A/N
Hi everyone..
Ilang chapters na lang malapit ng matapos ang kuwentong ito. YEHEY!
By the end of the last chapter magbibigay ako ng sneak peek sa Veintiuno. Sana suportahan niyo 'yong next story ko gaya ng pag-suporta dito sa Alien and Monster, In Love! :D And I'm planning the story I'm writing this past few days. I'll post it soon.
Ang dami kong sinasabi hehe!
And I'm sorry for the late upload/update at short update. I'm trying my best para matapos ko po ito ng maayos at maging maayos ang grades ko at the same time :D Sana po maintindihan niyo po ako. Maraming salamat po. :) <3
Don't forget to leave a COMMENT BELOW!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
/A&M Ika-32/
Hindi ko alam kung ano itong reaksyon na ibinigay niya sa'kin. Oo, nahalata kong nagulat siya sa una pero agad na nagbago 'yon. He smiles without showing his teeth at napailing-iling siya. Hindi ito ang inexpect kong reaksyon na magmumula sa kanya. Inaasahan ko na manlalaki ang mga mata niya at hindi makapagsasalita sa malalaman niya. Pero mukhang sa'kin napunta ang dapat na reaksyon na para sa kanya.
"Nice acting, Rose? What's up with you at bigla bigla ka na lang nagsasabi ng ganyan? Don't joke around." natatawang sabi niya.
Nag-iinit ang tenga ko sa hiya at sa galit. Mukha ba akong nagbibiro? Lintik.
"Gago ka Xander! Anong akala mo sa'kin? Kahit kailan pagdating sa anak ko hindi ko kayang magloko. Ngayon, kung ayaw mo maniwala, bahala ka na sa buhay. PESTE KA!"
Akmang aalis na ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Umupo ka nga muna at kumalma." hinila niya ako papunta sa sofa. "Ipaliwanag mo nga sa'kin ang lahat. 'Yong TOTOO ang gusto kong malaman. Mukha kasing isang malaking joke 'yang mukha mo."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Nag-umpisa na akong magpaliwanag. Na nung gabi ngang 'yon na may nangyari sa'min may nabuo din. At si Eugene 'yon. Kinuwento ko ang lahat lahat na ginawa kong pagtatago ko sa kanya ng anak namin. Ang mga dahilan ko bakit at kung bakit ngayon ay sinabi ko ito lahat sa kanya.
Tahimik lang siyang nakupo at nakikinig sa'kin. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya nagtatanong hinahayaan niya lang akong magpaliwanag.
"I'm really sorry, Xander. For keeping it all." naluluha na ako. Ngayon sumasabog na sa'kin ang konsensya ko.
Hinawakan niya ang kamay ko pati ang kamay ni Eugene na tulog na tulog. Hindi siya tumitingin sa'kin, kay Eugene lang.
Paano ko 'to nagawa sa kanya? Bakit ko nilayo ang karapatan niya kay Eugene? Paano ko naiisip ang mga masasamanag bagay towards him? I'm unbelievable.
Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.
Naramdaman kong may pumahid sa pisngi ko. Nakita kong nakatingin na sa'kin si Xander. Hindi ko mabakas ang lungkot, galit o kung ano pa man s amukha niya. Masaya pa ang aura niya. Kakaiba. Sobrang kakaiba. Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"Naiintindihan kita. H'wag ka ng umiyak." pinahid niya ulit 'yong luhang tumulo sa mata ko. "Naiintindihan kong natatakot ka lang. All I need to say is... right now, you don't have to. Hindi ako tatakbo sa responsibilidad sa anak natin."
Tumingin ulit siya sa natutulog na si Eugene at ngumiti. "Tatay na pala ako, hindi ko pa alam." hindi mawala ang ngiti niya sa mga labi niya.
"I'm sorry."
"No need to say that. Wala kang ginawang kasalanan." huminga siya ng malalim. "Kailangan ko pa lang makahabol sa pagpapalaki sa batang ito."
Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya.
Gusto ko ang nakikita ko. Ang dating ayoko gawin ngayon ikinatutuwa ko. Hindi lang ako kung hindi pati si Xander. Hindi na ako naghahangad pa na pakasalan ako ni Xander. Ang tanging hiling ko lang ay makilala ni Eugene ang tatay niya at maging isang magandang ehemplo sa kanya. Sana lumaki din si Eugene na kasing understanding ng tatay niya. Huwag na lang sana niya mamana ang kasungitan.
Magsasalita pa sana ako ulit ng biglang bumukas ang pintuan, si Sophie.
"We're in big trouble." sabi niya sa'min.
Written by:
bunnybatchieee

BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
JugendliteraturKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...