A/N
Haloooo! Hahaha! Ang aga ng UD ko for the next Chapter. Wala lang… makabawi man lang ako sa mga days na hindi ako makapag-UD. :D Unti-unti ng nagkakaroon ng plot sa utak ko, YES! Hahaha!
Nag-UD na din ako kasi baka mawala pa ‘tong naiisip ko. :D Kaya iyan! Napa-aga kahit gabing gabi na ang UD : ) And… hindi ko na alam ang next UD, siguro sa May 24 na hahaha! Bakasyon na kasi ‘non! At sana makapasa ako sa mga courses ko. Sana…
Bukas bibili na ako ng DNP book! YEHEY TO ME! LOL! :D Waley lang share lang. Ahohoho!
Buntis nga ba si Rose?! Uhm…. Tingnan natin! Hahaha!
Enjoy reading!
COMMENT BELOW!
God bless.
-------------------------------------------------------------------------
/A&M Ika-19/
“Positive.”
Nakita ko si Mel na napabuntong hininga.
“Bumili ka pa nga ng isa pang pregnancy test Mel. Baka niloloko lang ako nito.” Utos ko sa kanya.
“High ka ba?! Nakikita mo ba iyang nasa harapan mo? 20 na ang nagagamit mo, hindi ka naman nag-aaksaya ng pera. Atsaka hindi ka ba napapagod umihi? Buti may tubig pa iyang katawan mo. Hindi mo din ba napapansin na ang palot palot na dito?” sabay takip ng ilong niya.
“Anong gagawin ko?”
Kinuha niya ‘yong hawak kong pregnancy test at iniligay kasama pa noong iba pang pregnancy test kita na puro 2 lines ang lumabas.
“Kung hindi ka pa din naniniwala, magpa-check up ka sa doctor.” Mahinahong sabi niya.
I look at him, at nangungumbinsi ang mga mata niya. Tumango na lang ako.
The next thing I knew nakasakay na ako sa passenger seat ng sasakyan ni Mel. And we’re on our way to the hospital.
2 and a half months na ang nakakaraan mula noong bakasyon namin sa cruise ship ni Xander. 2 months na din ang nakalilipas mula nang may mangyari sa’ming dalawa. Palagi siyang tumatawag sa resto para kamustahin ako, ‘yon nga tungkol sa baby, kaso hindi ako ang kumakausap sa kanya si Mel. Ayoko kasi siyang kausapin, naiilang ako. Madalas kaming magkita sa gabi, dahil magkatapat lang ang condo unit namin. Kakamustahin niya lang ako at iyon nga sinasabi ko na walang sign of pregnancy, tapos balik na ulit sa kanya-kanyang gawi. Halos isang buwan siyang ganoon. Naiintindihan ko naman siya. Kilala ang pangalan niya sa industriya, kailangan pag-ingatan. After ‘non, di na ako nailing. Madalas na ulit kaming mag-usap ni Xander, parang noong bakasyon lang. Parang…kinalimutan na lang ang meron noon sa Greece.
Kaso nitong pumasok ang pangatlong buwan, madalas akong makaramdam ng hilo. Sa umaga sumusuka ako, kahit wala namang maisuka. At 2 months na akong delay, pero dahil masyado akong busy sa resto, since madaming costumers, hindi ko na napansin ‘yon.Naging phikan ako sa pagkain, gusto ko lahat ng ulam ko laging may raisins. At nitong umaga lang, nagsuka na naman ako. Nag-alala na ako, kaya nagpabili agad ako kay Mel ng pregnancy test kita, 20 kaagad. To make sure. At ito na nga, lahat positive. Ang kinatatakutan kong mangyare, dumating na.
“Rose halika na.” sabi ni Mel sa’kin. Nasa tapat na pala kami ng ospital.
Bigla akong nakaramdam ng pagdadalawang isip. Pero, sige na, andito na din lang naman kami.
Pumasok na kami at nagpa-asikaso ng check up for OB. Luckily, may available ngayong araw. Same things na ginagawa, mga medical procedures. Habang nag-iintay kami ni Mel ng resulta, bumalik na ulit ‘yong doctor.
“Congratulations, you’re 11 weeks pregnant. Better tell it to your husband.” At iyon na. sinampal na talaga sa’kin ang katotohanan. Hindi nagsisinungalang ang 20 pieces of pregnancy test kit. May bata sa sinapupunan ko. “Reresitahan kita ng mga vitamins na kailangan mo, wag din magttake ng medicines kung sakaling magka-lagnat ka. Magpahinga palagi, but make sure na you do some exercise na appropriate sa pagbubuntis mo. I advice to have a regular check up….”
Madami pang sinabi ang doctor pero hindi nag-sink in sa utak ko.
---------------------------------------------------------------------------------
Umupo ako sa sofa sa sofa sa office namin ni Mel sa resto. Kakagaling lang namin sa drugstore para bilhin ‘yong nireseta ng doctor.
“Ano balak mo ngayon?” sabi niya habang nakapamewang sa harap ko.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Kung sasabihin ko nab a kay Xander o hindi. Kanina ko pa din iniisip iyan. Paano kong sabihin ko sa kanya, ano gagawin niya? Ipapalaglag niya ba ‘to? NO! Hindi ako papayag, walang kasalanan ang bata sa katangahang nagawa namin. Paano kung hindi ko sabihin? Hindi din maaari, malalaman niya din. Katapat lang ng condo ko ang condo niya. Makikita niyang bumibilog ang tiyan ko. Isa na lang ang nakikita kong paraan.
“Lilipat na ulit ako sa bahay ko.”
Nakita kong kumunot ang noo ni Mel. “Are you nuts? Hindi mo sasabihin sa kanya?”
“Natatakot ako na … nab aka ipalaglag niya ‘yong bata.”
“Hindi tanga si Xander para ipagawa niya ‘yon sa’yo.”
“Hindi pa din tayo nakakasiguro.”
“Sigurado ka ba diyan sa magiging desisyon mo?”
Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko alam, hindi ko alam kung sigurado ba ako.
Tumango ako sa kanya.
“Ano pa nga ba magagawa ko?” umupo siya sa tapat ko. “Mas mabuting mga 11 ka na lang pumunta lagi dito sa resto, kung gusto mo tumulong. No buts…buntis ka.”
“Diba nga mas maganda daw sa buntis ang na-eexercise?”
“Oh! Dadahilan pa, saka na kapag lumaki na iyang tiyan mo.” Tumayo na siya. “Halika na maglilipat ka pa.”
“Aaah.. Mel? Pwedeng favor? Nagugutom kasi ako eh!”
Tumingin siya sa’kin, “Ano ba gusto mo?”
“Gusto ko sana ng adobo with raisins.”
Nakita kong umasim ang mukha niya. “Ang sakit niyo sa ulo mga buntis kayo.”
Abangan ang susunod na kabanata…
Written by: bunnybatchieee
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...