A/N
HELLOOOOOOOOOOOO!
Pasensya na at sobrang tagal ng update.Suuuuuuper busy lang talaga :D
Here's an update!
I hope you like it!
COMMENT BELOW!
God bless you all :*
----------------------------------------------------------------------------------------
Rose's POV
Lunch break time na ngayon, at buti na lang wala masyadong costumer. Mga ganitong oras kasi puno ang resto, hindi na makaupo 'yong ibang pumupunta. 'Yong iba naman nagpapareserve na slot ng maaga para hindi sila maubusan.
Habang pinapapakain ko si Eugene, oo kumakain na siya. Kaso lugaw pa lang ang pinapakain ko sa kanya kasi hindi pa siya marunong ngumuya. Malapit na mag-isang taon ang baby ko. Ang bilis ng panahon. At onti-onti na siyang nakakabanggit ng Mommy. Tinuturuan kasi siya ni Mel. Habang pinakain ko ang anak ko, biglang may dumating na itim na sasakyan. Nagulat ako sa bumaba.
Bakit ba ako kinakabahan kapag nakikita siya?
"Hi, Rose." nakangiting sabi niya sa'kin pagkapasok niya sa restaurant. Pinagtitinginan pa nga siya ng ibang costumers.
"Hello." matipid na sabi ko.
Umupo siya sa tapat ko habang nakangiti ng malaki.
"Anak mo?" tanong niya sa'kin, sabay patong ng mga braso sa lamesa.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Natatakot akong sabihin ang totoo dahil baka makarating kay Xander. Gusto ko sa'kin mismo manggaling ang tungkol kay Eugene. Hindi ko naman gustong ilihim ang tungkol sa anak namin habang buhay, kumukuha lang ako ng sapat na lakas ng loob at tamang panahon para magtapat. Kaso di pa nabibigay 'yon.
"Sophie!!!!" narinig ko si Mel bago pa ako makapagsalita, papalapit siya sa'min. "Long time no see ah? Akala ko patay ka na!!! Buti akala lang 'yon."
Nakita kong sumama ang timpla ng aura ni Sophie sa sinabing 'yon ni Mel.
"Puwede ba, Mel. Hindi ikaw ang pinunta ko dito." inirapan niya si Mel.
"Sus! Miss mo lang ako eh." tapos umupo siya sa may tabi ni Sophie. "Aminin mo na."
Pareho kaming nagulat ni Sophie sa tono ng boses ni Mel. Biglang naging malaki at malalim.
Nang dahil sa tawa ni Eugene bumalik kami sa reyalidad.
"LUBAYAN MO NGA AKO! And don't use that tone never ever again!!!" nakakunot noong sabi ni Mel.
"Bakit?" in his manly voice, "Gwapo naman ang boses ko ah?"
HIndi ko mapigilan ang mapahagikgik sa ginagawang kalokohan ni Mel. Naloloka ako sa pangtitrip niya kay Sophie.
"Ewan ko sa'yo. Anyway, Rose.. ano na? You aren't answering my question."
Naging seryoso ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako kay Mel, alam kong narinig niya 'yong tanong sa'kin ni Sophie dahil nasa may counter lang siya.
"Nagugutom ka ba, Sophie? Gusto mo ipagluto kita?! May lason nga lang."
Hindi pinansin ni Sophie si Mel, imbis mas lalo niyang nilapadan 'yong ngiti niya sa'kin.
Pakiramdam ko, she know much.
"Mel, iwan mo muna kami ni Sophie."
"And huwhy?!!!!!"
"Basta!" tinaasan ko siya ng kilay.
Inirapan pa niya ako bago tuluyang umalis. Mamaya na lang ako magpapaliwanag sa kanya.
"May nalalaman ka ba?" diniretsa ko na siya. Doon din naman ang punta patatagalin ko pa.
She sigh bago ipinatong ang dalawang braso sa lamesa. "Anak ba ni Xander iyang batang iyan?"
Hindi na ako nagulat sa tanong niya.
Tumingin ako kay Eugene na busy sa pagkain noong nasa bibig niya.
"Tanga man si Xander, pero wag mo ako ibahin."
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Iniisip ko na lang, andito na naman. Alam na niya, sagadin na.
"Wala na akong pakielam kung sabihin mo man sa kanya Sophie. Tatanggapin ko kahit anong panunumbat ang ibigay niya sa'kin. Sige! Gawin mong instrumento ang anak ko ng paghihiganti mo. Handa akong harapin 'yon."
Nagulat ko siya sa sinabi ko. Bakit ganiyan ang reaksyon niya?
"Are you nuts? Hindi ako baliw para gawin 'yon! Ayoko nang idamay ang cute na baby na 'yan!"
This time ako ang nagulat sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Well... wala akong pakielam kung anak niyo 'yan ni Xander. Hindi ko naman gustong magkaanak kami, never may nangyari sa'min. Masabing mag-asawa lang kami sa harap ng media."
Nadagdagan ang gulat ko sa mga sinabi niya. Totoo ba 'yon? Bakit walang nangyayari sa kanila? Kasal naman sila? As in never pa silang nag-chorvahan?
"Alam ko iniisip mo. Oo, never. At ayoko ngang makipag-sex sa kanya. Hindi pa ako ready maging nanay, gusto ko pa maging dalaga."
Tumango-tango na lang ako. Natanggalan ako ng tinik sa dibdib. Mali pala ang iniisip ko kay Sophie. Ano kayang klaseng untog ang nangyare dito?
"Gusto ko na ng pagbabago. Nakakasawa na din kasi ang maging kontrabida. Wala din namang nakukuha na maganda. Magpakabait na lang." ngumiti siya sa'kin. Nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya. Nakikita kong gusto niya talaga ang ginagawa niya. And I'm so happy for her.
"What's his name?"
"Eugene."
"That's a cool name. Puwede ko ba siyang buhatin?"
Ngumiti ako sa kanya bago tumayo. Tumayo din siya pagkalapit ko, inabot ko sa kanya si Eugene. Medyo nababahala siya, bakas sa mukha niya, na buhatin si Eugene. Inalalayan ko siya, hanggang sa makuha niya ang tamang pagkarga sa bata.
Natutuwa siya kay Eugene. Halos hindi na nga niya bitawan simula ng makarga niya. Nag-usap pa kami, nag-kuwento siya ng mga nangyare sa kanya nitong mga nakaraang taon. How she survive things before. Namangha ako sa kanya, she stand still no matter what.
We kisses our good byes.
"Grabe! Bumait na talaga siya?" bulong sa'kin ni Mel habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Sophie.
Ngumiti ako sa kanya, "May mga tao lang talaga na marunong gumamit ng second chance."
Tinaasan niya ako ng kilay, "Ewan ko sa inyo!"
Abangan ang susunod na kabanata...
Written by: bunnybatchieee

BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Ficção AdolescenteKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...