A/N
Hi guys! Eto na ah.. kahit super busy, UD pa din ako ng UD hahaha! :D
Sorry dahil ang lame lang ng chapter na 'to. Masyadong ano pa ang utak ko dahil sa chem. Anyhoo.. I'll update as soon as possible after our exam this week. Promise ko mag-a-update agad ako pagkatapos na pagkatapos ng exam ko. :D Saktong May 1 pa, since HOLIDAY 'yon. Hahaha! :D
Ayun! Thank you sa pagbabasa. :D
COMMENT BELOW!
God bless.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
/A&M Ika-14/
“Sure ka ba na masarap iyan?” sabi ni Xander habang nakahalumbaba sa harap ko.
Andito kasi kami sa loob ng kusina ng cruise ship. Nagpasama ako sa loob kasi baka giyerahin ako ng mga chef dito. Buti na lang at mga babae ang chef nila at sobrang babait. Binibigay nila ang mga ingredients na kailangan ko. Ang akala pa nga noong una kabit daw ako ni si Xander. Aba! Ang mukhang ‘to? Pangmukhang legal wife kata ‘to. Atsaka kabit agad? Hindi pa nga sila kasal ng sophie na ‘yon.
“Oo naman! Anong akala mo sa’kin? Professional kaya ‘to boy.” Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ‘yong gagamitin kong toppings.
Uhm… ang dami naman? May nips, chocolates, marshmallows, at… raisins? May cookies ba na nilalagyan ng raisins? Sa tinapay puwede pa.
Kukunin ko na sana ‘yong jar ng biglang magsalita si Xander, “Chocolates na lang ang toppings.” Said Xander while busy checking his phone. Naglalaro ata.
Then, bigla akong may naisip. Hihihihihihi!
Kinuha ko ‘yong jar of nips and raisins. Hey! Gusto ko lang malaman kung masarap ba ‘to sa cookies. Yah know, curiosity strikes. At dahil may pagkabaliw nga ako, ipapatikim ko din sa kanya. Konti lang din naman ‘tong ginawa ko, isang tray lang. :D
Agad ko ng nilagay ‘yong toppings at mabilis na nilagay sa oven ‘yong tray. Set the timer and… wait for it.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at inayos ko na ‘yong mga kalat ko.
“Saan unang titigil ang barko?” sabay sulyap sa kanya na busy pa din sa paglalaro ng Subway surfer.
“Aah..sa Greece.”
“Nice!!!” excited na sabi ko. “Tapos? Ano ba ‘to European tour?”
“Oo. Sa England ang sunod.”
“Wow!” hindi naman obvious na sobrang excited ako. Nakarating na din ako ng ibang bansa pero sa Asia lang. Hindi ako nakakarating sa mga western country na iyan.
“Tapos ka na?” sabi niya habang nilalagay ‘yong phone niya sa may bulsa niya.
“Iniintay na lang maluto.” Umupo na ako sa tapat niya pagkatapos kong maglinis.
Tumango-tango siya habang nakatingin sa’kin.
Then silence…
Ang awkward. Bakit kasi parehas kaming pinanganak na hindi topic maker? -3- Guys! Bigyan niyo nga ako ng topic?! Ahuhuhu! I’m out of words. HELP!
Dahil sa mabagal kayo magbigay siya na ang nagbigay. At nakakaloka, na-shock ako ng bongga sa sinabi niya or rather tinanong niya.
“D’you have or had a boyfriend?” he’s looking straight to my eyes.
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...