/A&M Ika-27/

207 3 3
                                    

A/N

I dedicate this chapter to her, kasi ang sipag niya magcomment kada may update ako. HIHIHI! Thank you so much :*

HAPPY FATHER's DAY sa inyong mga tatay, papa, daddy o kung ano pa man ang tawag niyo sa kanila. Sana, nafiffeel ko din ang ganitong mga eksena. :D

Ayan! Sobrang busy na ako. Hindi ko po sure kung makakapag-UD ako sa susunod na Sunday. Siguro, kapag nagka-oras na ulit ako.

I hope you enjoy this chapter. :D

COMMENT BELOW!

God bless you all. TC :*

---------------------------------------------------------------------------------------

/A&M Ika-27/

Sophie’s POV

Nandito ako sa Mall para mamili nang mga damit. Nakakasawa na ‘yong mga damit na binili ko last week. Wala namang mapili nang damit dito. Matry nga sa Department Store, kaso ang ewwie nang mga damit doon. What the heck! Baka nandoon pala ang magagandang damit.

Pumunta ako nang department store. Sumakay ako nang escalator, kaso katangahan nang escalator na ‘to sa Baby Clothes ako dinala. Kailangan ko pa maglakad sa kabilang dulo para sa women clothes.

I was to make my step nang bigla nahagip ang mga mata ko.

I step forward, para naman mas makita ko kung tama nga ang kutob ko. It was Rose, and she’s carrying a baby. A baby boy. I bet mga nasa 7 months na ‘yong baby. Medyo malaki na ‘yong baby. May asawa na pala siya? Hindi ko akalain na may magkakamali sa kanya.

I look around kung meron siyang kasama. I guess wala naman.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

“Hi, Rose.” I smile at her.

Paglingon niya sa’kin, halata ang pagkagulat sa kanya. bakit naman biglang namutla ang babaeng ‘to? Hindi ko naman siya aanuhin.

“Anong ginagawa mo dito, Sophie?” kinakabahang tanong niya sa’kin.

“Malamang sa malamang nagsha-shopping ako.”

Nakatingin lang siya sa’kin ng seryoso. Totoo naman ang sinasabi ko ah?

“May asawa ka na pala? Hindi mo man lang kami inimbitahan sa kasal mo.”

“Aalis na ako, Sophie.” Pero bago pa siya makaalis hinarangan ko na siya.

“Bakit aalis ka na kaagad?”

“Nakalimutan kong kailangan pa pala ako sa restaurant.”

Then I heard the child giggle. He’s currently sucking his thumb. In fairness cute ang baby ni Rose. Wait, is that Xander’s eyes? Bakit kahawig na kahawig?

“Aaahh.. ganun ba?” tumabi ako nang konti para makadaan na siya. “Ingat.”

Nagmadali na siyang umalis sa harap ko.

That was weird, hindi ako nagkakamaling kaparehas na kaparehas nang batang iyon ang mga mata ni Xander. Pero napaka-imposibleng si Xander ang ama nang batang iyon. Inasawa na ‘non ang trabaho niya.

------------------------------------------------------------------------------

Rose’s POV

Pagpasok na pagpasok ko sa restaurant, kung saan laging nandoon si Mel, dumiretso ako sa office niya.

Nagulat pa siya ng makita ako, pagbukas nang pintuan.

“Anong ginagawa mo dito, Rose?” nakakunot noong tanong niya.

“Iyan din ang tanong ko sa kanya.” natatarantang sabi ko.

“Huh? Anong pinagsasabi mo?” lumapit siya sa’kin at kinuha si Eugene. “Hi baby Eugene, namiss ka ni Tita Mel. Alam mo ba ‘yon?”

“Nakita niya kami kanina, Mel!!!!!”

Nagulat silang pareho ni Eugene sa sigaw ko, kaya umiyak ang anak ko.

“Ano bang nangyayare sa’yo, Rose? Wag kang sumigaw tinatakot mo ‘yong bata eh.”

“Si Sophie, nakita niya kami kanina ni Eugene sa Dept. Store. Nakita niya si Eugene--”

“Hep! Hep!! Hinay hinay lang. Wag kang mataranta, kumalma ka nga?” umupo siya sa upuan niya, “Tahan na baby Eugene. Tahan na.”

“Anong gagawin ko Mel?!”

“Ano ba kasing nangyare?”

Kinuwento ko ‘yong kanina sa Mall. Pero mukhang hindi naman siya nag-aalala.

 “Nataranta ka sa harap niya?” tanong niya sa’kin. Tumango ako sa kanya, “GAGA! Dapat hindi ka nagpakita nang ganun.”

“Paano na ‘yan?”

“Relax lang. ikaw naman kasi, nakita mo lang si Sophie naging ganyan ka na. Okay naman na diba? May balak ka na din namang sabihin kay Xander. Atsaka mukhang hindi naman nakahalata si Sophie eh.”

Nakuwento ko na din kasi kay Mel ‘yong tungkol sa sagot sa’kin ni Xander. Napagusapan namin na wag na ngang pataglin pa, sabihin na din kay Xander hangga’t maaga.

“Lumapit kasi siya sa’kin bigla. Nataranta ako bigla, wala na nagawa ko na.” kalmado kong sabi.

“Ikaw kasi, masyado kang natatakot sa babaeng ‘yon.” Nakita kong nakatulog na si Eugene.

Ano nga naman kung malaman ni Sophie ‘yong katotohanan?

----------------------------------------------------------------------

Xander’s POV

Busy ako  sa pagtingin nang stocks nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.

“Hello, husband.”

Tumingin ako sa kanya, may mga bitbit na naman siya sandamukal na paper bags.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa mga papel.

“What brought you here?” mahinang tanong ko.

“May itatanong lang sana ako.” Nang makalapit na siya sa harapan nang desk ko, sumandal ako sa upuan at inantay ang sasabihin niya. “May binuntisan ka ba?”

Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso.

Ano na naman kayang drama ito?

“Ano? Titigan mo na naman ako?” nakataas ang isang kilay niyang sabi.

Hindi pa din ako nagsalita.

I saw her smirk, “Baka hindi mo lang maalala. Anong gagawin mo kapag nalaman mong may anak ka?”

“Pagod ka lang sa pagsha-shopping, Sophie. Umuwi ka na.”

Walang salita-salita, umalis siya sa harapan ko. pero bago pa man niya mabuksan ang pintuan tumingin ulit siya sa’kin, “Pag-isipan mo ‘yang tanong ko. kung may anak ka…. Sa dating may gusto sa’yo? Anong gagawin nang isang Xander Valdez?”

And for the last time, I saw her smirk.

Abangan ang susunod na kabanata…

Written by: bunnybatchieee

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon