/A&M Ika-23/

215 2 2
                                    

A/N

Here's the update. hopefully bukas makapag-update din ako :D

COMMENT BELOW!

Thank you and God bless.

----------------------------------------------------------------------------------------------

/A&M Ika-23/

After 5 months…

Busy ako dito sa kusina para tulungan ang mga chef dito.

Habang patagal nang patagal lalong nakikilala ang RAWR, sobrang saya ko naman.

Simula nang dumating sa buhay ko si Eugene, mas lalong gumanda ang kapalaran ko. Umaayon siya sa nais ko. sana magtuloy tuloy na siya. Ang baby ko ang naging lucky charm ko. sa tuwing makikita ko siya kahit sobrang pagod ako sa araw-araw na ginagawa ko, nawawala ang lahat nang ‘yon. Kahit na lagi akong napupuyat dahil sa pag-aalaga sa kanya, baliwala lang sa’kin. Sa kanya na lang ako humuhugot nang lakas para mas maging matatag sa araw-araw.

Eugene is the best gift that I have receive from God. And I wouldn’t regret about this.

“Ma’am, si Eugene po umiiyak.” Sabi sa’kin nang Manager ko.

Ipanasa ko na kaagad ang ginagawa ko sa chef na katabi ko. Iseserve na lang naman iyon.

Dumiretso agad ako sa opisina at pinuntahan ang anak ko. Naabutan ko siyang malakas na umiiyak sa kanyang crib.

“Ooohh.. baby nandito na si Mommy. Wag na pong umiyak.” Sabi ko habang dahan-dahan ko siyang kinukuha. “Ang gwapo nang baby ko. Tahan na po. Gutom ka na ba, baby?”

Umiyak siya lalo nang malakas.

Umupo na ako sa office chair at tinanggal ang butones nang polo ko. I prefer breast feeding dahil mas masustansya ‘to kesa sa mga formula. Kaya gabi-gabi, lagi akong kumakain nang nilagang gulay na may malunggay, para mas dumami ‘yong gatas ko.

HIaplos haplos ko ang bunbunan nang anak ko pagkahupa nang iyak niya.

“Mukhang gutom na gutom ang baby ko ah? Sorry busy lang si Mommy sa kitchen.” Hinalikan ko ang noo niya.

Nasa kalagitnaan ako nang pagpapadede sa anak ko nang biglang may magring ‘yong telepono.

“Good evening, RAWR Restaurant. How may I help you?”

(Taray ni Ateng! Nagpapasuso ka na naman ba nang junakis mo?)

“Mel, pumunta ka na dito. Ang daming costumers, wala ka naman atang ginagawa diyan.”

(Ito na nga paalis na nga nang resto. Susme! Kakatapos ko lang sa napakadaming tao, tapos diyan naman. May balak ka bang patayin ako.)

“Magaling kasi tayong partners.”

(Eeew! Bakit ang pangit kapag ikaw nagsasabi niyan?)

“Ewan ko sa’yo, puwede pakibilisan na?”

(Ok ok, pakisabi kay Eugene wag siyang matutulog ihahagis ko pa siya mamaya.)

Ibinaba ko na ‘yong telepono.

Simula noong ipinanganak ko si Eugene, lagi na kaming hated sundo niyang si Mel. Mukha tuloy siyang asawa ko. Kaso bading na bading talaga. I wonder kung may pag-asa pa ba siyang maging straight. Sayang pa naman ang kagwapuhan niya. Pero wala na tayong magagawa, bumaliko na ang pagkalalaki niya.

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon