng trabaho at para masabi ko kay Carlo na busy pa ang daddy niya.

May nakita pa nga akong pictures nito sa isang kilalang magazine. Stolen shots ito, may kasamang babae. Mapapansin na malapit ang dalawa. Naka angkla sa braso nito ang babae at masaya silang nag-uusap. Parang may sariling mundo.

Pamilyar din sa akin ang kasama nitong babae. Hindi ko lang mawari kung saan ko siya nakita.

Maganda ito, hindi maikakaila iyon. Kita din ang magandang hubog ng katawan nito sa suot na modernong damit. Sophisticated and class is the best way to describe the woman beside him.

I smiled. Pero hindi umabot sa akin mga mata. May nagdaan din kirot sa puso ko. Di ko man aminin ay nagseselos yata ako. Para kay Carlo.

Maraming nagkomento sa kuha nila.
Tristan Sandoval rumor girlfriend..-
Na matagal na daw na magkarelasyon ang dalawa. Dahil nakita na daw nila noon ang dalawang. Madalas magkasama. Taon na daw ang lumipas. Maaring engaged na daw ang dalawa at ayaw lang magsalita.
Kahit noon daw ay sinesekreto lang talaga ang relasyon. Marami pang iba komento, pero ayaw ko ng tapusin pa. Masakit lang sa ulo.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Sa labas na ako maglulunch. Gusto ko munang mapag-isa. Mag-isip na kung totoo nga ang nasa magazine, kailangan namin ng arrangement para sa bata. Baka kasi mabigla ito. Ayaw ko naman maging negatibo ang resulta nito sa bata.

Siguro will set an appointment para mapagusapan ang ganung bagay.

Bago ko pa mapihit ang seradura ng pinto ay bumukas ito.

Si Tristan ang bumungad sa harapan ko. Medyo magulo ang buhok nito. Hinihingal na parang galing sa pagmamadali. Tumakbo ba siya at ganun ang ayos niya.

Ang suot nito ay iba din sa madalas kong makita sakanya.

He's wearing a simple V-neck shirt, khaki cream color pants and sneakers.

Hmmm.. Bagay pala sa kanya ang ganito. He looks cool and boyish.

Its refresing to see him on his this clothes. Lalo itong nagmukang gwapo. Kaya naman marami talaga ang gusto ng atensiyon nito. Bagay kasi ang kahit ano.

" Mabuti naman at naabutan kita."

Ah talaga palang ako ang sadya niya. Siguro ay nalaman niyang nakarating na sa akin ang balita. Syempre nga naman ang mga tulad niya na kilala sa lipunan ay binabantayan para makakuha ng ibabalita. Para ring mga artista.

Nagtataka man sa asal nito pinanatili ko padin na maging kaswal. Ang tibok ng dibdib ko ay hindi nanaman normal. Nakakainis at masyado akong apektado.

" Sabay tayong maglunch" yaya nito.

" Huh!"

Seryoso ba siya? Wala naman si Carlo dito. Hindi niya kailangan pa na isama ako.

" Lunch tayo" ulit nito.

Aayaw sana ako dahil ayoko ng issue. Pero ng niluwagan nito ang pintuan para makalabas ako ay wala na akong nagawa.

Walang nagawa o sadyang gusto mo rin lang. Sumbat ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay kami ng kanyang sasakyan. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto para makapasok.

He's being gentleman, huh!

Napaisip ako. Ano kaya ang nakain nito at parang nasa mood yata. Plus niyaya pa akong kumain ng lunch. Walang topak! Naiba na ang ihip ng hangin?

O baka naman may topic sila sa convention na h'wag masyadong grumpy sa buhay!

Kung ganun, Effective huh!

O baka naman may ibang dahilan. Kukunin niya si Carlo sa akin? At magsasama sila ng babaeng yun.

Yan ang hindi mangyayari!

Hinayaan ko siya at pinakiramdaman habang nagmamaneho. Tulad ng dati ay tahimik padin kami sa byahe. Maraming umaandar sa isipan ko. Gusto kong magtanong tungkol doon pero parang hindi oras.

" Bago ito noh?" yun nalang ang nasabi ko. Masyado na kasing nakakabingi ang katahimikan.

Awkward naman kung habang kumakain kami ay ganun padin walang magsasalita. Walang topic na pwedeng magpagaan.

Tumingin siya at ngumiti sa akin.

Aba! Ngumiti. Nakakapanibago talaga.

" You like it?"

" Huh!"

Bakit naman niya tatanungin sa akin kung nagustuhan ko. Tsaka binabalik niya lang sa akin ang tanong. Nakakaloka.

Ngayon ko lang kasi nakita ito. Madalas ay yung itim na Range Rover niya ang gamit.

Hindi ako maalam sa sasakyan, pero sigurado akong mahal ito.

Lamborghini. Isa sa mamahaling sasakyan na mula pa sa Sant'Agata bolognese Italy.

Tumango ako bilang sagot. Maganda syempre at mahal din.

He glance on me again and chuckled.

" Naisip ko kasi tamang-tama ito kung gustong mag out of town ni Carlo-tayo. Sa tingin mo magugustuhan niya ito- gusto mo ba ito?"

What!

Napipilan ako sa tanong nito. Ano ang ibig niyang sabihin.

Bigla akong pinapapawisan, ang lamig na mula sa aircon ay walang silbi. Ang tambol sa dibdib ko ay hindi na matawaran sa bilis.

Why is he asking me those thing. Ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Diba, may girlfriend nga siya. Baka naman pag nalaman nito na ganito si Tristan sa amin ay magaway pa sila at ito ang dahilan.

Kinalma ko ang sarili ko at palihim na huminga ng malalim.

Humarap ako dito para linawin sana- Pero ng magtama ang aming mga mata ay tila kandila akong bilang nalusaw sa klase ng emosyong maaaninag sa mata nito.

Hope...Longing...Pain...

" Myiel I want you to know that-" huminga ito ng malalim.

" I want the best for my Love"

Best

For

My

Love?

Huminto ng ilang segundo ang tibok ng puso ko. Processing the words he just declare.

Si Carlo ang tinutukoy niyang mahal niya diba?

Natural anak niya ito, at mahal niya ito.

Pero bakit parang hindi lang si Carlo ang denedeklara niyang mahal niya.

Parang may iba pa.

Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon