"Surprise, Bruhaha!"
Pak!
Napahawak agad si Impakto sa pisngi niya habang ako naman halos malaglag sa upuan sa sobrang gulat. Well, hindi ko rin naman kasalanan kung yung reflex ko eh suntok agad. Sino bang matinong tao ang gustong makita bigla sa harap niya si Impakto na may kasama pang dalawang lalaki na parang bodyguard?
"Aray naman, Bru!" reklamo nito habang napapangiwi. "Surprise nga eh, ba't suntok agad ang bungad?"
"Bwisit ka kasi!" singhal ko, saka ko pa lang na-realize na nasa kotse nga pala ako.
Tinignan ko yung dalawang manyakis este kasama niya kanina. "At kayo! Mga ogag kayo ha? Alam niyo bang pwede kayong kasuhan ng kidnapping sa ginawa niyo?"
Nagkibit-balikat lang yung dalawa na parang wala lang. Si Impakto naman, imbes na matakot, eh mas lalo pang ngumisi.
"Relax ka lang, Bru. Hindi ka naman namin nanakawin." sabay kindat pa nito. "Unless gusto mo."
"Putik ka, Alexander!" halos mapasigaw ako. "Gusto mo bang sabunutan kita hanggang makalbo ka?"
Napailing lang siya at parang wala siyang pake kung mabaliw na ko sa inis. Lumapit pa siya sakin kaya napasandal ako sa upuan.
"Bru, kaya nga kita pina-surprise kasi miss na miss na kita."
"Miss ka diyan! Kanina ka lang nasa classroom ko, abnoy!"
"Oo nga, pero hindi yon sapat." Seryoso ang boses niya pero nakangisi pa rin. "Alam mo naman, hindi ako madaling magsawa sa pang-aasar sayo."
Umirap ako at ibinaling ang tingin sa bintana para hindi ko siya makita. Kung titingnan ko pa kasi siya, baka malunod ako sa kahibangan niya.
Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan na para sakin miracle na tahimik si Impakto, bigla siyang naglabas ng maliit na kahon mula sa bulsa niya. Pinagapang niya ito sa harap ko.
"Ano na naman 'to? Engagement ring? Sabihin mo lang at tatadyakan kita palabas ng kotse mo."
Natawa naman ito sa pagsusungit ko.
"Engagement agad? Grabe ka, Bru. Hindi pa nga tayo official couple, kasal na iniisip mo."
"Bwisit ka!" malamig kong sagot pero kinuha ko rin yung kahon. Nang buksan ko, hindi singsing kundi isang maliit na keychain na hugis pugita.
"Anong kababawan 'to?"
"Ikaw yan. Bruhaha Octopus Edition." proud niyang sagot. At talagang proud na proud pa siya ha?
"Huh?" napataas kilay ako.
"Syempre, ikaw na maldita pero cute. Nakaka-tentacle ng puso ko."
"Kadiri ka, Imps"
Ngumisi siya lalo. "Aminin mo, natuwa ka."
Syempre hindi ko aaminin. Pero to be honest, medyo... fine, konti lang... cute nga yung keychain. Pero hindi ko hahayaang manalo siya.
"Pwede bang ibato ko na lang 'to sa pagmumukha mo?"
"Basta wag lang sa pusong to, Bru. Kasi sayo na 'to."
Napairap ako ulit. Bwisit talaga. Bakit ba may mga taong parang masarap sakalin pero kapag nawala eh parang may kulang?
Pagdating namin sa campus, feeling ko gusto ko na siyang ilibing ng buhay. Habang naglalakad kami, hindi ko alam kung anong mas nakakahiya, yung nakadikit siya sakin na parang security guard o yung palihim na nagchi-cheer yung ibang kaklase namin kasi akala nila couple na kami.
"Imps, lumayo ka sakin."
"Hindi pwede, Bru. Baka may mang-harass sayo ulit tulad last time."
"Aba't ikaw ang unang manghaharass sakin eh!"
BINABASA MO ANG
The School Bitch
RomanceDon't mess up with a School Bitch or you'll live like a living hell - Alex Freya Marvida
