/A&M Ika-24/

220 2 2
                                        

A/N

Hihihi! Dahil masaya ako at maganda ang pagkakagawa ko sa schedule ko for this term. Napa-UD ako. :D Ahihi!

Hope you enjoy guys, sana makapag-UD ako kahit isa pa this week. Next week pasukan na eh. Kayo ba? Kailan pasukan niyo? :D Aral mabuti ah!

COMMENT BELOW!

Thank you for reading! God bless!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

/A&M Ika-24/

Nabitawan ko bigla ang hawak kong bag, dahilan para mapatingin siya sa’kin. Wala akong nababasang ekspresyon sa mukha niya. Napako ako sa kinatatayuan ko. Umalis lang ako ganito na ang madadatnan ko dito? Nasan si Mel?

“Gabi na ah? Bakit ngayon ka lang?” I could hear ang pag-aalala sa tono niya. Baka guni-guni ko lang ‘yon.

“B-bakit karga karga mo si Eugene?”

Tumingin siya sa bata at napangiti, “Nasa kusina kasi sila Mel. May inaayos.”

He’s smiling at him. I know it would come but I didn’t expect it so soon. Bakit hindi man lang nag-text sa’kin si Mel na alam na ni Xander?

Pero kung alam niya na bakit hindi niya ako sinusumbatan? Bakit wala akong naririnig sa kanya na reklamo? Ganoon na lang ba kadali sa kanya ang lahat?

“Rose?!!” narinig kong sabi ni Mel pero hindi ko siya nilingon. “Kanina ka pa ba nakadating?”

“Ngayon ngayon lang.” seryosong sabi ko.

“Mikay! Kunin mo na ang anak mo. Bilis.” Utos ni Mel kay Mikay.

Napakunot ako sa sinabi ni Mel.

Nakita ko nanag dali-dali si Mikay na kinuha ‘yong anak ko.

“Pasensya na Sir Xander. Natagalan kami.” Sabi niya.

“Okay lang.” hinawakan pa niya ‘yong paa noong bata. As if he wanted to be with him. “Mauuna na ako. Sige, Mel.”

“Ingat.” Sabi ni Mel.

“Una na ako, Rose.” Sabi niya habang tinatapik yung balikat ko.

“Sige. Ingat ka sa pag-uwi.”

And with that lumabas na siya nang opisina.

Tinanaw ko siya hanggang sa makaalis na ‘yong sasakyan niya.

Humarap na ako kayla Mel at kinuha na kay Mikay si Eugene.

“Care to explain?”

“Unexpected mo pa ma’am.” Sabi ni Mikay.

“Oo nga, Rose. Noong umalis ka papuntang botika siya namang pagdating ni Xander. Wala na akong maisip na magandang palusot noong makita niya akong hawak ko si Eugene. Sinabi ko na lang na anak iyan ni Mikay.” Sabi niya na para bang kakainin ko siya nang buhay sa bilis nang pagpapaliwanag niya.

“Kaya pala.” Hinaplos haplos ko ang likod nang anak ko.

“Hayst! Akala ko naman magiging Monster ka na diyan.” Sabay umupo si Mel sa couch.

“Thank you sa inyo.” Matipid akong ngumiti sa kanila.

“Wala po iyon Ma’am.” Ngumiti din sa’kin si Mikay.

“Don’t mention it. Tara na hahatid ko na kayo. Nakakaloka ang araw na ‘to ah?!”

----------------------------------------------------------------------------

Inihiga ko na agad si Eugene sa kama pagkahatid ni Mel sa’min.

Mukhang mas pagod na pagod kaysa sa’kin ang anak ko ah? Ang himbing nang tulog. Ang peaceful lang tingnan, nakakawala nang stress nang pagod.

I caress his hands nang biglang pumasok sa’kin ang imahe ni Xander, habang karga-karga ang anak ko.

Hindi ko ipagkakaila na natuwa ako sa nakita ko kahit nangibabaw ang takot at kaba. Pero paano nga ba kung dumating ‘yong panahon na malaman na ni Xander ang lahat? Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kanya? Ano na lang ang mga katangahang idadahilan ko sa kanya? Dadating ang panahon na itatanong niya sa’kin, Bakit mo sa’kin ipinagkait ang anak ko? Ano ang isasagot mo diyan Rose?

Alam ko masasaktan siya. Alam ko mabibigla siya kung malalaman niya ang katotohanan. Pero ayoko ding dumating ang mga sandaling ayawan ako nang anak ko dahil sa isang maling desisyon. Lalaki si Eugene, magkaka-isip. Lalawak ang kuryusidad, magtatanong nang mga bagay bagay, at ano ang gagawin ko? Magsisinungaling? Gagawa nang kwento? Mabubuhay siya sa mga kwentong hindi naman talaga nangyare?

Naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung ano ang dapat gawin. Nakita ko kanina kung gaano kagaan nang pakiramdam ni Xander sa anak namin habang hawak hawak niya si Eugene. Hindi ba’t iyon naman talaga ang gusto mong mangyari, Rose? Ang mabigyan nang masayang pamilya si Eugene? Ang may kilalain siyang tatay, na didisiplina sa kanya, na magtuturo sa kanya nang mga dapat niyang malaman? Dahil alam mo sa sarili mo Rose na hindi ka sapat sa paglaki nang anak mo.

Pero paano kayo magiging masaya kung kumplikado pa ang lahat? Paano mo maibibigay ang lahat nang iyon kay Eugene kung hindi pa umaayon ang tadhana sa mga nagiging desisyon mo? No, wala ka pang ginagawang desisyon, hindi ka pa nakakapag-isip kung ano ang tama. Magulo.. magulo pa ang lahat.

Napaluha ako sa naiisip ko.

Hinalikan ko ang hawak hawak kong kamay nang anak ko. “Eugene, baby. Patawarin mo si Mommy ah? Hindi pa kasi alam ni Mommy kung ano ang dapat gawin. Ngayon pa lang humihingi na ako sa’yo nang tawad, baby. Hindi mo naman iiwan si Mommy kahit anong maging kalabasan nang lahat nang ito diba?” lalo akong naiyak sa huling sinabi ko.

Ayoko. Hindi ko hahayaang mawala sa’kin ang anak ko. Wala namang kukuha sa kanya. Kung ipagpilitan ni Xander na kunin siya sa’kin, sa korte kami maghaharap. Hindi ko hahayaan na makuha na lang niya basta basta ang anak ko.

-------------------------------------------------------------------------------------

Xander’s POV

Eugene.

Ano bang meron sa batang iyon? Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga mata niya. Parang nakita ko na dati ang mga ‘yon.

Mag-concentrate ka na lang, Xander sa pagmamaneho.

Pero hindi… ang alam ko nakita ko na ang mga pares nang mga matang iyon.

Kanina habang nilalaro ko siya, nararamdaman ko ‘yong saya na nararamdaman niya. Kada maririnig ko ang mga hagikgik niya, nawawala ang pagod ko. It just feels like home. Sobrang nakakagaan nang pakiramdam ‘yong bata. There’s something in him na meron din ako. Parang may kumukunekta sa’ming dalawa. Isang napakahigpit na tali…

Hindi kaya?

No.. Malabo iyon. Ngayon ko lang nakita si Mikay.

Marahil ganoon lang talaga kapag mga bata. Ganoon naman talaga diba? Nakakatanggal sila nang stress?

Ngayon pa lang namimiss ko na si Eugene. I never played with kids before, because I got irritate easily. Maybe there’s something special in him. Yeah.. I think so.

Abangan ang susunod na kabanata…

Written by: bunnybatchieee

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon