Chapter 42 Abduct

7.8K 183 6
                                    


Abduct

Nakatanggap ako ng isang tawag mula sa estranghero na nagpadala sa akin ng Box. Nais nitong makipag kita sa akin. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi..pero sa huli pinili kong makipag kita dito.

Bukas na ang kasal namin ni Tristan, gusto ko ng payapang okasyon kaya napagdesisyunan ko itong gawin.

Kakausapin ko lang naman ito para huwag ng mangulo at manira pa sa buhay namin.

Mabilis lang naman siguro ito, at gusto kung syang makausap kung bakit gusto nya na mapunta sa kanya si Tristan kahit na sa kabila nito ako ang pinili ni Tristan makasama habang-buhay. At alamin na rin kung sino sya, at ano ang dahilan nya para gawin ang mga bagay na ito.

Walang nakakaalam ng pakikipag-kita kong ito. Hindi rin naman ako magtatagal.

My heart is pounding hard and fast as I trail the direction the caller gave me. Isa itong maliit at old cafe, medyo malayo na ito sa kabihasnan. Pero may mga iilang tao naman ang naririto kaya nabawasan ang aking kaba. Wala naman sigurong gagawing masama ito, siguro gusto nya lang akong takutin para hindi matuloy ang kasal namin, pero hindi ako magpapasindak sa mga kababawan nya. Ako si Yna Myiel Santos ay ipaglalaban ko kung ano ang akin.

Akin si Tristan...

Nauna siguro ako dahil mukha naman walang kakaiba sa mga tao dito, at nagtutukoy sa babaeng tumawag sa akin.

Lumapit ang isang waiter para kunin ang aking order. Ayoko sanang umorder pero ibinigay ko padin dito ang order ko. Isang manggo shake, kailangan ko nito para narin mabawasan ang kabang nadarama ko.

Tunog ng aking Cellphone ang pumukaw sa pag-iisip ko.

Tumingin ka sa gilid mo, nandito ako.

Mabilis ang paglingon ko sa paligid ko, at nakita ko ang babaeng nakatayo sa di kalayuan.

Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha pero base sa pigura nito balingkinitan ang katawan nito at sopistikada.

Sino ito? Tanung ng isipan.

Tumayo ako at inihanda ang sarili ko sa paglapit dito para nadin matapos na ang kahibangan ng babaeng to. At dapat nyang malaman na hindi sya magtatagumpay.

*****

Masakit ang ulo ko ng idilat ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko may matindi akong hang-over.

Nagbalik sa alaala ko gabing nalasing ako at nakipag-one night stand, na nagbunga at naging dahilan ng paglayo ko sa pamilya at mga kaibigan ko. Pumatak ang luha ko sa alala-alang iyon.

Natuto akong mamuhay at magsikap para sa kinabukasan ng namin ng anak ko. Naging matapang ako at matatag. At ito ang kailangan ko ngayon, maging matapang at matatag!

Muli pumatak ang luha sa aking mga mata, sa ikalawang pag-kakataon nagkamali nanaman ako sa desisyon kong magpadalos-dalos.

Heto ako ngayon nakagapos ang mga kamay at nakakulong sa isang maliit na silid na walang ilaw. Sana hindi ko nalang pinansin ang tawag na iyon.. Sana....

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandidito, ang sakit-sakit at kirot ng ulo ko, mahapdi narin ang palapulsuhan ko gawa ng tali na nakapulupot dito na pilit kong tinatanggal, pero sa kasamaang palad mahigpit ito.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong.
Pero mukhang mapapagod lang ako, kailangan ko ng lakas para makatakas dito.

Si Tristan at Carlo inaantay nila ako.. Nag-aalala na sila sa akin.. God help me..

Bukas na ang kasal namin.. marami pa kaming pangarap na dapat buoin ng magkakasama..

Tristan...

Carlo....

Pinilit kong pigilan ang pag iyak, dahil makakabawas ito sa aking lakas. Mariin kong pinikit ang aking mga mata para makapag-isip kung paano ako makakaalis dito, paano makakatakas sa madilim na lugar na ito.

" Mabuti naman at Gising kana pala "

Namilog ang mata ko sa taong nasa harapan ko.

" Ikaw! "

Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon