Chapter 44 I'm Sorry

10.3K 212 7
                                    


I'm sorry

Mahimbing na natutulog at nakahiga ang katawan ni Yna sa hospital bed.

It such a relief na buhay at safe siya.
Halos mabaliw ako ng malaman na nawawala siya.

Such a clever woman putting her life at risk.

" Dad, is Love going to be alright?" si Carlo habang tahimik na nakamasid sa kanyang mommy.

" She is big boy, don't worry about your Love she's fine. She's a strong woman. She just needed rest" Pinangko ko ito at yinakap.

Tatlong araw na kaming nag-aantay na magising ito. Ang sabi doktor, maayos naman na ang kalagayan nito. Nagka minor shock lang naman daw ang katawan nito. Natrauma lang daw ito sa pangyayari. Ang katawan daw nito ay maaring ngpapahinga lang sa tinamong trauma, kaya walang dapat ipag-alala.

Ang kasal namin ay kasalukuyang naka pospone, itutuloy nalang kapang naka recover na ito. Ang mahalaga ngayon ay ligtas ito. Ligtas ang Mahal ko..

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Mamu at ang mga kaibigan ko, may mga kasama din itong mga kaibigan ni Yna, Noreen, Ann and Georgina at ang secretarya nitong si Edhel.

" How is she" tanung ng bagong dating na si Georgina, isa ito sa matalik na kaibigan ni Yna. Naging malayo nga lang ang mga to kasi sa ibang bansa na gumawa ng kanya-kanyang career.

" Ang sabi ng doktor, she's fine. Bumabawi lang daw ang katawan nito sa trauma." paliwanag ko.

Si Mamu ay kinuha muna si Carlo at iuuwi muna daw para makapag-pahinga sila, babalik nalang daw.

" Mabuti naman kung ganun " sagot ni Noreen

Ang mga dala nitong pasalubong ay halos hindi magkasya sa lamesita na nasa gilid ng hospital bed ni Yna.

May ilang oras din itong nag-stay at nagkwentuhan. Pero maya-maya lang ay nag-paalam na din ang mga ito. Babalik nalang daw sa mga susunod na araw.
Sabay -sabay itong lumabas sa silid kasabay kasunod ang mga kaibigan ko.

*****

Ito ang ika limang araw ni Yna sa Ospital.

Nagising na ito at normal naman kung titingnan. Pero kung minsan ay tulala pa din.

" Baby is there anything you want? You can tell me " kausap ko dito. Tanging iling lang ang sagot nito. Madalas ganito ito.

Kakunting salita lang ang lumalabas sa bibig nito na animoy napipilitan lang sumagot.

" Tristan..." mahinang sabi nito
" hmmm" inayos ko ang takas na buhok nito sa ipinaloob sa likod ng tainga nito.

Maganda na din ang kulay nito, bumabalik na sigla. Tanda na unti-unti na nakakabawi ang katawan nito. Ang mga pasa ay halos pawala na.

Seeing her like this makes my heart ache. But I don't like it to see how weak I am for her. Gusto ko iparamdam sa kanya na matatag ako- kami. Ayokong isipin niya na isusuko ko siya.

" I'm sorry..." kunot ang nuo kong tumingin dito. " What are you sorry about baby?"

" I'm sorry at di ako nagpaalam sayo. I'm sorry nagtapangan-tapangan ako.. I'm sorry i didn't tell you about the box i received from Thalia.. I'm sorry our wedding is-" humaholgol ito. And it makes my heart ache more.

" Shhh... forget about it.. You need to rest, okay.. I love you no matter what... Your my everything.." madamdaming ko sabi dito just to calm here down.

" Now do me a favor, rest yourself so you can gain your strength... don't over think.. Is that a deal?" tumango naman ito bilang tugon. Pilit na pinipigil ang pag iyak.

Ngumiti ako dito at hinalikan ito sa nuo.

" Rest sweetheart. I Love you..."

*****

AN: Epilogue na po ang sunod..
        Thanks sa lahat..💕💕💕

Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon