/A&M Ika-26/

210 3 2
                                        

A/N

Ngayon pa lang inaagahan ko na ang updates dahil for sure pagpatak nang next week, baka hindi na ako makapag-UD na naman. Mukhang sabay-sabay na ulit tayong mag-iintay nang term break namin para makapag-UD ako. :D Pero kapag nagka-free time ako maguupdate ako. :D I swear. :)

Here's the UD. Konti na lang at malapit na siya matapos. :D

COMMENT BELOW!

Thank you for reading and God bless us all.

------------------------------------------------------------------------------------------

/A&M Ika-26/

“Mel! Saan ko iiwan si Eugene?”

(Aba malay ko! Hindi mo ko na problema ang chikiting mong iyan.)

“Naman eh! Sinabi ko naman kasi sa’yo na ikaw na lang ang pumunta sa event na ‘to eh!”

(Wala eh. Ikaw na ang naka-usap noong parents. So, sorry?)

“I hate you.”

(Iwan mo na lang yang si batuta mo kayla Yvonne.)

“Wala si Yvonne. Nasa ibang bansa nga siya diba? Gawa noong sa trabaho niya.”

(Oo nga pala. No choice ka, isama mo iyang anak mo.)

“Naman eh! Papuntahin mo dito si Mikay.”

(Sira ka ba?! Edi walang nagbantay sa resto? Malulugi tayo.)

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko, “Bahala na nga mamaya.”

(Osige, bye na. madami din kaming ginagawa dito.)

Binabaan ko na siya nang cellphone.

Paano na ako nito mamaya? Wala naman akong mapag-iiwanan sa anak ko. hindi ko naman siya pwedeng iwan sa taga linis nang bahay na ‘to, mahirap nang magtiwala sa mga taong di mo kakilala.

Tiningnan ko ang anak ko na nilalaro ang hawak niyang damit.

Bahala na talaga…

-----------------------------------------

Habang busy ako sa pag-aayos nang lahat, nasa isang tabi lang si Eugene. Nilalaro minsan noong mga bata na kasama sa guest list o di kaya naman ay natutulog. Iiyak lang siya kapag nagugutom na. Napakabait talaga nang anak ko.

Mga bandang 5:00 p.m natapos lahat nang kailangang ayusin. Buti naman at sakto lang sa oras na target namin. Nagpalit na din ako nang damit, simpleng blue dress lang naman ang suot ko. Binihisan ko na din si Eugene nang panglakad, ang gwapo.

Saktong 6:30 nag-umpisa na ‘yong program. Ang ganda noong debutant.

Nang magsisimula na ‘yong kainan saka naman sumikal sa pagliligalig si Eugene. Hindi tumitigil sa kakaiyak. Pinapapainom ko nang formula pero ayaw tumahan.

“Baby, tahan na. ssshhhh!!! Ano bang gusto ni baby?”

“Uwaaaaah! Uwaaaaah!!!!”

“Eugene? Tigil na anak. Ano bang gusto?”

Ayaw pa din tumigil nang anak ko. Hinawakan ko naman kung mainit, hindi naman nilalagnat. Bakit kaya ‘to umiiyak nang ganito?

“May problema ba Rose?”

Nang marinig ko ‘yong boses na ‘yon naging bato ang buong katawan ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya.

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon