Fear" Ikaw! "
" Oo..ako! " at malakas itong tumawa na animoy isang demonyo at nakakakilabot.
" Anong kailangan mo! Bakit mo ginagawa ito!" sigaw ko rito. Isang sikat na modelo at kilalang personalidad ang nasa likod ng pagkidnap na ito.
Its Thalia Yu, one of the well known model in asia.
" Hindi ko lubos maisip na magagawa mo ito, this is a Crime! Why! " wala padin tigil ito sa pagtawa.
Marahas ang tingin na ginawa nito sa akin.
" I gave you warning... But you ignore it!" muli itong tumawa na animo mo'y nababaliw.Then it hits me...my dream...her warning...
Ang panaginip na yon ay isa na palang babala..
" Please...itigil mo na ito" pakiusap ko dito.
" please.."
" No! " sigaw nito.. " mawawala ka muna sa landas ko...sa landas namin ni Tristan.."
Lumapit ito at pinagasasampal ang mukha ko..iniwas ko nalang ang mukha ko sa malalakas na sampal nito. Hanggang sa ito na ang kusang lumayo at umupo sa kabilang dulo.
Nababaliw na ito sa klase ng itsura nito. Mukhang wala na ito sa tamang pag-iisip. Maitim ang ilalim ng mga mata nito, marahil hindi ito nakakatulog.
" Ng dahil sayo nawala sa akin si Tristan.. Ng dahil sayo iniwan nya na ako ng tuluyan..kung hindi ka dumating ako sana ang ikakasal ngayon! Kami sana ang magsasama ni Tristan! " umiiyak na ito ngayon habang histerikal na nagsasalita.
" Tama na.. Please..pakawalan mo na ako.." pagmamakaawa ko, pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa pag-iyak at pagsasalita.
" Iniwan ako ni Tristan! Iniwanan nya ako!" iyak-tawa ito habang nagsasalita.
Nakakaramdam na ako ng takot dito, iba na ang pinapakita nitong pag-katao. Nawala na ang pagiging sopistikada nito, parang hindi na ito ang modelong madalas makita sa telebisyon.
" Ibinigay ko ang buong puso ko sa kanya.. Nagkasya ako sa kaunting atensyon nya..nag-antay akong mahalin nya..umasa ako!" muli itong tumingin sa akin ng marahas " Pero ikaw.. Anong meron sayo at pakakasalan ka nya?! Bakit mahal na mahal ka nya?! Sabihin mo sakin! Alam mo bang magkasama kami sa Singapore, sinabi ko sa kanyang iiwanan ko ang lahat ako lang ang piliin nya.." mapait itong ngumiti
" pero tinawanan nya lang ako..at itigil ko na daw ang kahibangan ko dahil kahit kelan walang kami.. Na kahit kelan hindi nya ako minahal!" muli nanaman itong umiyak..
*****
" Do all your best to find my Wife!" malakas na sigaw nito sa imbestigador.
please Yna..Baby...
" pare.." ang mga kaibigan nya na nakikisimpatya at gumagawa din ng paraan para mahanap si Yna.
" base sa CCTV nakita ito sa isang lumang Cafe" Si Inigo " Umorder pa daw ito, at pag-balik ng waiter wala na ito sa table, nakita daw ng waiter na lumapit ito sa babae na maganda at-"
" Shit!" hiyaw ko...
" Thalia...si thalia yun!" napahilamos ako sa mukha ko.." she has mental disorder, baka kung ano ang gawin nya kay Yna"
" Anong gagawin ko " frustrated kong tanong sa mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng mag-antay lang dito sa irereport ng mga autoridad. Kailangan kung gumawa ng paraan para mahanap ko ang babaeng pinakamamahal ko..mababaliw ako kapag may nagyaring masama sa kanya..hindi ko kakayanin. Ikakasira ng buong pagkatao ko ang mawala sya sa akin. Mahal na mahal ko ito. Ito lang ang babaeng nagpatibok sa puso ko sobra-sobra.
Ni minsan hindi ako nakaramdam ng takot at kaba. Pero ngayon nanginginig ang buong katawan ko sa tensyon.
Yna...baby ko stay alive...
" Call her..Try to call her Tristan..baka sakaling sabihin nya sayo kung nasan sya" Tyron suggestion.
" Tama! " sabay naman bigkas ni Zteve at Storm.
" Inigo...arrange everything " tumango naman ito at ng dial ng sa kanyang telepono.
Haharapin ko si Thalia..
*****
AN: Matatapos na po ito..Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta. Nagbasa, bumoto at nagkomento.. Maraming-maraming salamat po.😘😘😘
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love - Tristan Sandoval Series 1
RomanceTristan Sandoval - Successful multi billionaire, A man who does not believe in LOVE, strikingly handsome, a monster in business industry every body envy him.