A/N:
YES! Nakahingi ako ng konting oras sa mga gawain! :) Naisingit pa sa paggawa ng full report sa chem lab! Anyhoo, ito na po ang UD. I hope you enjoy!
COMMENT BELOW!
God bless!
-----------------------------------------------------------------------------------------
Rose's POV
"Alam mo Rose, sa tingin ko magadang ibahin naman natin ang menu natin for tomorrow." sabi sa'kin ni Mel habang inaayos 'yong mga kailangang ayusing papel.
"Wag na Mel, mahihirapan na naman tayo. Kada week na lang tayo magpalit ng mga pagkain. Mas maganda 'yong papatok talaga sa mga tao."
"Okay. As you say so. Oo nga pala, nakuha ko na 'yong puwesto doon sa may Quezon Ave. Okay na 'yon."
"Sige sige, iplano na lang natin ang pagrerenovate."
"HAYST! Tama na nga ang business! Nabobored na ako eh! Puwede bang magliwaliw naman tayo? Andito naman si Mikay eh! Kahit isang araw lang Rose, you know. Igala naman natin 'tong si baby Eugene sa Manila Ocean park, para naman hindi lang 'yong kabayo mong mukha ang nakikita niya." pinaningkitan ko siya ng mata. "Joke lang! Ito naman! Alam mo 'yon? JOOKE! Hahaha!"
"Malakas ang resto, Mel."
"Ang sabi ko nandito naman si Mikay! May magbabantay naman ng resto eh."
"Sabi ko nga, wag ka ng magalit."
"Yehey! Kailan?" mas na-excite pa siya kaysa kay Eugene.
"Bukas."
"Seryoso?"
"Oo."
"YES!!! Magpapa-reserve na ako sa Hotel H2O para naman ok--"
"Wait!" hinarap ko siya, "Akala ko ba gagala lang tayo doon?"
"Oo nga, syempre ang bibilhin kong ticket 'yong hanggang sa fountain show! Sulitin na natin ang pagpunta doon. Ito naman! Gabi na 'yon eh, nakakapagod na din ang magdrive."
I rolled my eyes, pagpapakita ng ayaw ko ng ideya niya.
"Ang kj mo talaga kahit kailan! Kahit para lang sa anak mo."
"Para ba kay Eugene o para talaga sa'yo?"
"Para sa'ting lahat! Tingnan mo nga 'yang eyebags mo! Mas malala pa sa panda! Uling sa itim."
Kinuha ko kaagad 'yong bag ko at kinuha 'yong compact ko. Hindi naman maitim ang ilalim ng mga mata ko.
"Napaka-exagg mo talaga sa mga bagay." ibinalik ko na 'yongcompact.
"Pumayag ka na kasi!"
Naisip ko din bigla na hindi ko pa naipapasyal ang anak ko simula ng ipanganak ko siya. Puro sa club house lang kami ng subdivision. Kaso, kung doon ko naman siya dadalhin ano namang magiging kamalayan ‘non doon diba? Ilang buwan pa lang ‘yang si Eugene.
“Wag na, Mel. Sayang ‘yong oras sa pagtatrabaho. Ang dami na nga nating listahan for caterings. Oo nga pala tumawag si Miss Chua kanina, ang sabi niya gusto niya Hawaiin style ang wedding niya.”

BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...