/A&M Ika-22/

230 4 1
                                    

A/N

Ito na ang chapter 22. :D Enjoy!

Ganda ng FF6! Ahihihii!

COMMENT BELOW!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

“Pero Mel…”

(Oh! No! NO! NO! NO! Hindi puwede! IKABUWANAN mo na ate tigilan mo ako, mamaya dito ka pa sa kusina manganak.)

Umagang-umaga nag-aaway kami ni Mel. Simula nang magstart ang pang 9th month ng pagbubuntis ko hindi na ako pinapayagan ngayon ni Mel na pumasok ng resto. Dito na lang daw ako sa bahay. Natatakot din naman akong manganak sa kung saan-saan, ang kaso nasanay talaga ang katawan ko na gumagalaw. Araw-araw ko nang nilinis ang bahay pero nabobored ako.

“Bored na ako.”

(Aish! Manuod ka nang kahit na ano diyan sa bahay mo. Uso internet ateng. Mamaya dadaan ako diyan. Ipagluluto kita, ano bang gusto mo?)

“The usual.”

(Okay. Bye na madaming costumers.)

“Bye.”

Hayst! Alas tres na nang hapon. Gagawa na lang muna ako ng merienda.

Habang gumagawa ako ng merienda, binuksan ko ang T.V, para naman may maingay dito sa bahay.

“Xander Valdez at Sophie Montenegro, ikinasal na. Iilan lamang ang dumalo sa kasal ng mag-asawang Valdez, dahil sa kagustuhan na din ng groom. Hangga’t maaari ay gusto nilang maging pribado ang okasyon na ito….”

Oo nga pala, kagabi ang kasal nilang dalawa. Ibinigay sa’kin ni Mel ang invitation nitong huling linggo ng September. At expected hindi ako pumunta.  Si Mel at Yvonne at si Alex pumunta. Hindi ko alam kung anong sinabi nilang dahilan kay Xander kung bakit hindi ako makakapunta. May tiwala naman ako sa kanila eh.

Nagpatuloy na lang ako sa paggawa ng merienda. Inilipat ko na din ang channel sa ibang estasyon. Ayoko nang makarinig pa ng kahit ano tungkol sa kasal nila. Buti nga’t hindi na nagkwento sila Mel nang kung anu-ano, mabuti na lang talaga.

After 30 minutes, natapos na ako sa paggawa nang merienda ko. Uupo na sana ako sa sofa nang biglang…

DING DONG!

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ko kung sino ang nandoon.

And when I open the door I was shocked.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Xander’s POV

When she opened the door, she was shocked. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Galit? Malungkot? Naiinis? Walang makikitang bahid ng tuwa sa mukha niya. Hindi na ako nagulat, alam ko na naman ‘to mula pa noong una.

“What the?” she says, nanlalaki pa din ang mga mata.

I walk inside at inilagay ang papers sa may center table.

I heard footsteps approaching my location.

“Really Xander?”

 Tumingin ako sa kanya pero agad akong umiwas. Umiling ako at umupo sa sofa. Binuksan ko ang T.V. And as expected, tungkol sa’min ang balita. Kagabi pa ‘yan, hindi ba sila nagsasawa? Hindi naman kami mga celebrities para pag-usapan ng matagal. Recently lang ako naging kilala, but that’s not a big deal.

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon