Guys! PSICOM mobile apps is coming soon! Abangan nyo ang iba ko pang storya. Aasahan ko ang suporta nyo!
*****
Mine
In a couple of months, matatapos na ang proyekto ng Sandoval Hotel sa Tagaytay. Dahil din dito matatapos na ang kontrata ni Yna sa Sandoval Corporation, Babalik na ito patungong New York.
I need to make a move. How? Yun ang hindi ko pa alam..
Sa loob ng limang taon na inalam ko kung sino siya, halos gabi-gabi rin siyang laman ng panaginip ko. Kaya paano ko siya makakalimutan? Kahit sa panaginip gumugulantang siya.
Ni minsan hindi ko naranasan ito, Naging malikot ako sa babae, pero gusto din ng mga ito. I never beg to have a woman in my life, infact they beg for me. Hindi ako ang tipo na iyon. For steady? Not me!
But when Yna Myiel Santos came, in unexpected way! Damn!
Bigo man akong mahanap siya noon. Heto siya ngayon nagbabalik. Kaya hindi ko na ito palalampasin pa.
This is my chance. Ng sinabi ko ng gabing yun na akin siya, paninindigan ko iyon dahil yun ang gusto ko.
Akin lang siya!
Ng magtama ang mga mata namin nung araw na iyon nagkaroon ako ng pagasa. Its like I'm back to life!
Finally! The woman I've been crazy looking for!
Pakiramdam ko noon ay wala ng pag-asa na makita ko siyang muli.
Ngayon ay abot-kamay ko na.
Ipinikit ko ang aking mga mata para matulog. Bukas sisimulan ko na ang plano ko.
Nakatayo ito malapit sa dalampasigan, nakasuot ng isang puting bestida na isinasayaw ng hangin pang-dagat. Masaya itong naglalaro sa tubig na animoy batang tuwang-tuwa. May batang lalaki na tumatakbo palapit dito,giliw na giliw,masayang nakikipag habulan sa lalaking nakatalikod, hindi makita ang mukha.Tanging anino lamang ang mapapansin dito. Lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya ang bulto, ngunit hindi niya maalala.
Larawan sila ng isang masayang pamilya. Ngunit bago pa makalapit ang lalaki kay Yna ay bigla nalang itong nawala kasama ng bata.
Habol hininga kong iminulat ang aking mga mata. Panaginip!
Posible kayang-
My eyes widen- realization hit me.
What if- she is married?
Am I already late?
Damn! para sasabog ang ulo ko sa isiping iyon.
Base sa kanyang records from Lenout. Single ito. Walang kahit anong Impormasyon na nagsasabing may pamilya na ito.
Inalala ko ang kanyang kamay kung may suot itong singsing.
Wala! Pero ano ang nais ipahiwatig ng panaginip na iyon?
Tumayo ako at inilang hakbang ang kopita para kumuha ng maiinom. Pakiramdam ko ay natuyuan ang lalamunan ko.
I need a hard drink to calm.
parang hindi ko yata kakayanin ang malamang may nagmamay-ari na dito.
Hindi ako papaya! I'll do whatever it takes to make her mine!
She is mine!
*****
Ang mga mata ko'y nakapako sa ceiling ng aking kwarto. Ang kulay nito ay ganun padin, walang nagbago.
Ngunit ang laman ng puso't isipan ko ay parang may nagbabago. Unti- unti natitibag nito ang pader na hinarang ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. Simula ng makita kong muli si Tristan may nagbago. Ideny ko man, alam ko sa sarili kong may nagbabago.
Dapat kong kontrolin ito! Ang inakala kong tahimik na puso ko'y parang may hinahanap, may inaantay.
May mga bagay akong kinakatakutan noon at lalo na ngayon. Kung lalabas ang itinatago kong sekreto, maaring mawala si Carlo sa akin. Kakayanin ko ba? Hindi..
Hindi ito tama, ayokong magkamaling muli at masaktan. Ayoko masira ang meron ako ngayon. Ayokong mabago ang tahimik naming buhay ni Carlo. Ayoko din umiyak muli si Mama sa pagkakamali ko. Ayoko ng alalahanin ang nakaraan. Ayoko at ayoko...
Mas importante sa akin si Carlo. Tahimik na kami ngayon, bakit kailangan pang dumating ang araw na ito. Ang magsalubong muli ang landas namin.
Paano kung malaman niya ang totoo, matatanggap ba niya ang bata? ano ang magiging reaksyon niya? Baka ipagtabuyan niya lang ang bata at masaktan.
Maswerte ako kay Carlo, dahil sakabila ng lahat, kahit alam niyang wala siyang nakagisnang daddy ay hindi ito nagging mapaghanap.
I never heard him complaint nor never asked if where is his Dad.
He is young but he is matured in mind.
Kontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ko dito, ni Mamu.
Pero paano nga ba kung dumating na ang panahon na mag tanong ang bata. Ano ang sasabihin ko?
Mas masakit sa aking makita itong malungkot at nasasaktan.
Carlo and Tristan has the same features.
Eyes, nose, lips and jaw line. Napailing ako sa isipin na wala man lang nakuha ito sa akin.
"Mommy..." Napapitlag ako ng biglang sumulpot ito sa harap ko.
" Hey! Big boy.." sabay ngiti ko rito. Throwing my thoughts away.
He smiled back. Pati ang pag ngiti nito ay kay Tristan din. Umiling ako para mawala ito sa isipan ko.
" What's wrong mommy?" may pag-aalala nitong tanong.
" Nothing baby, may naisip lang ako." ngumiti ito. " Can I sleep here?"
" Yes, syempre naman. namiss na nga kita eh." Umayos ito ng higa, humalik ito sa akin at ipinikit ang mata.
" Love don't worry, kahit wala akong daddy I'm happy that your my mom." Yumakap na ito at tuluyan ng nakatulog.
Tears rush down from my eyes...
I'm sorry baby...
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1
RomanceTristan Sandoval - Successful multi billionaire, A man who does not believe in LOVE, strikingly handsome, a monster in business industry every body envy him.