/A&M ika-25/
Sophie’s POV
Pagkababa ko nang sasakyan, pumasok na ako kaagad nang building. No other than Xander’s building.
Stupid life!!
When I was still studying I always get what I want. Ngayon namang malaki ako, everything is under control. Baliktad na talaga ang takbo nang orasan ngayon.
Why am I here? Well, para sabihin sa magaling kong asawa ang kailangan ko. I can’t take it any longer, my Dad already helped Xander at naibigay niya na sa’kin lahat nang napag-usapan namin. And now may gusto na naman siya. Everytime na irereject ko siya, kinokontra niya. He’s blackmailing me. Na hawak pa din niya sa mga kamay niya ang pera ko. urgh!!!!!
Pasakay na ako nang elevator nang bigla kong makita na sobrang puno na. Lahat nang trabahador nakatingin lang sa’kin. How dare them? Hindi pa din sila kumikilos?
Itinaas ko ang kanang kilay ko, and with that para silang mga langgam na mabilis na lumabas nang elevator.
When it’s already clear, pumasok na ako and hit the floor where Xander is.
After 2 minutes the elevator hit the last floor, lumabas na ako pagkabukas na pagkabukas nang pintuan. Binabati ako nang mga empleyadong nadadaanan ko pero hindi ko sila pinapansin.
And even his secretary, binate ako. I don’t mind her. Binuksan ko kaagad ang pintuan nang opisina niya, only to find out na wala siya sa desk niya. Nilingon ko ulit ang secretary niya na ngayon ay busy sa pagtatype nang kung ano mang meron sa papel.
“Where’s your boss?” sabi ko sa kanya pagkalapit ko.
“Sorry, Mrs. Valdez, but I can’t tell you where’s Sir.”
Kinuha ko ‘yong papel na nasa desk niya at pinunit ko. “Ngayon, sabihin mo sa’kin kung nasan ang boss mo!”
Umiling iling pa siya, “Napaka-bratinela mo talaga. Napakalayo nang ugali mo kay Xander. Dapat sa’yo pinapadanas ang kahirapan.” Lumapit siya sa’kin para pulutin ang pinunit ko.
“Your fired!”
Pero parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy lang siya sa desk niya. “You’re not my boss. You don’t have the authority. You don’t pay me. So better shut your mouth, missy.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Huh! The nerve of this girl!
“What did you just said? Do you know who I am?” matigas na sabi ko.
“Sino bang hindi makakakilala sa isang Sophie Montenegro. Kilala bilang isang spoiled brat. Feeling may kapangyarihan at malakas. At ang pinakapangit na nakilala ko.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, “How nice.” Kinuha ko ‘yong stapler sa ibabaw nang table niya at akmang ihahampas na sa ulo niya nang biglang may pumigil sa kamay ko.
“Stop it.” Our faces is an inch away. At tinitingnan niya ako nang masama. “Put it down,”
Tinitigan ko muna siya nang matagal bago ko ilapag ‘yong stapler. Pumasok na siya nang gawin ko ‘yon. Tumingin muna ako sa secretary niya na may babala sa mga mata ko.
When I closed the door, “I want you to fire that girl.”
He’s flipping some papers. “I’m the boss here, Sophie.”
“Asawa mo naman ako.”
“I don’t care.”
“What?”
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Fiksi RemajaKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...