A/N
LAST CHAPTER!
You read it right, last chapter na po ito. :D
I will post the Epilogue next year, January. It will take long kasi I need to go on a vacation po. Marunong din po akong magbakasyon kasama ang mga mahal ko sa buhay. BWAHAHA! :D So for the meantime, since mahilig akong mangbitin, expected na bago magpasukan, basta January ipopost ko na din ang Epilogue ng story na ito. :)
Pasensya na kayo sa mga wrong grammar ah?! Hindi ko na kasi 'to binabasa eh! :D Atsaka kung maikli ang chapter na ito :) May epilogue pa naman eh! :)
OO NGA PO PALA! I have posted the Prologue of Veintiuno, feel free to read that story :D I will be posting the first chapter on January also. Para hindi naman masyadong ma-spoil ang Epilogue ng story na ito. :) It's all about Eugene. :)
Thank you for reading this! :D
COMMENT BELOW!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi tumitigil sa pagtawa si Eugene. Si Sophie, hindi ko maintindihan kung gulat ba o galit. Baka parehas? Sino ba namang hindi magugulat? Si Eugene lang ang hindi nagulat. Ano bang itinatawa ng batang ito? Nagmana ata sa Tita Yvonne niya, baliw. Naku! Susme! H'wag naman po sana maging buang ang anak ko paglaki.
"What the heck are you two doing?!!" pasigaw na sabi ni Sophie. Nang dahil doon mas lalo pang tumawa si Eugene.
Paano ba naman pinipingutan ng Daddy ni Sophie si Xander, habang parehas silang may hawak na baseball bat. Tapos enjoy na enjoy pa ang Daddy ni Sophie sa pagpingot. Bigla namang umayos 'yong dalawa. Si Xander nag-iwas ng tingin samantalang ang Daddy ni Sophie, nag-astang cool.
"Nothing, sweety." mahinahong sabi ng Daddy niya. "Nakabalik ka na pala. How's the process?"
Lumapit si Sophie kay Xander at inabot 'yong brown envelop na hawak niya. "Sign it, and it's done." mataray na sabi nito, saka naman niya binalingan ang ama. "Explanation, please
Pumasok na din kaming dalawa ni Eugene. Tumabi ako kay Xander na pumipirma sa papers.
Halata sa mukha ng Daddy ni Sophie kung paano niya i-eexplaine ang nakita namin kanina.
"We're just playing?, nothing really." mukhang nahiya na ang Daddy ni Sophie.
"You're supposed to discuss a serious matter here. And yet!" tumingin din siya kay Xander na tahimik lang sa tabi ko. "You both are doing stupid things? What the heck?!"
"We're done with that, Sophie. Ang we're just....you know. Having fun."
Ilang segundo na lang sasabog na 'tong si Sophie. Kanina pa mainit ulo niyan, for sure. SInabayan pa nitong dalawa.
Huminga siya ng malalim para kalamahin ang sarili, "Rose.. Xander, you may go. I need to talk with my father. Alone."
Mas mabilis pa sa'king tumayo si Xander. Kinuha niya 'yong bitbit kong bag at muntik pa niya kaming maiwan ni Eugene sa pagmamadali.
Hindi ko siya kanina habang pababa kami, kasi for sure hindi ko 'to makakausap ng matino. Fresh na fresh pa sa kanya ang kahihiyang nakita namin. I would never imagine him doing such thing.
Napangiti ako. Agad kong inalis 'yon dahil baka mahuli pa ako nito at maisipang baliw ako.
"Akin na si Eugene. Kanina mo pa siya karga." hindi ko pa inaabot kinuha na niya kaagad sa'kin ang bata. Ganoon na ba talaga siya napahiya kanina? Natatawa tuloy ako.
"Kamusta naman ang pag-uusap niyo ng Daddy ni Sophie?" pinilit ko talagang huwag matawa. Buti na lang sumang-ayon ang sarili ko sa gusto ko.
"As expected, tatanggalin niya lahat ng koneksyon sa'kin, bilang parusa. He promised me na hindi kakalat sa press ang tungkol kay Eugene."
Hindi ko na naman maiwasang ma-disappoint sa sarili ko. Kung puwede lang maibalik ang nakaraan at napigilan ko ang sarili ko sa nangyari sa'min sa Greece, edi sana walang mangyayari na ganito. Magiging maayos ang lahat. "Paano ang annulment niyong dalawa ni Sophie."
"Sa ngayon, 'yon muna ang gagawan namin ng paraan. Kung malaman man ng press, kami na ang gagawa ng dahilan kung bakit kami naghiwalay. As long as posible, itatago muna natin ang tungkol kay Eugene. Para na din 'to sa inyong dalawa, sana maunawaan mo."
"Oo naman. Naiintindihan ko naman 'yon. Atsaka sino ba naman ako magreklamo? Diba?"
"You're not just someone, not just no one. You're my child's mother." nakaramdam ako ng awkward atmosphere. Napaka-uneasy ng pakiramdam ko. Bakit ba kasi ganito siya magsalita towards sa'ki? Nag-iiba ang ihip ng hangin. Nakakainis na nakakaki--- Ayt! Wala. Wala!
"Eh ano nga palang ginagawa niyo kanina ng Daddy ni Sophie kanina? Anong ginagawa niyo bago namin kayo mahuli?" Pag-iiba ko ng usapan.
"None of your business."
"Aysus! Nahuli na nga kayo. Ano nga?!"
Halata ko sa kanya na nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya, pero in the end, "Wala. Natripan lang no'ng matanda. Matagal na daw kasing hindi nakakapag-exercise. Kailangan mabanat ang mga buto."
"Weeeh? 'Yon ba talaga?!"
Bigla siyang tumingin sa 'kin ng masama, "Hindi ka naniniwala." sa lahat ng boses niya iyan ang pinaka-ayaw ko. Ang boses niyang mas nakakatakot pa sa mga sound effects sa horror movies.
"Ito naman hindi na mabiro eh. TARA NA NGA!" naglakad ako ng mabilis papunta sa sasakyan niya.
Kahit medyo malayo na ako narinig ko pa si Eugene na tumawa.
Mag-ama nga sila, parehas baliw. Hindi maintindihan ang ugali.
Written by:
bunnybatchieee
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Roman pour AdolescentsKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...