Introduction (part 2)

836 13 9
                                    

Lumipas ang taon inakala kong okay na ako. Di pa pala. Di ko naman siya masisisi kung may mahal na siyang iba. Pero ikaw ba? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo sa taong mahal mo?

Siya lang naman ang tanging babae na nakapagpatibok ng puso ko. Iniisip ko nga bakit sa isang pamilyado NA ako nagmamahal? Oo alam ko, hindi ako manhid, alam kong may isang babae na handang ibigay ang lahat para sa'kin. Sinasabihan ako ng iba na manhid dahil hindi ko napapansin ang taong nagmamahal sa'kin. Hindi ako manhid, kasalan ko ba na iba ang mahal ko? Kasalan ko ba na hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na gusto niya? Manhid pa ba ako ng lagay na takot akong masaktan ang taong nagmamahal sa'kin kung ako lang din naman ang dahilan? Sabihin niyo nga? Manhid pa ba ako ng lagay na yan?

Sabi nila sa'kin, MAS MABUTING MAHALIN MO ANG TAONG MAS MAHAL KA KESA SA MAS MAHAL MO SIYA.

Di naman kasi ganun kadali yun. Para ka lang nagbigay ng isang candy na labag sa loob mo, diba? Lahat ng bagay may proseso..

Forgive and Forget...

Matagal na akong nagpatawad at sana nga dumating ang panahon na makalimot ako. 

Gusto ko maranasang maging masaya. Makawala sa tali ng panahon. Gusto ko din namang maranasang mahalin din ng sobra sobra. Pero mukhang masaklap ang lahat. Kasi kung pilit kong inoorganisa ang lahat lalo naman itong gumugulo.

Sana dumating sa punto ng buhay ko na may magmulat ng mga mata ko at may bumulong ng "Siya ang nararapat sa pagmamahal mo.."

Sana dumating sa buhay ni Xander Valdez yun. Sana .........

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Isa pang, TEASER I guess. hahaha. Wala lang nalagyan ko lang niyan. :D Noong bakasyon nagtatype na ako ng mga chapters ng story na ito. Para naman kapag natapos na sa si sam sa mrb makakapaglagay na ako at tuloy tuloy na din ang update. Masyado na kasi akong busy ngayong pasukan at hindi ko kayang pagsabayin ang lahat.

WAG KALIMUTANG SUPORTAHAN ANG My Robot Boyfriend hanggang sa huli. Painit na ng painit ang laban. Lol!!! :")

Maraming Salamat sa mga nagbabasa, magbabasa at nagiintay na mabasa na ang first chapter ng story. Alam ko na madidisappoint lang kayo dahil isa po akong boring na writer, I swear to Zeus. joke! Baka patamaan niya pa ako ng kidlat.

So ayun! MARAMING SALAMAT AND GOD BLESS! Aral ng mabuti mga bata!!

uglybatchie

Alien & Monster, In Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon