A/N
As a promise, mag-a-update ako after ng finals namin (removal exam, actually). Here it is, mas maaga pa sa sinabi ko, kahit may hangover pa ako sa mga exams ko hehe! :D Kinakabahan ako sa gagawin kong ending sa story na ito. For sure, marami ang aayaw sa ending. I don't know either. HAHAHA! Baliw lang!
Well, ito na po ang update. :D
Last 2 chapters
COMMENT BELOW!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tahimik lang akong nakaupo sa may waiting room malapit sa may opisina ng kompanya ng Daddy ni Sophie. Hindi namin kasama si Sophie dahil inaasikaso na niya ang annulment nilang dalawa ni Xander. Si Mel, pinaiwan ko sa restaurant dahil sayang ang isang araw na kikitain namin kung walang mag-aasikaso doon. Si Xander naman ay nasa loob ng opisina ng Daddy ni Sophie. Kanina pa siya sa loob, mag-tatatlong oras na simula ng papasukin siya doon. Hindi ko alam ang nangyayari. Sobrang kinakabahan ako sa ginagawa ni Xander. Naiiyak ako sa sobrang kaba, pero ayokong ma-tense din si Eugene na tahimik na nilalaro ang bracelet niya sa kamay.
Napatingin ako ulit sa may pintuan ng opisina. Nakakabahala.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Xander's POV
"Do you think I am that stupid?!!!" namumula na ang mukha niya sa galit.
"All I need is your understanding, Sir." kalmadong sabi ko.
"Mr. Valdez, alam mo ba kung gaanong kalaking kahihiyan ito sa pamilya ko kapag lumabas sa media na may inanakan ka sa labas?!!"
"Wala ho akong pakielam sa media."
"Pwes! Ako mayroon!"
"I just want to know something, Sir. Bakit niyo kami hinayaang magpakasal ni Sophie?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata, "Simply because I want her in the hands of a good man and the man that can give her anything. But it turns out to be like this." nasa katamtamang lakas ang boses niya pero nandoon pa din ang galit.
"I'm sorry, then. Gusto ko lang din sabihin sa inyo na sana huwag niyong gagalawin ang mag-ina. Rose is one of the bravest person I've ever met. Tinago niya sa'kin ang bata para lang hindi lumabas sa media ang tungkol dito. Nang hindi masira ang pangalan ko, ang pangalan sa pagitan nating dalawa, Sir. She suffered too much. Think too much that I could take away our child from her. And now.. maybe it's time for me to take sacrifices. Wala na ho akong pakielam kung tanggalin niyo lahat ng koneksyon niyo sa'kin. Right now, Sophie's busy for our annulment. Dagdag kahihiyan na naman 'yon. But we both don't care. Wala na ho akong pakielam kung masira ang pangalan ko dahil dito. Wala na din ho akong pakielam kung bumagsak ang kompanya ko. Ayoko lang ng madadamay pa dito si Rose at ang bata. Tatay na din ho ako, alam ko kung anong mararamdaman niyo kapag napahiya si Sophie sa lahat ng maraming tao. Isa din naman din ho itong kahihiyan sa akin. Pero kaya ko itong harapin. Sa akin ho kayo may galit, nararamdaman ko. Sa paglabas ko dito sa opisina niyo, alam ko may pagbabanta na sa buhay ko. Hindi na rin ho ako magtataka kung nasa headlines ng dyaryo ang pangalan ko at natagpuan ang bangkay ko sa dagat. Ang gusto ko lang mangyari sa usapan na 'to, gawin niyo lahat ng gusto niyong gawin sa'kin... huwag na huwag niyo lang gagalawin ang mag-ina ko."
Mas lalong naging bato ang mukha ng matanda.
"Dahil kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng aksyon laban sa inyo. "
Napangiwi siya, "Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa mga ganyan mo? Baka nakakalimutan mong isa ako sa pinakamataas dito sa bansang ito."
"Mataas man o nakabababa, kung may krimen kang ginawa sa kulungan ka ba din babagsak."
"Nakakabilib ka Xander. You're threatening me? Tama ang mga sinabi mo. Habang buhay nasa panganib ang buhay mo. Sige, maipapangako ko na hindi ko gagalawin ang hampas lupang 'yon. Tutal nandiyan ka naman para magbayad, sa'yo ko na lang sisingilin." tumayo siya at lumapit sa'kin. "Kung kaya mo ako talunin."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Rose's POV
Kanina pa sila nasa loob. Bakit ang tagal tagal ata naman nila mag-usap. Malapit na magtanghalian. Baka may ginawa ng masama ang matandang 'yong kay Xander. Suskopo! Huwag naman sana. Nakatulog na si Eugene.
Maya-maya nakarinig ako ng footsteps papalapit sa waiting room. Pagkasiplip ko si Sophie ang nakita ko.
"Where's Xander?" tanong niya pagkapasok niya.
"Nasa loob pa. Kanina pa nga sila doon eh."
"You mean, kaninang kanina pa? What took them so long?" bago pa ako makasagot umalis na siya. Sumunod naman ako sa kanya kaagad.
Nahawakan na ni Sophie ang door knob ng pigilan ko siya, "Baka mas lalong magalit ang Daddy mo Sophie."
"I don't care." nakakunot noong sabi nito.
Bumalik na naman siya sa pagkabratinela. Baka masyado lang napagod sa pag-aasikaso ng annulment nito ni Xander. Kanina pa din siya umalis tapos ngayon lang siya dumating.
Hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin.
Pagkabukas ni Sophie ng pintuan, parehas kaming napanganga sa nakita namin. Si Eugene na kaninang tulog, nagising dahil sa paggalaw ko. Tumawa lang siya, hindi ko alam kung bakit natatawa si Eugene, parang akala mo naiintindihan niya 'yong nangyayari.
"What is the meaning of this?" inis na sabi ni Sophie.
Tumawa na lang ulit si Eugene.
Written by:
bunnybatchieee

BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
JugendliteraturKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...