Hi guys!
Ito na ang nex UD. Sana after ng finals makapag-ud ako bago umuwi ng Quezon. kapag nangyare 'yon sa January na ako makakapag-update. Tao lang din naman po ako, nasasabik sa bakasyon HAHAHAHA!
I'm sorry sa mga typo at wrong grammar ng chapter na ito :D
Enjoy reading!
COMMENT BELOW!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tahimik lang kaming nakupo dito sa loob ng restaurant. Mag-aalas dose na ng gabi, napupuyat kami sa isang bagay na pati ang iba nadadamay. Kung kailan naman gusto kong umayon ang mga bagay bagay sa desisyon ko, naging komplekado pa.
"Hindi ko rin maintindihan diyan sa tatay mo, Sophie, eh ano? Ang laking epal sa buhay niyo. I'm sorry for this Rose ah? Pero ano naman kung may anak sa ibang babae itong si Xander? As if naman na siya mismo walang babae sa buhay." galit na galit na sabi ni Mel.
"Walang babae si Daddy. I'm positive about that." seryosong sabi ni Sophie.
"At paano mo naman nalaman? 'Yang mga ganyang lalake hindi mo mapagkakatiwalaan. Hangga't may panggasta sila para sa mga babae nila, hindi sila titigil. Magsisinungaling at magsisinungaling pa din 'yang mga 'yan kahit mabuko pa sila. Haynaku!"
"How could you say that? You don't even know him. Who are you to judge my father?"
"I'm just stating the posibilities. Hindi imposibleng walang ibang pamilya ang Tatay mo Sophie. Kaya siguro hinahanapan niya ng baho itong si Xander. You know naman... business is sometimes evil."
Paano nga kaya kung may ibang asawa ang tatay ni Sophie? Ano kayang gagawin niya? She's too old enough para magrebelde. Makakapagtanim lang siguro siya ng sama ng loob.
"To see is to believe." matigas na sabi ni Sophie.
"Tama na 'yan. Hindi pangbababae nang Daddy ni Sophie ang issue dito." sabi ni Xander na nasa gitna nilang dalawa.
"Oh?! Eh paano nga? Anong gagawin natin?" naiinis na sabi ni Mel. "Maaari ka niyang tanggalin ang koneksyon niya sa'yo. At lalo ka pa niyang siraan. Lalabas pa ito sa media, pati si Sophie, kukulitin ng mga reporter na 'yan tungkol sa kaso. For sure, uusok na naman ang ilong ng babaeng ito kapag nangyari 'yon. Teka? Bakit amoy sunog na sinigang? CHICHAY! 'YONG NILULUTO MO! GABING GABI NA NAGSISINIGANG KA PA! KABAGAN KA NIYAN SA KATAKAWAN MO!!"
"There's nothing we can do about it." seryosong sabi ni Xander bago magpakawala ng isang napakalalim na hininga. "If the press found out, tikom na lang ang mga bibig niyo. Ako na ang bahalang magkumpirma sa kanila ng tungkol doon. Walang magsasalita, except sa'kin. Maliwanag ba?"
Tumango sila Sophie at Mel.
"Nakakaloka ang buhay niyo ah? Kumplikado na nga sa pag-iibigan tapos nagkajunakis pa kayo. Sumali naman itong matandang hukluban na ito. CHICHAY! PAHINGI NGA AKO NG SINIGANG MO!" umalis na si Xander sa puwesto niya.
"But Xander..." sabi ni Sophie.
"Just do it, Sophie. As for your Dad, ako ng bahala doon. I'll make it to the point na makukuha mo ang gusto mo sa kanya bago ako makipag-annul sa'yo. Trust me."
Narinig kong umiyak si Eugene. Nilapitan naman siya kaagad ni Xander para aluin. I grab the chance para makausap si Sophie.
"I'm sorry, Sophie. Nadadamay ka pa dito, pati na din ang pangalan ng Pamilya mo masisira ng dahil sa'kin. I'm really sorry. Pinilit ko namang itago hanggang sa makakaya ko eh. Pero wala, nandito na tayo sa sitwasyon na kinakatakutan ko."
Tumabi siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko, "Kahit ano namang tago mo sa sikreto mo, lalabas at lalabas din naman 'yan. Mas maganda nga na sa ganitong sitwasyon na lumabas, para isang pasada na lang. Pasasaan ba't matatapos din ang lahat ng ito? Madali na lang 'yan."
"Pasensya ka na talaga."
"Ano ka ba? No need for that. Okay lang ako. Intindihin mo na lang 'yang baby mo. Magtiwala lang tayo kay Xander." ngumiti siya sa'kin. "And I'm sorry sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo before. Napakalaki kong gaga, napaka childish ko. Siguro nga, si Xander na ang pinakamalaking suntok na tumama sa'kin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Don't tell me na na-in love siya kay Xander?
"Alam ko kung anong iniisip mo. You're right, hindi naman mahirap eh. Yeah, he's cold. At times he's the sweetest guy. Mainintin ang ulo pero napaka-understanding. Hindi madaling hulaan kung ano ang tumatakbo sa utak niya, akala mo napaka-komplikado ng mga iniisip niya. Hindi mo alam, simple lang pala. 'Yong mga ganoong bagay ba. And when you get closer to him, kahit na para kayong mga aso't pusa... wala eh.. mahuhulog at mahuhulog ka pa din. Xander effect kung baga." ngumiti siya pero agad na nawala 'yon.
Is it right kung sabihin kong inagawan ko siya? But how could I said that kung ever since, Xander was never mine? Ilusyunada pa din ako hanggang ngayon.
"But don't worry. Hindi kita sinisisi kung mawawala siya sa'kin. I know naman na hindi siya para sa'kin at never niyang maiisip na para ako sa kanya."
"Paano mo naman nasabi?"
"Ramdam ko. Mararamdaman mo naman 'yon eh. Wala kasi kaming spark. Para lang kaming magkaibigan na magkaaway. Basta ganoon. Teka naiihi ako. Atsaka patulog muna sa office mo ah? Tinatamad akong umuwi."
"Sure." ngumiti ako sa kanya.
Tiningnan ko kung anong ginagawa ni Xander. Nakaupo siya sa isang table habang pinapadede si Eugene. Tititigan niya ang bata tapos maya-maya titingin siya sa labas.
Lumapit ako sa kanya.
"Xander, ako na." inilahad ko 'yong kamay ko para ibigay niya sa'kin si Eugene.
"No, I can do this. You should start teaching me things how to take care of Eugene."
Ngumiti ako sa kanya. Umupo ako sa katapat na upuan.
"Xander, paano na ang kompanya mo kung mawawala ang koneksyon ng pamilya ni Sophie sa business mo?"
Bigla ulit naging seryos ang mkha ni Xander. "I don't care kung bumagsak ang business ko. I could still find someone na magkukusang loob na tulungan ko. And besides, my business is nothing right now. All I think about is Eugene.... and you."
Napatingin ako derecho sa mga mata niya. Wala akong makitang awa o simpatya. Hindi ko rin mahanap kung pinaglalaruan niya ako o kung ano pa man.
"All you need to do is trust. That's all you can do for now." sabi niya sa'kin.
I will, Xander.
Written by:
bunnybatchieee
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
أدب المراهقينKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...