A/N
HOLA!!!
Haha! Aga ng UD ko ano?! :D Wala lang , pampatanggal lang ng stress. :D Kakatapos ng lang exams namin tapos finals naman next week. Ahihihi! Share lang!
1K na ang reads ng Alien & Monster! Nakakatuwa naman. :D Naiiyak ako! LOL! Drama eh! Kasi naman... akala ko dati walang magtiyatiyaga na mag-intay ng updates ng story na 'to. MARAMING SALAMAT SA INYO! :D
So, dating gawi.
Enjoy reading!
COMMENT BELOW!
God bless.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
/A&M Ika-20/
Kagaya ng inaasahan ko, mabilis na dumaan ang mga araw at buwan. Parang kailan lang nalaman namin ni Mel na buntis ako. Ipinaalam ko na din kay Yvonne ang tungkol sa bata. Malaki na ang tiyan ko, nasa pang-anim na buwan na ako ng pagbubuntis. Mahirap, totoo. Sobrang hirap ng maging isang ina lalo na kapag unti-unting lumalaki ang bata sa sinapupunan mo. After pa nito may mga susunod na kailangan pang gawin, mga kailangan ganapan ng isang ina. Biruin mo na lang, sa pagbubuntis pa lang inaalagaan mo na ang bata sa loob. Kailangan dapat masustansya ang kakainin mo. Bawat galaw mo kailangan maging maingat. Kailangang iwasan ang ma-stress na sobra, at iba pa. Sobrang hirap. Pero wala akong pinagsisisihan sa mga iyon. Para sa’kin ang alagaan ko ang anak ko ang pinakamarangal na gawain ng isang inang tulad ko.
Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko sabi ng doctor. Maganda nga daw ang pag-aalaga ko sa sarili ko. At ang baby sa loob ko ay healthy din. Noong huling nagpunta kami ni Yvonne sa doctor nalaman na namin ang gender ng baby ko. I’ll be having a baby boy. I couldn’t help smiling. Lalo tuloy akong na-excite na manganak. I want to see my baby boy.
Tuwang-tuwa din si Mel dahil may bago na daw siyang kukulutan. Sinabi ko na lang sa kanya na huwag niyang hahawakan ang anak ko at huwag gagawan ng mga kabklaan kung ayaw niyang mawala ang mahaba niyang hiyas na kinaiingatan. You know what I mean.
Tumutulong pa din ako hanggang ngayon sa restaurant. Ayoko kasi nang nakatengga lang ako sa bahay, nababagot ako. Bukod sa wala akong kausap, hindi talaga ako taong bahay. Mas gusto ko ‘yong may pinagkakaabalahan ako. Kaya naman pumapasok pa din ako sa ayaw at sa gusto nila Mel at Yvonne.
Kagaya ngayon, namimili kami dito sa Supermarket ng mga ingredients para bukas.
“Grabe! Mas malaki pa ata dito sa pakwan ang tiyan mo, Rosey.” Sabi sa’kin ni Mel habang hawak-hawak ang pakwan.
“Hindi naman ah?! Mas malaki pa din iyang pakwan.”
“Whatever you say. May name ka na ba diyan para sa baby mo?” naglakad na kami papunta sa may vegetables section.
“Wala pa eh. Isip mo nga ako.” Ano ba naman ang mga talong dito ang liliit. Mas gusto ko pa din talaga ang mamimili sa may wet market.
“Uhm.. how about Gracielle? Ang cute nang name na ‘yon. Oh kaya naman Hannah! No! Uhm.. try Jessica. Masyado ng common. How about Beauty? No… Panchita na lang para makaluma.” Nakangiting sabi niya.
Humarap ako sa kanya at sinimangutan siya. “Gusto ko lang ipaalala sa’yo na lalake ang anak ko Mel. Lalake!”
“Ayt! Oo nga pala. Hala ipa-sex change mo na agad iyan anak mo habang maaga pa.”
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...