A/N
Hi guys! Ito na 'yong update ko. Super sorry kung ngayon lang, nagkalagnat kasi ako ng katakot-takot eh. :D
Sa Thursday na agad ang pasukan namin :'(
Ahuhu! Nakaplano na lahat eh! Peste lang talaga ang lagnat ko.
hindi ko alam kung kailan ang next update ko.
Ayun! Enjoy reading.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mong 'yan?" tanong sa'kin ni Mel, karga-karga niya ang natutulog na anak ko sa may bukana ng pintuan ng opisina.
Huminga ako ng malalim bago itago 'yong kahuli-hulihang papel na hawak ko, "Mas maigi na din 'to. Lumilipas ang panahon, palaki na ng palaki si Eugene. Hindi naman puwedeng habang buhay na itago ko kay Xander ang karapatan niyang maging ama sa anak namin."
"Hmm... pero aminin mo girl. Hoping ka pa din ano?"
"Hindi ah? Okay na akong sa bata na lang ang atensyon niya."
"Sige. Sabi mo 'yan eh. Lumayas na nga kayo at baka hindi niyo pa maabutan ni Xander."
Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng unang dalaw dito ni Sophie. Napapadalas na nga ang dalaw niya. May mga pasalubong siya para kay Eugene. Medyo close na din sila ni Mel, syempre hindi nawawala 'yong okrayan. Napag isip-isip ko din sa dalawang linggo na 'yon na kailangan na nga talagang sabihin kay Xander ang tungkol kay Eugene. Mahirap ang magdesisyon ng katulad nito. Pero gaya nga ng sabi nila hindi naman ganoong klase ng tao si Xander, gaya ng iniisip ko.
Kinuha ko 'yong shoulder bag ko.
"Basta kapag nagkaproblema, tawagan mo agad ako. To the rescue ako. Okie?!"
"Opo, inay."
Bago pa man kami makalabas ng tuluyan sa opisina, biglang dumating si Mikay. "Ma'am may tao po sa labas, gusto daw po kayong makausap."
"Sinetchiwa?" tanong ni Mel.
"Mr. Monetenegro daw po. Hinahanap ka Ma'am Rose." sabi ni Mikay.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Anong ginagawa niya dito?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mel.
Iniwan ko si Mel sa may pintuan, hawak hawak pa din si Eugene.
Nakita kong nakaupo ang isang ay edad na lalaki sa may bandang dulo ng restaurant. May hawak-hawak siyang kulay itim na baston, at may dalawang body guard na nakabantay. Maging sa labas ng restaurant maraming nakabantay na mga lalaking nakaitim.
Agad akong nagpunta sa kinaroroonan ng matanda.
"G-good afternoon po. A-ano pong kailangan nila?"
Dahan dahan siyang tumingin sa'kin. Ibinaba niya 'yong sout niyang eyeglasses at sinuri ako, atsaka muling ibinalik ang salamin sa mata, "Ikaw ba si Rose Arellano?"
"Opo, ako nga po. Bakit ho?"
"So, ikaw pala ang nabuntis ng magaling na si Xander Valdez."
Napalunok ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol dito? HIndi kaya sinabi ni Sophie? Hindi, siya pa nga ang nagsabi sa'kin na wag na wag kong sasabihn sa iba, dahil kapag nalaman ito ng media at nakarating sa kanyang ama, mas mananagot kaming dalawa ng anak ko.
Hindi ako umiimik. Nakikipagsukatan lang ako sa kanya ng tingin. Hindi din ako makakibo sa mga titig niya.
"I know, you do know that adultery is a crime." tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Nagpunta ako dito para sabihin sa'yong may warning ka na Ms. Arellano. Dahil sa ginawa niyo, masisira ang pangalan ni Mr. Valdez. Magiging kawawa ang anak ko sa mata ng lahat ng tao. At 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari."
Naglakad na siya papunta sa may pintuan ng restaurant. Ipinagbukas pa siya ng isang bodyguard niya.
"Kapag dumating ang panahon, wag mo akong sisisihin sa mga mali mong desisyon. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang nasa larong 'to." sinabi niya bago siya umalis.
Pagka-alis na pagka-alis ng sasakyan nila siya namang lapit sa'kin ni Mel.
"Bakla! Anong sabi ng matandang hukluban ng mga langka?"
"Si Eugene?" tanong ko sa kanya.
Nagulat naman siya sa pagkakasabi ko sa pangalan ng anak ko. Alam kong nababasa niya kung anong nasa isip ko.
"Mel! Si Eugene!!!"
"Narinig mo siya kanina, Rose."
"Wala akong pakielam. Hindi ako natatakot sa kanya." naglakad ako papuntang opisina.
"Hindi daw, eh para ka na ngang tuod diyan kanina habang nagbibitaw ng sumpa yung matandang 'yon, tapos sasabihin mo sa'kin na hindi ka natatakot? Utong mo!!"
Nakita ko sa may cashier si Mikay, hawak si Eugene.
Agad ko naman kinuha kahit bakas na bakas ang hesitation kay Mikay.
"Rose, wag mo na ituloy please?" sabi sa'kin ni Mel habang habol habol ako sa sasakyan.
Agad akong pumasok, at pinaandar, hindi alintana ang pangangatok sa'kin ni Mel.
Sinong takot sa matandang 'yon? Sino siya para katakutan? Wala akong pakielam sa mga gagawin niya. Buo na ang desisyon kong sabihin kay Xander ang lahat lahat.
Pero bakit ganoon? Nakakaramdam ako ng sobrang bilis na pagtibok ng puso? Kinakabahan ako. Natatakot? Hindi... hindi.. naguguluhan lang ako sa mga nangyayari. Masyadong mabilis. Masyadong nabibigla.
Pagkapark ko, umakyat na ako kaagad sa floor kung nasan ang condo ni Xander. Since dati akong nakatira dito, hindi na ako sinita noong guard, kilala naman niya kasi ako. Nagulat lang siya kung bakit ako may dalang bata.
Nagdoorbell ako pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng pintuan.
Tumagal ng ilang minuto bago bumukas.
Narinig ko ang pagclick ng pintuan., sabay bukas.
Bago pa man siya makapagsalita, pumasok na ako sa loob.
"Rose, anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong niya sa'kin.
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Xander, anak mo si Eugene."
Abangan ang susunod na kabanata...
Written by: bunnybatchieee

BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Fiksi RemajaKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...