/A&M Ika-8/
To tell you the truth guys! Wala na akong maisip pa na mararating ng story na ito. :((( i'm so poor! >.<
Anyway, sana naman may magcomment.
Enjoy reading!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Rose’s POV
Nabobored na ako dito sa loob ng gym. Si Yvonne at si Alex naman andun na sa dance floor, pati na din si Mel gumigiling na sa may gitna. Kaya naisipan kong lumabas ng gym. Rinig pa din yung music dahil merong dalawang speaker sa may labas ng gym.
Habang naglalakad ako napansin kong walang pinagbago ang school. Siguro yung pintura lang at lalong dumami ang damo sa may bandang tambayan dati. Napapunta ako sa may fountain. Maganda pala ito lalo na kapag gabi. Ang ganda ng reflection ng ilaw sa tubig.
Nakangiti akong umupo sa may malapit sa fountain. Natutuwa kasi ako sa rainbow na ilaw na nakikita ko sa tubig. Actually kulay blue lang yun, assuming lang ako na rainbow ang nakikita ng mga bano kung mata. Ang sarap kasi tingnan, nakakawala ng pagod. Maya-maya may nakita akong reflection ng isang taong naglalakad. OMG! WALANG NAGSABI SA’KIN NA MAY MULTO PALA DITO!!!! Na stuck na yung mga paa ko sa lupa. Palapit na palapit sa gawi ko yung lalake. Okay Rose, hinga.. buga.. hinga.. buga.. Monster ka diba? Monster ka ika nga ni Alien diba? Okay? San ng galing si Alien? Whatever! Relax lang, buga ka pa…
Nang maliwanagan ng ilaw ang mukha niya..
O.O <- hitsura naming dalawa.
“Lintek, Xander! Tinakot mo ko!!!!” napahawak na lang ako sa chest ko.
Nakita ko naman siyang kampanteng papalapit lang sa’kin. Pero mali pala ako, doon siya umupo sa may fountain na katapat ko lang.
“Bakit ba kasi andito ka sa labas?”
Tumingin ako sa kanya ng masama. “Wafaklez! E bakit ikaw? Bakit ka nandito?”
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...
