/A&M Ika-15/

245 5 5
                                    

A/N

HELLO GUYS!

This is my promise! Itech na ang UD :D Ahihihi! LABOR DAY ngayon.. tama ba? Basta Holiday haha!

Hindi ko alam kung kailan ang next UD, pero try kong mag-UD sa weekend or kapag nagkaroon ako ng freetime. Sunod-sunod na kasi ang exams ngayon, ang hirap talaga kapag summer term. :'(

So, ayun. I hope you like this chapter. :D

Thank you and God bless.

COMMENT BELOW!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

/A&M Ika-15/

“I told! I TOLD YOU!” dinuru-duro pa ako ni Mel habang nakatayo siya sa harapan ko.

“Bakit mo ba ako laging sinisigawan Mel? Alam kong aware ka na hindi ako bingi.” Naka-upo lang ako sa kama ko habang balot na kumot mula waist pababa.

Nagkwento kasi ako tungkol sa napag-usapan namin ni Xander kagabi. At ang loka, iyan, tama daw siya.

“Para may impact hahaha! Well..” umupo siya sa dulo ng kama, sa may paanan ko. “Ano nafi-feel mo?”

I sighed. “Masakit syempre.”

“Mas masakit pa kaysa sa nawalan ng virginity?”

“MEL!!!!!!!!!!!!”

“Just saying..” itinaas niya ang kamay niya, “Just saying…”

“Nakausap mo na ba si Yvonne, parang di na ata lumabas ng kwarto ‘yong mag-asawang ‘yon mula pa kahapon ng gabi.”

“Hayaan mo sila, nangingitlog pa si Yvonne, kailangan nilang makabuo.”

“Alam mo ikaw, sanayin mo na ‘yang sarili mo na hindi magsalita ng mga ganyan.”

“Bakit?” tumayo siya at umupo sa may upuan katabi ng isang rounded table. “Hindi ka na kinder para maging inosente. Atsaka… sino pa bang inosente sa panahon ngayon? Eh mga batang 4 years old alam na ang salitang sex, mga teen ager ngayon buntisan ng buntisan. Kaya kung ako sa’yo Rosey the Horsey mag pabuntis ka na, hangga’t uso pa.”

Gusto ko siyang batuhin ng unan dahil sa mga sinasabi niya. Magpapabuntis ako? Wag na… kung hindi lang si Xander ang ama. AIIIISH! Nakakainis naman eh! Dapat hindi ko na siya iniisip, dapat hindi ko na siya minamahal ng ganito. Ano ba?! MOVE ON na Rose.. tingnan mo tuloy ang nangyare. The history repeats itself.

“Mel…” sabi ko habang nilalaro ng kamay ko ang kumot.

“Yes dahling?” busy siya sa pagbuklat ng magazine.

“Mahirap pala kapag nasa harap mo na siya. Kapag sinabi mo na ayaw mo na, hindi pala totoo. Kapag sinabi mong suko ka na, ayaw mo pa din. Kapag sinabi mo na hindi mo na siya mahal, opposite pala ang ibig sabihin nun.”

Tumingin siya sa’kin. Naawa.

“Alam mo Rose…” isinara niya ‘yong magazine. “Nagugutom ako. Tara kain tayo.”

-.- “Thank you Mel ah? Nagdadrama ako dito tapos iyan ang sasabihin mo sa’kin.”

Tumayo na siya at pumunta sa higaan niya, “Wala akong panahon sa mga drama mo. Atsaka madaming yummy na foreigner diyan, pabuntis ka sa kanila baka sakaling gumanda ang lahi niyo.”

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon