Bunny's Note:
HALOOOOOOOO! HAHAHAHAHA!
Dahil NEW YEAR na, eeeeh! gusto ko din naman kayo bigyan ng NEW UPDATE! Tagal ko ng di nag-uupdate dito. ^_^) Sensya na po, nagbakasyon lang. Umiwas sa magulong buhay ng college. LOL! Charotersss!
So Ayun, kamusta naman ag inyo. Pasukan na naman namin bukas, at kailangan ng mag-chepar chepar sa pag-aaral. ^_^)> Kayo din ah?!
Sana, pagbalik ko sa wattpad sa Saturday may comments na akong makikita. Kahit wala ng vote, comment na lang. Para atleast naman may paghugutan ako ng strength! ECHOS! Pero sana may COMMENT na talaga. :(
Ayun, hanggang dito na lang ang pagbati ko. Yung COMMENT ko ah?! :)) Ahihihi! Papasko niyo na sa'kin. :D
BELATED MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR! God bless us all <3
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
/A&M Ika-4/
Mel’s POV
Hello mga baklush! Pors time kong lumitaw sa ganitong eksena ha?! Ehem! Ehem! :D Well, mukhang kilala niyo na naman ako. Yes! Ako nga ang baklang kausap kanina ni Rose-buds, cotton buds! :P
Ang buo kong pangalan ay Romulo Sarmiento. At dahil sa maarte akong baklita ginawa ko siyang Rommel and for short, Mel na lang. Odiba? Keribels niyo naman ang tawag sa’kin? Wag na kayong umangal pa ha?! Minsan lang akong mabuhay sa mga kaisipan niyo.
Oh well papel, ayun nga. Naging kaibigan ko si Rose nung naging magkaklase kami slash partner sa Culinary Arts. Mabait naman siya kaso kapag nagalit tumakbo ka na pabalik sa saya ng nanay mo. Naku! Buti nga nagpipigil pa yan ng ihi, este ng galit ngayon eh! Syemperds kelangan, maging sociable dapat siya. Sa tingin ko nga eh! Kami lang ni Yvonne ang kaibigan niya. Ewan ko ba sa babaitang iyon.
So back to realidad..
Habang andoon ako sa kusina at pinapapak ang mga hershey little kisses, biglang may pumasok.
“ANAKNG!! MEL! WAG MONG PAPAKIN YAN! PARA SA SATURDAY YAN HINDI PARA SA TIYAN MO!!!”
Ayan na ang monster. Alam niyo naman siguro kung bakit tinawag na monster yan diba? Dahil kay past niya. Hihihi! :’) Charoootera! Hindi ko na ikukwento kung bakit dahil alam kong alam niyo na dahil suki kayo ng My Robot Boyfriend written by Loza Girl, I mean… sam_05_loza.
“Eto naman para kalahati lang ang nakain ko maka-react naman, ang dami pa kaya oh?”
BINABASA MO ANG
Alien & Monster, In Love!
Teen FictionKwento ito ng isang Alien na nagmula sa planetang Cheverlu. Dahil isa siyang matalinong Alien at sakagustuhang malibot ang buong universe, nakaimbento siya ng hindi isang pangkaraniwang sasakyan... ang Cube Alien Traveler. Nagpaikot ikot sa universe...