/A&M Ika-5/

334 5 0
                                        

A/N

ETO NA ANG UD! :D

Nang dahil sa nawalan ng tubig dito nadamay ang story na ito. HAHAHAHA! Nakakainis kasi! Sensya na kayo sa update ko. T3T

 

Well, sana ma enjoy na lang ang chapter na ito. :D

 

Maraming Salamat!!! 

Don't forget to leave a comment.

 

 

 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

 

 

/A&M Ika-5/

 

 

 

Xandre’s POV

 

 

 

*Alarm clock rings*

Shete! Inaantok pa ako! Pano ba naman kasi umaga na ako nakauwi. Bakit kamo? Sinamahan ko si Sophie sa bar ni Cindy. Remember her? Siya lang naman ang mapapangasawa ni Kuya Shane. Kung nagbabasa din kayo ng Ikaw Lang at Wala ng iba by Sam_05_loza din makikilala niyo siya. Fashion designer siya pero gusto niya daw mag tayo ng bar. Just for fun lang daw. Kahit na soon to be sister in law ko siya, kailangan magbayad pa din daw ako kapag pupunta ako doon. Mahirap na daw ang magpalaki ng bata sa panahon ngayon gayong wala pa nga silang anak ni Kuya Shane.

Pinatay ko ang alarm clock ko at bumangon para maligo. Habang naliligo ako biglang pumasok sa isipan ko na yung Alumni Gathering which is bukas na. Kailangan pumunta dahil pupunta si Sophie. What the? Kelan ba ako magdedesisyon sa buhay ko na wala yung salitang “DAHIL KAY SOPHIE”. Mula ng dumating sa buhay ko ang babaeng yan nagkaganito na ako. Ano pa bang magagawa ko?

Nasabi ko na ba sa inyo na hawak ng Pamilya ni Sophie ang isa sa pinaka malakas na company namin? Well, dating malakas na ngayon ay nanganganib na. Kumapit lang ako sa patalim kaya eto halos papunta na ako sa impyerno. Si Sophie ang impyerno. Naaawa na kasi ako kay Kuya Shane na nagiisang nagmamanage ng company na naiwan nila Dad.

Tama na nga ang mga problemang yan. Basta after kong makuha lahat ng kailangan ko kay Sophie I’ll file an annulment. Wala na akong pakielam sa sasabihin ng karamihan.

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon