Chapter 23 Suhol

12.4K 353 14
                                    


Naging abala ako ng mga sumunod na araw. Madami ang naging interesado sa bagong tayong Sandoval's Hotel. Dahil na din sa moderno nitong desenyo kaya marami ang gustong tumingin at kumuha ng pribadong kwarto. Para siguro sa pamilya o maari sa pansariling gamit.


May mga pinapabagong interior, ayon sa kagustohan ng mga permanent occupants, pero si architect na ang bahala doon. Yung akin ay ang pag rereview ko ng mga legal document at papers para sa gagawing additional designs. Ichi-check ko nalang kapag final touching na.

Ipinaubaya na sakin ni Tristan ang pagdedesisyon tutal naman daw expertise ko daw ito.

And speaking of Tristan wala ito sa bansa, sa pagkaka-alam ko nasa convention ito, at ang sabi ni Carlo tatlong araw daw itong mawawala.

Wala din kasi si Iñigo, kaya halos lahat ng mga naiwan ay sa aking napunta. Ako ang nagrereview. Madalas ding out of the country si Inigo, may mga inaasikaso din kasi ito sa sarili niyang negosyo.

Iñigo's personality is playful. Pero seryoso ito pagdating sa negosyo. Malaki ang sakop ng negosyo nito. Investors din ito sa ibat-ibang kompanya. Gaya nalang dito sa Sandoval's Coporation.

In his status inlife,naisip ko bakit wala pa itong girlfriend.

Gwapo ito, maganda ang katawan, masarap kausap, mayaman at higit sa lahat malakas ang sense of humor, palagi ako nitong napapatawa. Masayang kasama at magaan. Woman will flocked in his way to get his attention. Bata man o matanda na. Witness ako doon ng bago palang kaming magkakilala.

Sobrang light niya kasama. Walang tensyon o kaba.

Hindi katulad ni Tristan na masyadong seryoso, parang ang hirap kausapin, minsan ang sungit-sungit tingnan, para bang ang ginto ang mga ngiti niya. Madalas na kunot ang noo lalo na kapag kasama ko ito.

Kung minsan naman ay tumatawa ito, lalo na kapag kasama si Carlo.

Pero kahit pa ganoon ang pakikitungo niya sa akin, hindi padin maiwasan na hanapin siya ng puso ko at isipan ko. Kuna anong ginagawa niya buong araw. Kung sakali naman na wala siya sa opisina at hindi kasama si Carlo, eh ano ang pinagkakaabalahan nito bukod sa negosyo.

Noon ang plano ko ay lumayo para umiwas. Todo tanggi pa akong magtrabaho sa kompanya nito. Pero biglang nagiba ang ihip ng hangin. Ayaw ko na yatang umalis.

Hay...bakit sakanya napunta ang pag-iisip ko. Iiling-iling akong ibinalik ang atensyon ko sa pagbabasa ng papeles.

Mahihinang katok ang narinig ko bago bumukas ang pinto ng aking opisina.

"Iñigo!" Tumayo ako at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. Nasabik akong makita siyang muli.

" Ang daya mo talaga..." hinampas-hampas ko pa ito sa balikat. Tumatawa itong humiwalay sa yakap ko.

" Easy beautiful..masakit yun huh" umarte pa itong nasasaktan kunwari.

Lumabi ako at nakitawa narin.

" Bakit ngayon ka lang! Alam mo bang ang dami-dami natin dapat review-hin. Hinahayaan mo lang ako ditong mag-isa " Kunwaring pagtatampo ko dito.

"For you.." Iniabot nito ang isang maliit na paper bag.

"Sinusuhulan mo nanaman ako dahil matagal kang nawala" Tumawa ito ng malakas. Dahil buking ko na siya.

" Para sayo talaga yan! Nahirapan kaya akong hanapin yan!"

Lumabas kami ni Iñigo para mag meryenda at makapag kwentuhan. Natagalan daw siyang makabalik dahil marami siyang mga meetings. Lalo na at nageexpand siya ng business. Naging successful naman daw ang mga lakad niya kaya nagextend siya para sa legalities.

Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon